Isang magandang ngiti ang iginawad ni Andrew kay Raven. Hindi niya maalis ang mga mata sa ngiting iyon. Kaya naman hindi niya nakita ang balak gawin ni Andrew. Halos wala sa loob na ipinagpatuloy niya ang paglabas ng opisina. Nakaramdam siya ng balakid sa kanyang mga binti. Huli na ang lahat nang ma-realize niya ang nangyayari. Nawalan na siya ng balanse. Sinubukan niyang humawak kay Andrew pero nakangising lumayo lang sa kanya ang bruho. Bumagsak siya sa sahig. Nabitiwan niya ang bag at kumalat ang mga laman niyon sa sahig. Hindi kaagad nakagalaw si Raven pagbagsak niya. Naikurap-kurap niya ang mga mata. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili na nangyari talaga ang lahat. Pinatid siya ni Andrew. Naghalo ang nostalgia at inis sa damdamin ni Raven. Nag-flash sa kanyang isip ang unang pa

