21

1845 Words

HINDI masyadong naging madali para kay Alana ang mga sumunod na araw. Nasabi na sa kanya kung sino siya at kung ano ang nangyari sa kanya. Naging madali sa kanyang tanggapin iyon dahil siguro sa pakiramdam na masyadong pamilyar ang mga kuwento sa kanya. Pamilyar din ang mga taong nakapaligid sa kanya kahit hindi niya gaanong maalala ang mga ito. Pangalan at ilang pangyayari lang naman ang hindi niya maalala, naroroon pa rin ang familiarity at pagmamahal. Masyado niyang ikinagulat ang kaalaman na dalawang taon siyang comatose.  Ang sabi ng mga doktor, hindi na gaanong nakapagtataka ang pagkawala niya ng memory dahil sa tinamong trauma ng kanyang katawan. Hindi pa ganap na masabi ng mga ito kung panandalian o permanente na ang pagkawala ng kanyang memorya. Nang mga sumunod na araw, sumaila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD