Chapter 35 - The Kid

1655 Words

Today is Bruce Axell and Rona's wedding. Naunahan na naman siya ng isa pang kaibigan niya na mag-asawa. Sa kanilang magkakaibigan ay siya ang pinakaunang tumino pero mukhang siya pa yata ang huling makakapag-asawa... Iyon ay kung gugustuhin pa niyang mag-asawa. Napatingin siya kay Rona na kasalukuyan nang nagkakakad sa red carpet papunta sa altar. Kasama nito ang daddy nito at si Becka. Napapaisip siya dahil ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa niya nakikita si Liam na kasama ni Becka, o maging ang anak ng mga ito. Hindi naman niya matanong si Bruce kung may alam ito dahil gusto niyang panindigan ang kawalan niya ng pakialam kay Becka kahit sa mga kaibigan lang niya. Isa pa, espesyal ang araw na ito para sa kaibigan niya kaya ayaw niya itong usisain pa. Baka wala din itong alam tu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD