Chapter 5
“Nanay, hindi po ba galit si Kuya?” Mula sa video call kong tanong kay nanay.
Bagamat ramdam ko naman talaga na hindi siya masaya na narito ako ay kinakabahan pa rin ako na malaman iyon sa sarili niyang bibig. “Anak, hindi. Natutuwa nga ang kuya mo.”
Hilaw akong ngumiti kay nanay Cleo.
Marami pa kaming pinag-usapan lalo na sa mga magiging baon at allowance ko kada buwan. Ang tanging pakiusap lamang sa akin ay ang mag-aral at magtapos. Alam ko naman na kaya ko iyon, kaya hindi ko bibiguin si nanay.
Sinabi niya rin na tulungan ko si Rui kung nahihirapan siya sa pag-aaral. Siguraduhin ko rin daw na nag-aaral siya at may kinakain sa araw-araw. Wait, parang naging guard na ata ako ni Rui, pero ayos lang! Kung ang iyon ang magiging way para lagi kami magkalapit!
Napahagikgik ako sa naisip.
Kinaumagahan ay mas lalo ako ginanahan. Gusto ko kasabay ko na si Rui! Sumilip na ako agad sa balcony at tinignan kung nakabukas na ang kaniyang pinto roon.
Napansin ko kasi na kapag bukas na iyon ay gising na siya.
“Rui! Rui!” sigaw ko na may ngiti pa sa aking labi. Sandali lamang nang may nag-pop out naman sa aking telepono at nang basahin ko iyon ay nanlaki ang mata ko.
From: Rui
Shut the f**k up…
Mas lalo naman akong napangiti nang mapagtanto kong gising na nga talaga siya! Syempre, hindi ako titigil. Para saan pa ba ang plano na ito, hindi ba?
“Rui! Rui! Rui–” hindi ko iyon natuloy nang animo’y parang nalunok ko na ata ang sarili kong ngala-ngala nang makita ko kung sino ang lumabas sa balcony nito.
May hawak siyang kape at kunot ang noo. Wala siyang damit pang itaas at tanging itim na pants lamang ang suot niya. Litaw na litaw ang abs niyang parang ikinahugis na rin ng mata ko habang pinagmamasdan iyon.
“It’s seven in the morning! What do you want?” tila parang galit niyang tono sa akin. Napangiti naman ako roon at umiling na para bang nahihiya. “Sabay tayo pasok?” nabigkas ko na rin.
“Mamaya pa ang class ko,” ani niya.
Tumaas naman ang dalawang kilay ko. “Eight pasok mo, ‘di ba? Sabay na tayo, sabi ni nanay–”
“Hapon pa ang pasok ko, Ambi. Sino ba kasi nagsabi na pumunta ka rito? I’m not a Goddamn babysitter,” bigkas niya nang pumasok na ito sa loob ng kaniyang balcony.
Tsk! Galit nanaman siya! Sasabay lang, e!
Ano pa nga ba ang magagawa ko kaya ako na lamang ang papasok ngayon mag-isa. Kapag ako talaga nawala! Lagot ka kay nanay! Tingin ko pa sa itaas ng building nang makalabas na ako.
Napanguso na lamang ako at agad naman na umalis na lamang. Dahil maalam na rin naman na ako sa kung ano ang sasakyan ay hindi naman na ako naligaw.
Joke lang! Kingina nasaan na ako!
Agad akong lumapit sa bus driver at umupo sa gilid nito. Malaki ang kaba sa aking dibdib nang mapagtanto kong mali ata ang nasakyan ko. “Sir? Where is the school? Harbid?” may nginig pa sa boses ko nang itanong ko iyon.
“Harbid? Oh, dear! You got on the wrong bus. Get off and wait for the return trip or walk… take an uber.” ang dami niyang binigay na options pero walang pumasok sa isip ko.
Rinig na rinig ko ang pagsarado ng pintuan ng bus sa harapan ko nang makababa ako. Halos hindi ko na alam ang gagawin ko hindi ko naman kasi alam kung nasaan ako! Nakakainis!
Kasalanan mo ito, Rui!
Joke lang! Hindi mo ‘to kasalanan. Hindi ko alam kung ano ang nararamdam ko. Halo-halo ang takot ang kaba, hindi ko na rin kasi batid kung saan ba ako paroroon! Ang tanga mo naman kasi, Ambi! Hindi ka na talaga natuto!
Pagtingin ko sa oras ay thirty-minutes na lang ay magsisimula na ang klase ko at ito ako naghihintay pa rin ng bus pabalik.
“Argh! Ano ba ang gagawin ko ngayon?” napahikbi ako nang maramdaman kong nanginig na rin ang labi ko. Palagay ko naman ay hindi pa naman ako nakakalayo. Sa twenty minutes na pagbyahe ko ay hindi ko naman alam kung saan ‘to pumaroon.
Balak ko sanang i-chat si Rui, pero nahihirapan ako. Alam kong magagalit iyon sa akin!
“Wait! Map!” mabilis kong kinuha ang phone ko at agad naman na nag-search ng Harbid. Napayuko na lamang ako nang mapagtanto ko na malayo-layo pa pala kung lalakarin! Tinignan ko naman kung may darating pa na bus, wala pa.
Uber? Parang taxi iyon, hindi ba? Wait…
Namulat ako sa pagiging mahirap, pero nakasanayan ko na walang bus at walang uber o taxi! Hatid-sundo ako, ano! May sarili po akong driver! Kaya rito talaga nasubok ang pagiging independent ko!
“No, choice! Maglalakad na lang ako!” bulyaw ko nang simulan ko nang maglakad at sundan ang mapa na itinuro sa akin. Ramdam ko ang ngalay ng binti ko nang makalahati na ako. Pabalik na ito sa condo namin! Taena, ang layo pala kapag nilakad!
Pasalamat na lamang at malamig ang panahon, pero natulo pa rin ang pawis ko, ha! In fairness! Parang nag-walking lamang ako.
“Kitten?” napalingon ako sa likod ko nang may isang magandang sasakyan na umaandar ng banayad sa tabi ko.
Nanlaki naman ang mata ko! Nico Miller!
“Thank God!” pagpapasalamat ko pa sa D’yos nang makita ko siya! “Miller! Thank you, give me a ride to school! Sige na!” animo’y nakaramdam ng ginhawa nang makita siya.
“Ha? No way! Pagkamalan ka pang girl friend ko,” ani niya nang ang bastos na lalaki iyon ay umarangkada ng takbo! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero isa lang ang nasaisip ko.
Balak ko siyang tanggalan ng apdo!
“Isusumbong kita kay Rui!” sigaw ko sa kaniya nang mawala na ang sasakyan sa paningin ko! Ang bastos na iyon! Makikisabay lang, e! Baka ganito talaga rito sa ibang bansa, hindi pala masaya lalo na kung tanga ka.
Pinagmasdan ko na ang telepono ko para tignan kung saan na ang daan ko pa school nang mag-flash ang pangalan ni Rui na tumatawag sa akin. Saglit lamang nang pipindutin ko na ang answer call ay namatay na ang tawag!
Ha? Baka napindot lang…
Nang makarating na ako muli sa tapat ng condo unit namin ay tila maghihintay na ako nang bus sa gilid nang bigla na lamang may nagsuot sa akin ng helmet.
“Teka!” nang lingunin ko kung sino ang nagsuot no’n sa akin ay tila parang naging tambol ang dibdib ko sa lakas ng t***k n’yon.
“Rui…” mahina kong tawag sa pangalan niya.