Ep.12 confession

1518 Words
" Bailey .. "  napatingin ako sa boses na tumawag saakin . Binalik ko sa aking laptop ang aking mata . " Bakit ? "  Iwas kong sagot sa tao saking harapan .  " Namamaga ang mata mo . Wala ka bang tulog ? O umiyak ka magdamag ? "  Tanung neto . Na conscious naman ako kay inayos ko ang aking gamit na salamin . " Tara sa office ? "  Napatingin ako sa kausap ko . Tumango ako at sumunod sa kanya papasuk sa office .  Pagpasuk ko ay sinara ko ang pinto . Pakiramdam ko nakahinga ako galing sa labas . Inabutan ako ni inah ng alak .  "Sige uminom ka . Papayagan kita uminom hanggat kaya mo . Basta siguraduhin mo na madadrive mo pa un motor mo ."  Kinuha ko ang baso ng alak at tinungga ito .. lumapit ako sa bote ng alak at nagsalin ulit . Isa ..... Lagok Dalawa  ....... Lagok Tatlo .... Lagok  Salin .. naramdaman ko nalang na may humihimas na sa aking likod . Di ko na nagawang inumin ang alak . Nagbuhos na ako ng sama ng loob . Sa pamamagitan ng pag iyak . Ibubuhos ko lahat para ayos na ko paglabas ko . " Naalala mo ng sinabi ko sayo .. sa pag ibig lahat pasubok . Lahat pasugal . Kung ano at ano man ang mangyare wala kang sisisihin kundi sarili mo lang ."  Naglakad ito pabalik sa desk nya at may kinuha na dokumento .ipinatong sa ibabaw ng lamesa . May pangalan .  Primo Alcantara Nilapitan ko ito at binuksan .  Resume and background info. Primo Alcantara 30 yrs. Old Pagsanjan province Pasig city Live in partner for 6 years Sandra Gomez Napatingin ako kay inah . Nagtatanung ang aking tingin .  "Alam mo?"  Nagtatampong tanung ko. Napatingin ito saken .  " Nung birthday lang ni andrei ."  Sagot nito sabay tungga ng baso . "Nakita ko sila ni andrei . Naguusap sila sa may likod ng office . Narinig ko si andrei na may sinasabi kay primo kaya lumapit ako para marinig ko ."  Paglalahad neto "Primo . Si sandra tumawag . Sasama daw sya sayo sa party."  Si andrei . "Hindi na ko pupunta . Bahala na kung ano mangyare "  sagot ni primo "Pano si bailey ? Naka oo na sya saken at balak ka nya isama"  tanung ulit neto "Ako na bahala gumawa ng paraan . Wag mo nalang sya pabayaan sa party mo" "Yun . Kaya naisip ko na kunin sa H.R. yung papeles ni primo . Naisip ko na sino si sandra . Naisip ko na bakit hindi alam ng ibang katrabaho nyo . " Si inah. Ininom ko ang huling alak sa aking kamay . Inayos ang aking sarili . At umupo sa harap ng mga alak . Isang baso pa at okay na ko . Nagsalin pa ko ng isa . At tinungga ito . "Hindi na kita tatanungin kung ano balak mo pero bailey . Matalino ka . Sana gamitin mo ang utak mo" Yun lang ang huli kong narinig bago ako lumabas ng office nya . Uwian na . Hindi ko alam pero hindi ako kinausap ni Primo maghapon . Ni hindi nya ko nilapitan o tinignan. Nagsimula na ko maglakad papunta sa aking motor ng may humila sa kamay ko . Inagaw neto ang susi ng motor at inabot sa kasam neto . "Primo ."  Yun nalang ang nasabi ko dahil seryoso ang mukha nito . "Andrei . Uwi mo na yang motor nya ako na maghahatid sa kanya ."  At hinila na nya ko sa motor nya . Hindi ko alam kung san kame pupunta pero pakiramdam ko masaya ako . Na kasama ko sya . Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya ng maramdaman ko na lumalamig ang paligid . Huminto sya sandali . Napabitaw ako sa kanya . Hinubad nya ang kanyang suot na jacket at isunuot saakin . Saka ito nagsimula muling magpatakbo . Mga ilang oras pa . At nakarating kame sa lugar n nais nyang puntahan . Dagat .. Bumaba ako . At nagsimulang maglakad papunta sa dagat . Hindi ko na napansin kung ano ang ginagawa nya . Basta ang gusto ko lang ay lumusong . Ang ganda ng paglubog ng araw . Nakakawala ng nararamdaman . Nagsimula ako maghubad ng aking mga saplot . Alam kong nasa likod ko lang sya . Nagmamasid .  Lumusong ako sa dagat . Nang mahubad ko na ang aking pamasok n suot . Nagsimula akong lumubog sa dagat . Kasabay ng mabilis n pagtulo ng aking mga luha ay nilubog ko ang aking sarili sa dagat. Sa aking pag ahon ay alam kong may mangyayareng di ko nais .  "Bailey.. "  nakaupo na kame sa tabing dagat . At pinagmamasdan ang mga ilaw na nakapalibot sa dagat at sa mga kainan sa katapat . Madilim na ang paligid . "Gusto mo ba ng makakain ? "  Alok nito saaken . Umiling lang ako .  "Gusto mo ba ng maiinom?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti .. tumayo ito at ilang sandali ang lumipas . Pagbalik ni primo ay may dala na syang mga bote ng beer . Inabot nya saken ang isa . At sa kanya ang isa . Nagsimula akong inumin ang alak na hawak ko . Ganun din sya . Mahabang katahimikan at tanging tunog lang ng tubig ng dagat ang maririnig . Muli ay uminom ako at di ko namalayan na ubos na ang aking hawak . Kumuha ako n panibago at nagbukas . Tinungga ito .  " Bailey . Hindi ko alam pano ko sasabihin sayo . O pano ako magsisimula . Nagpunta ako dito dahil may pangarap ako . Noon wala akong ibang ginusto kungdi matupad ang aking pangarap . Wala akong pakealam sa mga taong nakakasalamuha ko . Wala akong pakealam sa mga trabaho na napapasukan ko . Basta ang alam ko lang ay matupad ang pangarap ko .   Si sandra . Kababata ko sya . Boto na samen ang pamilya namen pareho . Itinakda ba . Ganun naman kasi talaga sa mga probinsya diba . At syempre wala naman ako tutol noon . Kasi mabait at responsable anman si sandra . Kaya pumayag na ko sa gusto ng pamilya ko . Hanggan umabot kame ng isang taon . Nagpasya si sandra na lumipat dito . At syempre sumama ako . Dito na kame nagplanong magsama ."   Napatingin ako kay primo ng matigilan ito sa pagkukwento . Uminom pala ito . Napansin ko din na bumabaha na ng luha ang aking mukha . Hindi nya ko tinitignan. Nakatingin lang sya sa malayo .  " Mag aanim na taon na kameng nagsasama . Ni minsan hindi ako pumasuk sa ganitong sitwasyon . Ayoko ng magulong pagsasama . Nakasanayan ko na , na kame nalang dalawa.. takot ako sa maaaring masabi ng pamilya nya o pamilya ko kung sakaling may mangyare sameng dalawa na di maganda ." Napayuko ito .  "Primo . Mahal mo ba sya ?"  Natanung ko nalang sa kanya . " Oo bailey . Mahal ko si sandra . At di ko kaya na mahiwalay sa kanya . "  Sagot nito. " Naglalaro lang ba tayo?"  Umiiyak na tanung ko sa kanya .  "Ano pala un saten? Laro?" "Hindi bailey . Maniwala ka saken . Mahal kita ."  Tumingin ito saken . Bakas sa mukha na nahihirapan din sya sa mga nangyayare. "Mahal mo ko ? Pero mahal mo sya ? Pano yun primo ? Naguguluhan ako . "  Tuluyan na akong naiyak . Lumapit sya ng pagkakaupo sa tabi ko . Naramdaman ko ang init ng yakap niya . Mahigpit .  "Bailey . Mahal kita . Kaya ayoko masaktan ka . Hindi ko sinabi sayo yung kay sandra dahil ayoko na lumala ang sitwasyon . Akala ko malalagpasan naten to pareho pero parang lumalalim yung ugnayan naten." Napatingin ako kay primo .  "Bakit mo sinasabi to ?"  Naguguluhan na tanung ko . Tinitigan ako ni primo hinawakan sa mukha .  "Ayoko masaktan ka bailey. " "Ayoko na !! Wag mo ituloy ! Tanggap ko lahat . Wag mo lang ituloy ang sasabihin mo ." Tila nagulat si primo sa sinabi ko . Di sya nakapagsalita . "Primo wag . Ayoko . "  Niyakap ko sya at hinalikan . Gumanti ito ng halik at ikinasiya ng puso ko ang bagay na yun .     " Hindi ka ba hahanapin ni sandra ?"  Nakaupo ako sa terasa ng resthouse na inukopa namen upang magpaumaga . "Hindi wala sya sa bahay ngayon . Nasa probinsya sya . May inaasikaso .,"  Nakatayo ito sa may pintuan.. Nakatingin lang ako sa kawalan . Masaya ako sa nangyayare kahit alam ko na may mali . Tumayo ako at papasuk na sana sa loob para magpahinga ngunit pinigil ako ni primo . " Bailey .. mahal kita . Pero hindi ko alam kung pano ako magiging patas sayo ."  Malungkot ang mga mata nito .   " Angkinin mo ko primo . Gusto kita maramdaman ngayong gabi . "  Pagkasabi ko nun ay binuhat nya ko papasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD