CHAPTER 17

516 Words
PAGKABABA namin ni Jared sa eroplano. Kinuha ko yung gamit namin, buti na lang hindi malikot si Jared. Lumabas kami ng exit. Hawak ko ang kamay ng anak ko habang hinihila ang malaking maleta, pagkalabas namin may tumigil na lalake sa harapan namin. Kunot-noo na tumingin ako sa kaniya. "Why?" Nagtataka na tanong ko. "You're Victoria, right?" Tumango ako. "Why do you know my name?" "I'm Harrison, Yoona's Cousin. Pinapasundo ka niya." "Kaya pala." Iyon na lang ang naisagot ko. Kinuha niya yung malate na dala ko. Nauna itong naglakad. Binuhat ko si Jared at sumunod kay Harrison. Tumingin ako kay Jared na nakatingin sa akin. "Why baby?" Umiling ito. "Sino po iyon?" "Si Tito Harrison mo iyon, Baby. Pinsan ni Tita Yoona." Sagot ko. Tumango ito. "Antok po ako,'Mmy." Sabi nito at humilig sa balikat ko. Huminto kami sa puting porsche, binuksan niya yung passenger seat. Sumakay ako habang maingat na umupo dahil baka umiyak si Jared. Sumakay na din si Harrison at tumingin sa amin. "Anak ba iyan ni Kuya Jaden?" Tanong nito. "O–oo." Tipid na sagot ko. Tumango na lang ito at binuhay ang makina ng sasakyan. Umusad na kami, tahimik na tumingin sa bintana. After 45 minutes nakarating kami sa Harapan ng White-Brown na Mansion. Ito siguro ang binabanggit na bahay ng Lola ni Yoona. Bumaba na ako, natutulog pa din si Jared sa balikat ko. Mukhang napagod talaga itong anak ko. "Pasok ka na sa loob, hinihintay ka na ni Yoona." "Okay, thank you." Nakangiting sabi ko bago pumasok. Pagpasok ko nadatnan ko si Yoona na mukhang may hinihintay. "Yoona." Tawag pansin ko. Tumingin ito sa akin at mabilis na lumapit sa kinaroroonan ko. "Welcome Back, Vic." "Thank you, Yoona." May lumapit sa amin na may kaedaran na ginang. Maganda pa din ito kahit nasa edad 40's na. "Ikaw ba si Victoria?" "Opo." Sagot ko. "Ako pala si Aria but you call me Mommy La." Nakangiting sabi niya. Nakangiting tumango ako. "Gusto mo bang kumain? O magpahinga muna kayo ng anak mo?" "Magpapahinga muna po kami, Mommy La." Sagot ko. Tumingin si Mommy La kay Yoona. "Yoona, ihatid mo muna sila sa kwarto na para sakanila." "Yes, Mommy La." Sagot nito. Umakyat kami sa Second Floor. Si Yoona ay dala ang gamit namin. "Kamusta ang kuya mo?" Tanong ko. "Hindi ko alam kung okay siya, ayaw kasi niyang magkwento. Ang huling kwento niya lang sa akin ay 3 years ago pa." "Anong naikwento niya?" "Na maghihiwalay na kayo ng landas ni Kuya, dahil doon ay naging malungkutin ito at parating wala sa sarili. Buti na lang ay kinausap siya ni Dad kaya nagtrabaho na ulit ito, halos ayaw na kasi niyang magtrabaho." "Sorry about what happen 3 years ago." Paumanhin ko. Tumigil kami sa pangatlong pintuan sa pinakadulo ng pasilyo. Binuksan niya yung pintuan. "It's okay, nasaktan kayong pareho." Dahan-dahan kong hiniga si Jared sa kama at kinumutan. "You should rest, I'll be back." Sabi nito. Tumango ako at tumabi kay Jared. Niyakap ko ito. Pumikit na ako, doon ko lang naramdaman na bumigat ang talukip ng mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD