PRIMO'S POV
naihatid ko na si bailey sa kanilang bahay . Hindi ko alam kung tama pa ba ang nangyayare . Hindi ko alam kung ano ba talagang pumasuk sa kokote ko at nangyayare sa akin to .
Oo . Attracted ako kay bailey . Lalo ako nag ka interest sa kanya ng yayain nya ko ng kabaliwan nya .
Pero habang tumatagal ay nagkakapuwang sya sa puso ko . Parang ayoko na matapos ang bagay na meron kame . Pero pano ? Commited na ko . At di ko kayang iwan si sandra .
Nagvibrate ang aking cellphone .
Si andre
Andrei : par . Musta yung lakad nyo ni bailey ?
Primo : okay lang par . Nahatid ko na sya sa kanila .
Andrei : okay naman ba ?
Primo : siraulo . Oo ayos lang naman . Tara kita tayo
Andrei : sige par . Sa tambayan . Im on my way
At tumuloy na nga ako sa tambayan ..
Nauna ako kay andrei . Nag order na ko ng isang beer . Saktong dating naman ni andrei.
"Par . Akala ko ba okay yung nagyare ? Bat naglalasing ka . Aga aga pa ah ." Bungad nito saken
"Oo . Ayos naman . Pero naguguluhan ang isip ko." Tinungga ko ang beer at napatingin sa labas.
"Ano ba napagusapan nyo ?" Seryosong tanung ni andrei . At umorder na din ito ng alak .
"Inamin ko na sa kanya lahat ." Napatingin ako sa kanya.
"As in lahat ?" Nagulat pa na tanung ni andrei .
"Oo . Wala akong tinago . " Uminom ako ulit .
"So . Hiwalay na kayo ?" Nanghuhula na tanung ni andrei saken . Napatingin ako sa kanya na halatang naghihintay ng sagot..
"Hindi pre . " Nasamid ito sa iniinom
"Anong hindi !!!" Gulat na gulat ito "akala ko ba nasabi mo na lahat ? Bakit di pa kayo hiwalay?"
"Ayaw nya par . " Napatingin ako sa bote .. "at ayaw ko din "
"Ay sows nayare na !" Napatapik nalang si andrei ng noo sa narinig .
Nakauwi na ko . Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako . Nandun na si sandra .
"San ka galing ?" Seryosong mukha nito .
Lumapit ako para humalik ngunit umiwas ito .
"Galing ako kina andrei . Sabi mo kasi di ka uuwi kaya dun ako nakitulog . Ayoko naman na umuwi dito ng walang kasama " paiwas na paliwanag ko . "Kumain ka na ba ?" Ibang tanung ko .
"Wala akong gana . Wala pa kong tulog kakahintay sayo . Magpapahinga muna ko" at nagtuloy na nga ito sa kwarto .
Kinabahan ako sa mga tinginan ni sandra pero sana wala syang napansin . Nagmamadali akong nagshower at nagpwesto na sa tabi nito upang magpahinga . Napagod din tlaga ako sa magdamag na ksama ko si bailey . Ang sarap sa pakiramdam . Ngunit nakakakonsensya . Lalo na pag natititigan ko si sandra . At sa ganitong pagiisip ako nakatulog .
"Hala . Gabi na pala . " Pupungas pungas ako na hinanap si sandra . Lumabas ako ng kwarto at hinanap ito .
"Hon ?" Tawag ko dito .
",Bakit ? Eto ba hinahanap mo ? " Inangat nito ang cellphone ko . Kinabahan ako bigla . Ano kaya ang mga nabasa nya di ako nagbubura .
"Hindi ah .. ikaw ang hinahanap ko nawala ka sa tabi ko . " Kunwari deadma ako sa pansitan .
" Si bailey ?? Sya ba ??" Lumapit ito at inilapag ang aking telepono sa lamesa . Nakita ko na nakaopen ang conversation namen ni andrei .. hala ! Patay na .
" Anong sinasabi mo ? " Patay malisya ako kunwari.
"Ayusin mo primo ! Napapansin na kita ! Hindi ka ganyan ! Subukan mo lang mambabae . Iiwanan kita dito at uuwi ako sa probinsya !" Galit na sigaw nito saken
Magdamag hindi umuwi si sandra sa bahay . Nag aalala ako . Hindi ko na din namamalayan na di ko pala nakokontak si bailey maghapon . Siguro naman ay naiintindihan nya ko . Pero si sandra . Nasan na ba yun .
12midnight
Bumukas ang pinto .
" Uwi pa ba ng babae to ? " Naiinis na tanung ko sa dumating
"At bakit ? Ikaw lang ba may karapatan umuwi ng anong oras mo gusto ?" Galit pa din sya
"Sandra ano bang problema ? Wala ka naman dapat iganyan " lumapit ako at yumakap .
"Nako primo . Alam ko na yang ganyan . Ilang taon na tayo . Alam ko na kung may gnagawa ka " pumigals ito at pumsuk sa kwarto ..
Mahirap na sitwasyon to primo . Ginusto mo to e .
KINABUKASAN
" Papasuk na ko hon . " Paalam ko kay sandra . Nakahiga pa din ito . Hahalik sana ako ngunit nagtalukbong ito .
" Maaga nalang ako uuwi hon . Pagluluto kita ng pagkain " paalam ko ulit .
"Mahal kita hon " at isinara ko na ang pinto .
Ano ba tong pinasok ko . Ayoko na ganito kame ni sandra pero ayoko matapos un samen ni bailey . Nakakabaliw na sitwasyon . Bakit ko kasi sinubukan yung ganito ang hirap hirap mag adjust. Wala silang kasalanan pareho . Pero sila ang naaargrabyado .
Biiibbbbb
Nagvibrate ang cp ko
Sandra : wag mo itigil ang ginagawa mo primo . Di ko man malaman ngayon yan lalabas din yang kalokohan na ginagawa mo at pag yan napatunayan ko sinasabi ko sayo maghihiwalay tayo agad agad . Di ako manghihinayang sa ilang taon ng dahil lang sa kapusukan mo .
Eto na nga ang sinasabi ko .