BONUS CHAPTER ONE JAZZLENE "Glass flower two hundred and thirty-one," mahina kong bulong, nakangiti, habang pinagmamasdan ang isang pirasong rose na gawa sa babasagin na inabot sa akin ni Adam matapos kong sumakay sa sasakyan niya. Narito siya sa parking lot ng M-Power Hotel, nauna siya sa akin dito nang bahagya para hindi makita ng mga empleyado na magkasabay kaming uuwi. "Do you want me to stop giving you flowers?" tanong niyang dumukwang sa akin para humalik sandali sa labi ko, may bahagyang ngiti sa labi niya. "No. Not yet. Stop when we reached one thousand." I giggled. Simula kasi nang bumalik siya galing sa Singapore, naging deretso na uli ang pagbibigay niya sa akin ng bulaklak na gawa sa glass. Two hundred and ten ang huling bilang ko roon pag-alis niya. Medyo marami nang nadag

