Chapter Six

1521 Words
MAINGAT na itinupi ni Stone ang face towel na ibinigay sa kanya ni Kisa. Naramdaman niya ang pagkawala ng isang pigil na ngiti habang nakatitig siya sa pangalan niya na nakaburda roon. Kahit ayaw niyang aminin dito, masaya siyang makatanggap ng regalo mula rito, gaano man iyon kasimple o kaliit. At mas masaya siyang malaman na para sa kanya lang iyon. Marahang idinampi niya ang face towel sa kanyang mukha. He inhaled its sweet scent. Kapareho niyon ang amoy ni Kisa. Nilagyan kasi iyon ni Kisa ng pabango nito. At gustong-gusto niya ang amoy nito. Alam niyang nang dahil sa nangyari noong nakaraang araw ay mahihirapan na siyang iwasan ito. Napalapit na nang husto ang loob niya rito. Lalong hindi niya alam kung makakaya pa niyang saktan ito. Because when he saw how hurt she was, his resolve to stay away from her vanished into thin air. All he wanted to do now was to stay by her side and protect her, even though he knew it was wrong to do so. Even though he knew the risks of getting close to her. Maingat na inilagay niya ang face towel sa bag niya, pagkatapos ay bumaba na siya ng kotse. "Stone!" Nalingunan niya si Snap. "O, Snap." Inakbayan siya nito. "Kumusta ang secret training n'yo ni Kisa?" Kumunot ang noo niya. "Snap, matutuwa ako kung hindi mo na bibigyan ng kung ano-anong ideas si Kisa." Iwinasiwas lang nito ang kamay. "Anyway, mabuti na lang at nakita kita ngayon. Nakalimutan ko kasing sabihin sa 'yo kahapon na may bagong manager na ang team natin. Kaya ipapakilala ko siya sa 'yo ngayon." Bago pa siya makapagtanong kung sino ang bagong manager ay may tumawag sa pangalan niya. "Stone!" Luminga-linga siya sa paligid. Nang sikuhin siya ni Snap ay may itinuro ito sa itaas. Pagtingala niya ay nakita niya si Kisa. Nasa ikalawang palapag ito ng Communication Arts building. Sinimangutan niya ito upang pigilan ang nagbabadyang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. Pero sa halip na simangutan din siya ay nginitian siya nito at kinawayan pa. Namalayan na lang niya na kusang umangat ang kamay niya. Natauhan lang siya nang tumawa si Snap. Mabilis na napatingin siya sa kamay niya at nanlaki ang mga mata niya. He was actually waving back at Kisa! Dagling ibinaba niya ang kanyang kamay, tinalikuran si Snap, at nagmamadaling naglakad palayo. Ngalingaling sapakin niya ang sarili. Unti-unti na siyang nawawalan ng kontrol sa kanyang sarili pagdating kay Kisa. "What's the matter, Stone? Your face is so red!" tatawa-tawang puna ni Snap nang umagapay ito ng lakad sa kanya. "Shut up, Snap!" Tumawa lang uli ito. Hindi niya ito kinibo hanggang sa makarating sila sa gym. Lalo lang kasi siya nitong aasarin. Nagtaka siya nang pagdating nila sa gym ay napakatahimik ng teammates nila na kadalasan naman ay maiingay at magugulo. And standing before his team was a very beautiful girl. Mestiza at matangkad ito. Bihira lang siyang magkaroon ng interes sa isang babae pero maganda talaga ito. Her pretty face was almost perfect, and so were her curves. Well, he was a normal guy, after all. "Monique," bati ni Snap sa magandang babae. Tumingin si Monique sa kanila. Her chocolate brown eyes sparkled when she smiled. "Hello, captain," bati nito, kapagkuwan ay bumaling ito sa kanya. "Ikaw 'yong lalaking parating nagpa-practice sa public court malapit dito sa Sunray, 'di ba?" Nagulat siya. "Paano mo nalaman?" "Lagi kitang pinapanood. Lagi kang may kasamang babae. Sa area na 'yon ako nagdya-jogging kaya nakikita ko kayo." Inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm Monique Villamar, SBT's new manager." Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. Ah, her hand was very soft and smooth. "Stone Alex Marasigan." Nilingon ni Monique si Snap. "Snap, siya 'yong sinasabi ko sa 'yo na malaki ang potensiyal na mapasama sa starting line sa susunod na game natin laban sa Empire University." "Me?" *** "BANZAI!" Nagtatatalon si Kisa sa tuwa dahil sa ibinalita ni Stone sa kanya. Kasalukuyan silang nasa public court at ginagawa ang routine nila sa umaga—ang kanilang secret training—nang ibalita nito sa kanya na napagdesisyon ang bagong manager ng SBT na subukan ang galing ni Stone. Injured kasi ang isang miyembro ng special five kaya inirekomenda ng manager na si Stone ang ipalit—na sinuportahan naman ni Snap. Pinaikot-ikot ni Stone ang bola sa daliri nito. "Masyado pang maaga para matuwa ka, 'ling. Susubukan pa ni Snap at ni Coach ang galing ko. Kapag hindi nila nagustuhan ang laro ko, hindi ako makakasali sa starting line." "Sigurado ako na mapapabilib mo si Snap at ang coach ninyo at ang iba n'yo pang teammates. Ang galing mo kaya!" Napaisip siya. "Pero paano nalaman ng manager ninyo ang secret training natin?" "Apparently, nakikita pala niya tayo rito tuwing nagpa-practice ako. Kinuhanan pa nga niya tayo ng video at iyon ang ipinakita niya sa coach namin para makumbinsi niya ito na subukan ako. She's amazing, really. Nakikinig sa kanya ang coach namin, pati si Snap." Natigilan siya. "Babae ang bagong manager ninyo?" "Oo. Si Monique. Broadcasting student siya. Baka kilala siya ng kaibigan mong si Cloudie." Napalunok siya. Hindi pa man niya nakikita ang babae, alam niyang maganda ito. Mahihimigan naman kasi iyon sa tinig ni Stone. Bigla siyang kinabahan. "Kisa?" Nag-angat siya ng tingin kay Stone. Kahit natutuwa siyang tinawag siya nito sa pangalan niya, hindi niya maramdaman iyon nang lubos dahil binalot na siya ng pag-aalala dahil sa bagong manager nito. "Kisa?" sabi uli ni Stone. "Hmm?" "Make a ring using your arms." "Bakit?" "Magpa-practice ako." "Pero hayun ang ring sa likuran mo." "Just follow me, okay?" Nagtataka man ay sinunod pa rin niya ito. She knitted her fingers together and made a big loop using her arms. "Parang ganito ba?" "Oo." Napapikit na lang siya nang akmang ihahagis nito ang bola. Walanghiyang lalaki 'to! Ginawa talaga akong ring! Natigil lang siya sa pagrereklamo nang ilang segundo na rin ang lumipas ay wala siyang naramdamang tumama sa kanya. Nang imulat niya ang mga mata niya ay nagulat siya nang hindi na niya nakita si Stone. Hanggang sa bigla na lang itong lumitaw sa harap niya. Lumusot ito sa loob ng nakapabilog na mga braso niya. Dahil sa ginawa nito ay para na siyang nakayakap dito. And then he hugged her! Napasinghap siya kasabay ng pag-iinit ng magkabilang pisngi niya, pagwawala ng kanyang puso, at panginginig ng kanyang mga tuhod. "S-Stone!" Tumawa ito. "Thank you, Kisa. Thank you so much." Lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Isinubsob pa nito ang mukha nito sa buhok niya. And then he inhaled her scent. Lalong nanginig ang mga tuhod niya kaya yumakap na rin siya rito upang hindi siya mapaupo. "Bakit ka nagpapasalamat?" "Dahil nasa tabi pa rin kita kahit ilang beses na kitang itinaboy at nasaktan. Hindi lang 'yon, tinulungan mo akong maging mas mabuting tao. Nang dahil sa 'yo, natutuhan kong magsumikap para makuha ang isang bagay na gusto ko. Kung hindi pa siguro ako humanga sa 'yo dahil sa katapatan mo sa pag-arte, hanggang ngayon siguro ay nagmumukmok pa rin ako dahil bangko lang ako sa basketball team. "You've taught me so many good things about life. Sa lahat ng pananakit ko sa damdamin mo, kabutihan pa rin ang isinukli mo. Utang ko sa 'yo kung sino at ano ako ngayon. Kahit hindi ako mapasama sa starting line ng team, magiging masaya pa rin ako dahil alam kong ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Sapat na sa akin ang mabigyan ng chance at ang chance na 'yon, ikaw ang may gawa." Sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil na umiyak. "Pero wala naman talaga akong ginawa. Ikaw 'tong nagsumikap para maging mahusay ka sa paglalaro." "Hindi ko magagawa 'yon kung hindi mo 'ko sinermunan noon. You're my inspiration, Kisa," halos pabulong na sabi nito. "Really? Sige nga, pa-kiss nga," pagbibiro niya. Tumawa lang ito at kumawala sa pagkakayakap sa kanya pero hindi naman ito tuluyang lumayo sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. Nakangiti ito. Yes, he was really smiling! Namalayan na lang niya na nakangiti na rin siya. Nakakahawa kasi ang ngiti nito. "You look happy." "I am." Then he leaned down and kissed her on the cheek. Nang titigan siya nito sa mukha ay tumawa uli ito. "Ang pula ng mukha mo. Parang kamatis." Awtomatikong napahawak siya sa pisngi niya na hinalikan nito. Pakiramdam niya ay nag-aapoy ang mga pisngi niya. Hindi siya makapagsalita, hindi makagalaw, at halos pigilan na nga rin niya ang hininga. Natatakot din siya na kapag ikinurap niya ang mga mata ay bigla na lang mawala si Stone sa harap niya at malaman niyang panaginip lang ang lahat ng iyon. Pinisil ni Stone ang pisngi niya. "You're not dreaming," nakangising sabi nito na parang nabasa nito ang laman ng isip niya. Pagkatapos niyon ay tinalikuran na siya nito. Noon na siya kumilos. Niyakap niya ito mula sa likuran at isinubsob ang mukha niya sa likod nito. "Jeez! You're such a crybaby," masuyong sabi nito. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. She was so damned happy she just wanted to cry. Mahal na nga niya si Stone. Mahal na mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD