CHAPTER 4 (MARRY MY STEPBROTHER)

1403 Words
Chapter 4 “So, you’re a Hampton? Hindi kayo magkamukha.” sabi ni Nica sa akin habang naglalakad kami papuntang kung saan. Pinagmamasdan ko ang aking ID, hinaplos ko ang apelido ko. “Are you listening? Hello?” Sobrang taas na siguro ng pangarap ko kung gusto ko maging apelido ang Hampton, dahil kasal kami. Napahagikgik na lamang ako. Sandali lamang nang maramdaman ko ang paghinto niya sa harapan ko. “You know what? You lost your mind or something,” ani ni Nica sa harapan ko. “Ha?” “You’re walking like there’s no one around–touching your surname like it’s a treasure? Gosh…” Isinuot ko na lamang ang aking ID at saka siya pinagtuunan ng pansin. “May sinasabi ka ba?” hindi pa rin nawawala ang ngiti kong tignan siya nang mapailing na lamang siya. “Wala,” iyon na lamang ang nabanggit niya nang mauna pa siyang maglakad kaysa sa akin. “Sandali!” Hinabol ko na lamang siya at nang makasabay pa ako sa kaniya ay pinagmasdan ako. “Mas’yado mong tinitignan ang apelido mo pero ‘yung mukha mo, hindi mo pinansin.” tumaas ang dalawa kong kilay nang marinig ko ang sinabi niya. Agad kong tinignan ang mukha ko at inilapit ko pa iyon sa mata ko nang mapansin kong pakirat na ang isa kong mata! Nyare?! “Hala! Bakit ganito?” “Because you say it’s fine!” panggagaya niya pa sa boses ko. “Ha?” “Pinauulit ka mag-take ng picture pero ang sinabi mo ay it’s fine, kaya ayan.” “Pwede pa kaya magpa-picture?” “Pwede naman…” “Yes!” napahinga ako nang malalim. “May bayad nga lang,” sunod niya pa nang bumaba ang balikat ko sa narinig. Sana ay sinabi na niya agad. “Well, you’re brother's here…” Nanlaki agad ang mga mata ko nang magtago ako sa likod niya. Sana hindi niya ako nakita! “Ano ba ang ginawa mo? You’re brother’s here, papunta na sa atin.” “Hindi pwede!” “Ano’ng hindi pwede? Teka!” hindi ko na agad siya nilingon nang para bang may turbo ako sa pwet at tumakbo ako papalayo. Sa sobrang bilis n’yon ay hindi ko na agad na malayan na nakabangga na pala ako. “Watch your step, prick!” mabilis akong napalingon nang makita ko kung sino ang babae na iyon. Umawang ang labi ko nang sandaling mapagtanto ko na siya ang girl friend ng kuya ko. “Prick?” takang tanong ko sa kaniya nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi naman iyon ang pangalan ko, pero alam ko ang ibig sabihin n’yan. “Don’t you hear what I’m saying?” “Heather, don’t mind her. She must be new here,” ani naman ng isang babae na kasama niya. Sandali lamang nang hawakan niya ang ID ko at agad naman na pinagmasdan ang pangalan ko roon. “Ambella… Rose?” tawa ng babaeng may hawak ng ID ko. Blue eyes ito at blonde ang buhok. “Ambella? What a smelly name, so sad.” bakit pinatulan ito ng Rui? Ganito ba talaga ang mga gusto niyang babae? Bully? Sana ay sinabi niya at hindi na lang sana ako naging mabait! “Hampton…” sunod pa ng kasama ng girl friend ni Rui. “Hampton?” saka niya kinuha ang ID ko na suot at agad naman niya ako pinagmasdan. Umawang pa ang bibig niya at umiling. “Na–ah… she doesn't look like Relasco at all!” “It’s my brother,” sabat ko. Saka naman ako tumaray at hinila sa kamay niya ang ID ko. “You’re a really prick, huh? You think you can fool me? Relasco is an only child–” “I’m adopted, okay?” “Ambi!” Namula na ata ang mukha ko sa narinig kong tawag niya sa pangalan ko. How I miss this… lumingon ako sa likod ko nang makita ko si Nico at si Rui… My Rui… Nang magkatinginan kaming dalawa ay akmang tatakbo na ako nang mahatak nito ang damit ko na akma ko namang ikinasakal. “Ackkh!” Binitawan naman niya agad at inilapit sa gilid niya. “Hello, kitten.” napatingin naman ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Nico. tumaray na lamang ako sa kaniya nang sandaling magsalita si Heather. “Relasco, she said she’s your sister.” hindi naman siya pinansin ni Rui at agad naman na tumingin sa akin. “Where’s your stuffs?” iyon agad ang tanong nito sa akin. “Sa… sa tabi ng suite mo,” sagot ko pa sa kaniya. Napapikit na lamang siya at nang sandaling imulat ang mga mata niya ay tinignan naman nito si Nico. “Let’s go,” sabi ni Rui nang guluhin naman ni Nico ang buhok ko. “Relasco–” hindi pa rin siya pinansin ni Rui at dinaanan naman silang dalawa ng kaibigan niya. Pinagmasdan ako ni Heather, iyon ang pagkakatanda ko sa pangalan niya. Hindi ko na rin naman na siya pinansin at naglakad na rin ako palayo. Ganoon pa man ay nakita ko na si Nica na nasa gilid lang. “You heard?” Ngumiwi lamang siya at sumagot. “Yeah… intentionally.” Hindi ko alam kung saan na kami papunta ngayon pero doon ko napansin na field ito at may mga students pa na nakaupo sa ilalim ng puno. Umupo siya sa may bench sa gilid ng puno saka naman nito tinapik ang bakanteng upuan. “You’re adopted, huh?” panimula niya. Hindi naman ako sumagot. “It’s fine, don’t think it's bad. Most Asians here are adopted anyway.” lalo akong nagulat sa narinig ko sa kaniya. “Huy! May makarinig sa ‘yo.” pagsita ko sa kaniya. “Like they care? Here.” saka niya ibinigay sa akin ang papel na hawak niya at tumayo sa kinauupuan niya. “Ano ginagawa mo?” “Halika, stand up!” hinila niya ang kamay ko kaya ako rin naman itong napatayo rin sa kinauupuan ko. Nakita ko naman ang mga students. Maraming benches rin. “You saw that bench? That’s Spanish Baddies…” pinagmasdan ko naman iyon. “And that’s Asian nerds, Caucasians sluts and that?” turo niya sa mga naggigitara. “One direction wannabe.” “Pwede mo ba sabihin ‘yan? Hindi ba at bullying ‘yan?” “Here is Harbid, honey? You have to make two choices, be the eagle or be the rabbit.” hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin doon. “Since you’re a Hampton, you always have a free past card. Like me, Miller.” “Ano naman ang mayroon kung Hampton ako at Miller ka?” “Our brothers? They’re like… like having their own red carpet. In short, they’re famous. Check their insta! t****k? Hundreds of followers! Lalo na si Nico, ew!” para ba siyang kinilabutan. “Pogi talaga ang kuya ko.” saka ako umupo muli at pinagmasdan ko na lamang siyang umupo rin sa akin. “It’s funny. I can’t say that…” sabi niya sa akin. “Ang alin?” “That brother is handsome? Gosh… giving me chills…” “Mahal na mahal ko kaya ang kapatid ko,” wika ko pa. “Crush ko kasi kapatid ko.” “Ew! Don’t say that! Kadiri! That’s incest!” ang dami naman niya sinabi! Ano ba ‘yan siya! “Grabe ka naman sa ew… first of all, hindi kami magkadugo–” “Even so! You’re Hampton! You… you grew with Relasco! You knew him as your brother!” “Hindi, ah! Hindi naman kasi dapat talaga ako i-adopt! In-adopt lang ako para hindi ako makaalis sa kanila, pero in a good way, ha! Tinulungan ako ni Rui…” “Rui?” “Relasco…” “So, his nickname is Rui?” saka naman ako tumungo. “And you have a crush on him? On your step brother?” tumango naman ako muli. “I can’t be friends with you. You’re mental.” “It’s just a crush! Crush lang naman, e.” “Well, adopted ka naman. Thats… thats… observe, but still giving me goosebumps.” napahinga na lamang siya nang malalim. “So, what are you planning to do?” tanong naman niya sa akin muli. “I’m planning to marry my step brother.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD