"Welcome to Philippines, anak." "And Daddy? Where is Daddy?" Biglang naging alanganin ang ngiti niya nang banggitin agad ng anak niya ang Daddy nito. Kakababa lang nila ng eroplano at kasalukuyan na silang naglalakad patungo sa arrival area sa loob ng airport para kunin ang mga maleta nila. Hawak niya ang kamay ni Clarence habang naglalakad sila at nakasunod naman sa kanya ang yaya Tess nito maging si Maegan na secretary niya. Nagpalinga-linga pa si Clarence sa paligid na tila inaasahan nitong may susundo sa kanila at iyon ang ama nito. Hanggang sa mga sandaling iyon kasi ay hindi pa nito alam ang hitsura ni Clinton. "Ahm.. Anak. Hindi tayo masusundo ng Daddy mo dahil busy pa siya sa work. Don't worry, I'll call him and tell him that we're already here." Nalukot agad ang mukha ni Cl

