CHAPTER 18

513 Words
JADEN Tahimik lang akong nakamasid sa labas ng bintana. Kahapon pa ako nakauwi ng pilipinas pero hindi naman ako dumeretso sa bahay ko o sa bahay ng parents ko. Dumeretso ako kaagad sa Hospital, sa office clinic ako nagstay. Kamusta ka na kaya Victoria? Do you still love me? Because I still love you, my feelings for you will never change. When do you return here? Bigla na lang tumunog ang phone ko, pag kita ko si Mama ang tumatawag. "Hello, Jaden?" "Hi, Ma. What do you need?" Bungad na tanong ko. "I just want you to asked, kailan ka uuwi?" "Nakauwi na ako, Ma. Kahapon pa ako nakauwi." Sagot ko. "Bakit hindi mo man lang sinabi?" May himig na pagtatampo sa boses niya. Napangiti ako, "I'm sorry, Ma. Uuwi na ako nyan after kong ibaba itong tawag." "Okay, mag-iingat ka lalo na sa pagmamaneho. Pag umuwi ka daanan mo na si Yoona Teriss kina Mommy La." "Yes, Ma." Sabi ko bago ibinaba ang linya. *** PAGKARATING ko sa mismong bahay ni Mommy La, pumasok kaagad ako sa loob ng bahay. Wala akong nadatnan sa living area. Mukhang busy silang lahat, pumunta ako sa kitchen area nadatnan ko doon si Mommy La mukhang may niluluto. "Mommy La." Tawag pansin ko. Napatingin naman ito sa gawi ko. Lumapit ako sakaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Why, Jaden?" Nagtatakang tanong nito. "Do you know where is Yoona?" "Oh, Yes. Nasa 2nd floor siya sa pangatlong pintuan sa pinakadulo ng pasilyo." "Thank you, Mommy La." Umakyat ako papuntang second floor at pumunta sa pangatlong pintuan sa dulo ng pasilyo. Binuksan ko kaagad yung pintuan. "Yoon–" naputol ang pagtawag ko kay Yoona ng makita ko si Victoria. Napatingin sila sa gawi ko. Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ni Victoria at niyakap siya. Mukha din itong natigilan at hindi na nakayakap sa akin. "Damn! I miss you so much, Vic." Mahina ngunit nangungulila na sabi ko sa kaniya. Napahiwalay na lang ako sa kaniya ng may nagtutulak sa binti ko. Tumingin ako sa nagtutulak sa akin. "H–huwag mo hawak si Mommy ko." Mabagsik na sabi ng bata. M–mommy? Napaatras ako at napatingin kay Victoria. "A–anak mo?" Gulat na tanong ko. "O–oo." Mahinang sagot nito. Para akong nanlamig sa sagot niya. Huli na pala ako, wala lang pala ang paghihintay ko ng 3 years. Tumingin ako kay Yoona, nakangiti ito pero ako hindi ko makuhang ngumiti. "Uwi na tayo. Pinapauwi ka na ni Mama, hintayin kita sa labas ng gate." Malamig na sabi ko para matakpan ang sakit na nararamdaman ko. Tumalikod na ako at lumabas ng kwarto. Bumaba na ako at dali-daling lumabas ng bahay saka sumakay sa kotse ko. Nanghihina ako, hindi ko alam kung paano naproseso sa isip ko na may anak na si Victoria sa iba. Hindi siya pwedeng magmahal ng iba kahit may anak siya. Hindi iyon pwede dahil ako ang nakauna sa kaniya. Kung may anak siya tatanggapin ko, kung may asawa siya pipilitin ko siya na agawin. Ayokong mapunta siya sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD