“SO THIS is your office,” kaswal na pambungad ni Raven pagpasok niya sa loob ng opisina ni Andrew. Isang intern ang nagsabi sa kanya na gusto sana siyang makausap ng lalaki sa opisina nito. Hanggang sa may pintuan lang ang intern. Sumailalim na si Raven sa mga test para malaman kung puwede talaga niyang i-donate ang isa niyang kidney kay Ethan. Ngayon niya dapat malalaman ang resulta. Hindi niya sigurado kung si Andrew ang magsasabi sa kanya ng bagay na iyon. Hindi kinakabahan o natatakot si Raven sa nakatakdang gawin. Hindi siya nagdadalawang-isip sa gustong gawin. Mas kinakabahan pa nga siyang makulong sa loob ng opisina na iyon kasama si Andrew. Hindi pa rin mapayapa ang kanyang puso tuwing nagkikita silang dalawa. Hindi pa rin niya magawang kontrolin ang reaksiyon ng katawan. Minsan

