CHAPTER 10 (KULIT)

1595 Words

Naramdaman ko na sa likod ko si Nica bago ko pa marinig ang boses niya. May ganon talaga ang presensya ng taong sanay magsabi ng totoo kahit masakit. Hindi siya naglalakad nang maingay, pero ramdam mo kapag nandoon na siya. “Maybe you should put your brain to your head, Ambi,” sabi niya. “Baka hindi niya gusto mga ginagawa mo.” Napakurap ako. Literal. Parang may humila sa isip ko pabalik sa katawan ko. Hindi dahil mali siya, kundi dahil ayokong marinig iyon. “Makunat ka,” bulong ko. “Realistic lang,” sagot niya agad. Huminga ako nang malalim. Nakatingin lang ako sa pinto ng classroom na parang may makukuha akong sagot doon. Oo, makulit ako. Alam ko. Hindi naman ako bulag sa sarili kong ugali. Pero hindi ba puwedeng may dahilan? “Nica,” sabi ko, boses ko mababa, parang ayokong may mak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD