“BOYFRIEND ba talaga kita, Blu?” seryosong tanong ni Alana kay Blumentritt. Nasa hospital suite niya ang binata nang araw na iyon. Kahit medyo busy sa trabaho—gigs, tapings at pictorials—nagagawa pa rin siya nitong paglaanan ng panahon. Lahat ng libreng oras nito ay ginugugol kasama siya. Nagpapakuwento siya tungkol sa kanilang dalawa. Mas marami na siyang naaalala pero naroon ang kagustuhan niyang makumpirma ang bawat alaalang iyon kaya patuloy siyang nagpapakuwento. Wala rin siyang gaanong pinagsasabihan ng pagbabalik ng mga alaala, kahit sa mga doktor niya. Kahit kay Andres. May ilang alaala kasi na hindi niya maipaliwanag. Mukhang ikinagulat ni Blu ang kanyang pagtatanong. Dahil magkatabi sila sa kanyang hospital bed, naramdaman kaagad niya ang pagka-tense ng katawan nito. “Alana, i

