PINAGMASDAN ni Alana ang marangyang bahay na itinuturing na niyang tahanan mula nang pinalayas siya ng malupit niyang tiyahin. Papasok ang sasakyan sa mahabang driveway. Kompara sa ibang tahanan ng mga politiko, maituturing na modest at humble ang eleganteng bahay. Naaalala niya na madalas na gustong ipa-renovate ni Sir Ernest ang bahay pero ayaw pumayag ni Lolo Jose. Naaalala rin ni Alana noong unang beses siyang magpunta sa bahay na iyon, kung paano siya tumayo sa labas ng mataas na gate. Malinaw niyang naalala ang bawat emosyon na naramdaman nang araw na iyon. Naalala niya ang unang pagkakataon na nagkita sila ni Jose Maria. Masaya siya na makauwi na sa wakas. Ang bahay na iyon lang ang bahay na itinuturing niyang tahanan. Alam niya na hindi siya puwedeng manatili roon habang-buhay p

