"Ma'am Becka, tumawag po ang abogado ni Sir Liam at nagpapa-schedule po siya ng meeting sa iyo para basahin ang Last Will and Testament ni Sir Liam." Mula sa binabasang dokumento ay napaangat ang tingin niya kay Maegan, dating secretary ni Liam na secretary na niya ngayon. "Nakapag-book ka na ba ng ticket natin pauwi ng Pilipinas?" Balik-tanong muna niya rito. "Yes, Ma'am. Gaya po ng sabi mo ay weekend ang ipina-book kong flight." sagot naman ng secretary niya. Tuesday na kaya may ilang araw pa bago sila umuwi ng Pilipinas. Ang plano niya ay uuwi lang siya sa Pilipinas para ipakilala si Clarence kay Clinton. Siguro ay mananatili sila sa Pilipinas ng ilang linggo o buwan, depende sa sitwasyon. Pero may posibilidad pa rin na babalik siya sa America at doon na manirahan dahil doon na ang

