"Kuya, bakit ngayon ka lang? Tsaka sino ba ang tinitingnan mo?" Humaba ang leeg ni Hailey at tinanaw din ang tinatanaw niya kani-kanina lang. Pero wala na roon ang babae at ang batang lalaking may hawig sa kanya. "Hailey, I have an emergency. I have to go. Right now!" Kumalas na siya sa pagkakayakap nito sa braso niya pero kaagad din itong kumapit ng mas mahigpit sa kanya. "Emergency? Kakarating mo lang, ah! Tama na muna ang trabaho—" "This isn't about work, Hailey. This is about my son! Possibly...." Ito naman ang kumalas sa kanya at napamulagat na napatitig sa mukha niya. "What? May anak ka na?!" Gulat nitong tanong. "I don't know... I'm not sure... I just have this feeling... Damn! Sige na, hahabulin ko pa sila." "Wait. Kuya!" Naglakad na siya palayo kay Hailey at nagmamadali

