JAZZLENE Hindi na sumama sa akin si Adam pabalik sa function hall para maiwasan ang mga tao roon. Baka raw kasi pag-usapan kami, ayaw niyang magkaroon kami ng issue at baka pati raw ako ay bulabugin pa ng media. Pero nangako siya na pupunta siya sa bahay kinabukasan para ipagpaalam ako nang personal sa mga magulang ko para opisyal na raw niya akong maligawan. I kinda excited for that but I'm a little worried how my crazy brothers might react. Kinabukasan, bandang hapon kami nagpunta sa bahay. Siya ang sumundo sa akin sa hotel niya after ng duty ko, habang nanggaling naman siya sa Meadows Group dahil marami siyang inasikaso roon, lalo na at limang buwan siyang nawala. Alam na rin nila Mommy at Daddy na kasama ko si Adam ngayon na uuwi roon. Sinabihan ko na sila in advance para makapag-pr

