Pagkabili ng mga laruan ni Clarence ay nagyaya muna si Clinton na kumain sila. Napa-yes naman agad si Clarence at nirequest pang kumain sila sa isang sikat na kainan ng mga bata. Originally Filipino kasi ang kainang iyon at talagang gusto ni Clarence ang mga pagkain doon ngunit may mangilan-ngilan lang na branches iyon sa America kaya bihira rin silang makakain doon. Pero habang papunta na sila roon ay bigla namang sumalubong sa kanila ang isang babae. At namukhaan kaagad niyang iyon ang girlfriend ni Clinton. Nakaramdam siya ng kaba kasabay ng tila kurot sa puso niya nang tingnan nito si Clinton na karga ang anak nila. Napayuko na lang siya. Ito na nga ba ang iniiwasan niyang mangyari... ang posibilidad na mag-away si Clinton at ang girlfriend nito dahil sa anak nila. Handa naman siy

