Pagkarating sa bahay ni Clinton ay agad naglaro si Clarence gamit ang mga bagong laruan nito. Inalalayan naman ito ni Clinton habang siya ay nanuod lang sa mga ito. "Mommy, can we live here with Daddy?" Natigilan siya at hindi niya alam ang sasabihin niya. Heto na, nagsisimula nang magrequest ang anak niya sa mga bagay na may kinalaman kay Clinton. Paano niya ito ngayon matatanggihan? "Baby, we have our own house, don't we?" pinilit niyang ngumiti sa anak niya. "But we should live with Daddy so that we can be a happy and complete family." Napangiwi siya pagkatapos ay nagkatinginan sila ni Clinton. Tinaasan pa siya nito ng kilay na wari ay inaasar siya at hinahamon kung paano niya sasagutin ang anak nila. "Baby, there's a lot of things to consider if you want us to live with your Dad

