NAGBALIK si Andres nang sumunod na gabi. Hindi mapaniwalaan ni Alana ang sobrang kaligayahan sa kanyang dibdib. Hindi rin masukat ang pananabik niya. “I know this is weird,” sabi ni Andres pagkaupo sa couch na malapit sa kama. Puno ng pag-aalangan ang tono at ekspresyon ng mukha nito. Parang hindi nito gaanong sigurado ang ginagawa. “I know I should just get over it and not make a big deal out of it. Pero hindi talaga mawala ang naging panaginip ko kagabi. It felt so real, you know. Noon lang ako nagkaroon ng ganoon klaseng panaginip sa buong buhay ko. Hindi ko sigurado kung madi-disturb ako o ano. Sa katunayan, ako yata ang nakakaistorbo sa `yo.” Napangiti si Alana. “Hindi ko rin sigurado kung ano ang iisipin ko. Ang sigurado ko, masaya ako sa pagbabalik mo. Hindi ka nakakaistorbo.” Hin

