❝Is there a chance that you'd fall for a criminal like me, Fliore?❞
Napakurapkurap ako sa pagkagulat sa biglaang tanong niya. Pagkatapos ay unti-unting umawang ang labi ko at natulala sa harapan niya.
Linus is staring at me intently with his lips being half opened. Sa ilalim ng nagkikislapang kalangitan, sumabay ang liwanag na nagmumula sa mga mata niya. He's mirroring my presence with his dark brooding eyes.
Sa kabila nang pagkagulat, pinili kong humagilap nang masasagot pero isang salita lang ang pumasok sa utak ko.
"H-ha?" utal na tanong ko. Parang namasa ang mga palad ko kaya idinaop ko ito sa pajama ko.
Linus slighted his head and examined my whole reaction. Ang kanina'y madilim na lugar ay unti-unting naaninag dahil sa ilaw na dala ng mga bituin at buwan sa kalangitan.
"Tell me, Fliore, do you find me handsome?" muling usal niya kaya tuluyan akong napabunga ng hangin.
Ang unti-unting pagtibok ng mabilis ng puso ko ay namutawi sa aking buong sistema. Para akong sinalang sa mainit na apoy sa tanong niya!
Sa ilalim ng napakaganda niyang mata, ay ang isa pang magandang tanawin sa kaniya sa kabila ng masama nitong ala-ala. His scar. Ang sugat na nagdadala ng kakaibang presensiya niya. A beautiful scar.
"Ahm... k-kung sa... mukha, ano ahm wala nang tanong doon..." na-uutal kong tanong. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at sa harapan tumingin pero hindi pa rin maperme ang paglibot ng mata ko.
"So you find me handsome?" he asked cockily. Halata ang kapagakan sa boses niya pero hindi ako sumubok lumingon sa kaniya.
Nanatili akong hindi makasagot. Hindi ko inaasahan ang tanong niya at hindi pumasok sa aking isipan na itatanong niya ito.
"Sabihin mo, pangit ba ako, Fliore?" nahihimigan ko na ang lungkot sa boses niya. Kaya naman ay agad akong umiling.
"H-hindi! Ano... gwapo ka kaya!" sa wakas ay naiusal ko.
"But I have a scar under my eyes. They hate me because of it. My father hated me because I have it." He uttered lowly.
Ngumuso ako sabay lingon sa kaniya. Naawa ako. Kaya ba hindi niya gaanong pinapakita ang mukha niya sa akin? Kase takot siyang iwasan ko? This man in front of me, though with his tough appearance, still have weaknesses. But it didn't less him a man.
Tipid ko siyang nginitian. "Linus, hindi. The Bible said, 'Heaviness in the heart of man maketh it stoop: but a good word maketh it glad.' You're a good man."
"But I am a sinner, Fliore. I am a criminal. I killed my own father." Usal niya.
Nakagat ko ang ibabang labi. He's bringing his weakness again.
"Pero alam ko namang hindi mo sinasadya 'di ba?" tanong ko.
I certainly know that he didn't mean it. Base on what he said, his father hated him. Kaya siguro nawala siya sa tamang pag-iisip sa sobrang pang-uusig ng ama at nagawa ang isang kahindik-hindik na bagay. But I can tell, Linus is a good man. Kung masama siya, sana ginawan niya na rin ako ng masama noong unang araw pa lamang naming magkita.
"How sure are you?" he asked critically.
"100% sure," I replied confidently.
Napangisi siya at iginiya ang kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Naughty," tawa niya.
Napakurap-kurap ako. Naaninag ko ang pangngiti at pagkislap ng mga mata niya sa dilim. At hindi pa rin ako maka-move on sa gwapo niyang mukha. Oo, aaminin ko na. Nagagwapuhan ako sa kan'ya.
"Kuya..." mahina kong hagikhik. Mas lalo niyang ginulo ang buhok ko.
"Huwag nga sabing kuya. Gusto mo bang tawagin kitang nene?"
Natigil ako. Ang ngiti ko ay unti-unting nauwi sa pagnguso. Nang dungawin ni Linus ang mukha ko at makita ang reaksiyon ko ay natawa siya.
"Ang bad mo!" mahina ko siyang tinampal sa dibdib.
"Oo. Bad ako. Matagal na," sagot niya kaya sabay na kaming nagtawanan sa ilalim ng makulay na kalangitan.
Tuluyan nang nabura ang bigat ng kapaligiran sa pagitan namin. Nawala na ang awkwardness at napalitan ng hagikhikan naming dalawa.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakauwi ng gabing iyon matapos ng masaya at magaan naming pag-uusap ni Linus. Hinatid pa niya ako hanggang sa likuan ng street namin at hindi umalis hanggang sa makapasok ako sa gate.
Nakatulog na si Tiyoy sa kwarto nila nang pumasok ako sa bahay at si Lola'y nasa sala na nakatulog sa sofa.
Nang maramdaman niya ako ay nagising siya at mapungas-pungas na ikinurap ang mata bago ako nilapitan.
Mapatantiya ako na tiningnan ni Lola at agad niyakap. Gumanti ako at isinandal sa balikat niya ang baba ko. Nagsink-in muli sa akin ang nangyari bago ako umalis ng bahay.
"Kumain ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Lola. Ayaw mang magsinungaling, ginawa ko pa rin.
"Opo, la," sagot ko. Ayaw ko na siyang pag-alalahin pa. Tsaka hindi na ako nakaramdam ng gutom matapos ang pag-uusap namin ni Linus. Napuno ata ng tawa ang tiyan ko.
"Saan ka kumain? Wala ka namang dalang pera."
"Nagtungo ako kila Matell, la. Pinakain po ako ni Auntie Mareife." Sagot ko. Siguro sasabihan ko nalang si Matell na umu-o kapag tatanungin siya ni Lola. Mahirap na.
"Hindi ka ba nagsisinungaling, Fliore?" umiwas ako ng tingin kay Lola. Ayaw ko sana talagang magsinungaling pero ayaw ko namang mag-alala siya.
Bumuntong hininga si Lola. "Kung ganoon, pumasok kana sa kwarto. Magpahinga kana ah," aniya. Nang maglakad ako sa kwarto, tinawag niyang muli ko.
"Pagpasensiyahan mo na ang Tiyoy mo, apo. Nadadala lang ng sama ng loob sa Tiyay Emilia mo. Patuloy mo lang sana siyang intindihan."
Lumingon ako kay Lola at ngumiti.
"Opo, la. Naiitindihan ko," sagot ko pagkatapos ay pumasok na sa kwarto namin.
Kinaumagahan, maaga akong nagising para ilayo ang mga sako na hindi makikita ni Tiyoy. Nag-igib din ako ng tubig at doon nakasama si Matell.
"Baka pagalitan ako ni Lola, Fliore ah!" ani niya matapos kong sabihin na um-oo siya kapag tanungin ni Lola kung saan ako kagabi.
"Hindi 'yun. Huwag mo lang sabihing wala ako sa in'yo kagabi." Ani ko.
Nasabi ko na rin sa kaniya na nasa mini-mart lang ako kagabi. Hindi ko lang sinabi ang parte na nagkasama kami ni Linus.
Umuwi rin naman ako matapos mapuno ang dala kong container, naiwan si Matell dahil naglalaba. Nang makarating ako sa bahay, nagwalis ako sa bakuran hanggang sa gumising si Tiyoy. Masama pa rin ang tingin niya sa akin pero wala nang sinasabi. Andiyan din si Lola na binabantayan si Tiyoy.
Lumipas ang sabado at linggo na nagkikita kami ni Linus tuwing gabi. Pinapalayo din kase ako ni Lola kapag naglalasing si Tiyoy at ako agad ang pinagdidiskastahan. Ayaw ni Lola na mangyari ulit ang nangyari kaya naiintindihan ko.
Dalawang araw na sumunod-sunod pa ang pagkikita namin ni Linus. Ang waiting shed ang siyang nagsilbing taguan namin sa mga mata ng iba. Nag-uusap kami sa mga bagay, tungkol sa pamilya niya, sa akin. Sa mga bagay na gusto namin pero isang bagay lang ang hindi ko na natatanong sa kaniya.
Nabanggit niyang may nakababata pa siyang kapatid na lalake. Ang pangalan ay Rilis. Base sa paglarawan niya sa kapatid, mahal na mahal niya ito. They were bestfriends, he said. Hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin daw sila at siyang nagbibigay ng pangangailangan niya habang nagtatago.
Between them, si Rilus daw ang palaging pinapaboran ng mga magulang niya dahil ito raw ang palaging nasa bahay at sumusunod sa mga utos. Pero kahit minsan, hindi siya nagtanim ng galit sa kapatid. Mahal na mahal niya ito at palaging pinapaboran, sumama man daw ang tingin ng lahat sa kaniya. Rilus has a heart failure that's why everyone sees him soft and weak.
"I remember when I was preparing for our final thesis defense, Rilus called me. He said he's in trouble kaya hindi ako nagdalawang isip na ewan ang ginagawa kahit alam kong ikakabagsak ko iyon." Natatawang kwento niya.
Kumikislap ang mata niya sa gitna ng dilim habang nagkekwento sa mga karanasan nang siya'y malaya pa.
"Mahal na mahal mo talaga ang kapatid mo 'no?" tanong ko matapos humupa ang tawa.
"Yeah. He's the only reason why I chose to stay in that hell-kind so-called home." He chuckled roughly.