❝Takbo na, Fliore!❞
Naisip ko. Kung hindi kaya maagang nawala ang mga magulang ko, ganito pa rin ba ang kahahantungan ko?
Hindi ko na namalayan na tuluyang nakawala si Tiyoy sa pagbangga ni Lola at marahas akong hinampas ng kadena na siyang tumama sa kaliwang braso ko.
Marahas akong mapa-igik kasabay ng pagbalik ng pakiramdam ko. Sobrang sakit ng balikat ko. Nasapo ko ito at napa-atras muli.
"Umalis ka muna ng bahay! Takbo, Fliore!" sigaw ni Lola at pinagtaboy na ako para makalayo kay Tiyoy.
Unti-unting nang-init ang sulok ng mga mata ko. Mabilis na tumulo ang butil ng luha bago tuluyang tumalikod sa kanila at masakit ang dibdib na nilisan ang bahay sa madilim na daan. Ayaw ko siyang iwanan pero tiyak na mapapahamak ako kung mananatili ako roon.
Nang yakapin ako ng kadiliman, nangibabaw ang mahina kong pag-hikbi. Nasapo ko ang labi kaya pati ang kamay kong ginamit, nabahiran na rin ng luha.
Kung buhay pa ba sila Mama, masasaktan pa rin ba ako ng ganito? Maaapi pa rin ba ako?
I don't know where my feet brought me. I just walked and continued walking. Tanging ang ilaw ng streetlights ang nagsilbing gabay sa madilim na daan. Walang nadadaang sasakyan sa dinadaanan ko dahil hindi commercial lane. Kung may meron man, iyon ay mga tricycle o pidecab lang. Meron din akong nakakasalubong na tao. Lahat abala sa kanilang mga pakay.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa matuyo na ang luha sa mga mata ko. Ilang minuto pa, naging malinaw sa aking pananaw ang pamilyar na mini-mart. Base sa espekulasyon ko, alas otso pa lamang ng gabi kaya marami pang umiilaw na establishmento.
Dumapo ang tingin ko sa kaharap na waiting shed. Madilim. Wala akong nakikita. Nakaramdam ako ng lamig at pangamba na dumiretso. Kaya imbes na waiting shed ang tahakin, dumiretso akong mini-mart. Binuksan ko ang glass door nito at pumasok na. Ang malamig na aircon ay dumagdag sa lamig ng gabi.
Mayroong tao, pero kaunti lang. Pumili ako ng libreng mesa at doon umupo. I caressed my shoulders because of the cold wind. Wala akong jacket. Tanging malaking grey t-shirt at itim na pajama ang suot ko. Nakakatulong ang nakabunghay kong buhok para ibsan ang lamig.
Wala rin akong dalang pera. Bakit naman kase andaming hindi inaasahang pangyayari ang nagaganap ngayong linggo?
Naipikit ko ang mata sa frustration. Can heaven give me some luck tonight? Hindi ko na alam kong paano uuwi mamaya sa bahay. Naiwan pa si lola. Nag-aalala ako para sa kaniya.
Niyakap ko ang sarili sa lamig pero biglang nawala ang lamig ng may dumapong tela sa balikat ko. I immediately opened my eyes and I was welcomed by Linus' presence in front of me. Agad nanlaki ang mga mata ko. Tinabon niya sa akin ang itim na jacket.
Papaanong...
"Nandito ka!" I whispered shockly. Katulad ng nakasanayan ay nakahoddie siya ngayon ng grey. Sa ilalim ng hoddie ay ang black ballcap niya kaya hindi malinaw ang mukha niya kahit may ilaw sa loob ng shop.
"You're here too," he replied.
Napanguso ako. Luminga ako sa paligid para maghanap nang maaring makakilala sa kaniya at isumbong pero wala namang kahina-hinala ang nakikita ko. I held the jacket on both my hands para sikupin ang katawan ko nang tuluyan.
Dumungaw ako sa kan'ya. Sinenyasan ko siyang yumuko rin kaya yumuko siya. Nagkalapit ang mukha namin. Doon naging malinaw mukha niya sa akin. I saw his scar again.
"Hindi ka ba natatakot gumala sa may maraming tao? Dapat maging maingat ka." I whispered to his ear. Pagkatapos ay umayos din ako ng upo pero siya'y nanatili sa posisyon.
Hindi ako makapaniwalang sinasabi ko 'to sa isang criminal! Dapat nga sana'y isumbong ko siya sa otoridad para mahuli na. Pero heto at pinaalalahanan ko pang mag-ingat. Kapag mahuli akong tinutulungan siya, tiyak makukulong din ako! H'wag naman sana.
Linus is staring at me intently. Sa ilalim ng makapal niyang kilay ay hindi nawala ang tingin niya sa akin hanggang sa nilaro niya ang pang-ibabang labi.
"Actually, this is my first time in public because you're here." He roughly replied.
Umayos na rin siya ng upo at ipinag-krus ang braso sa dibdib. Humilig siya sa sandalan at mariin muli akong tiningnan.
"Hala ka. Ginamit mo pa akong rason?" nagtataka kong tanong. Ginaya ko ang posisyon niya at humilig din sa upuan. I also crossed my arms on my chest.
"I was on the waiting shed and I saw you. Akala ko didiretso ka." Aniya.
Nagakat ko ang labi. Akala ko wala siya roon. Madilim kase. Siguro ay nasa dilim na naman siya umupo.
"Madilim kase. Kaya akala ko, wala ka."
Iginala ko ang tingin. Mula sa pintuan, may bigla na lang pumasok na dalawang police kaya na-alarma ako. Agad nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila at kay Linus. Napansin niya iyon kaya nilingon niya ang tinitingnan ko.
Agad siyang nagmura nang makita ang dalawang babaeng pulis na nakatayo sa harap ng counter.
"Pulis..." kinakabahang usal ko.
Napatayo ako sa kaba. Mas mukha pa akong kinakabahan kaysa kay Linus na kalmado lang. Hindi siya nakikitaan ng kaba. He's composed!
"Just sit down." Utos niya. Umiling ako.
"Natatakot ako! Baka makilala ka!" bulong ko.
Tumayo na rin siya kaya napatingala ako. Linus is very tall. Hanggang leeg niya lang ang ulo ko. Tumalikod siya at hinarap ang direksiyon ng pintuan. Inayos niya ang ballcap at hoddie ng jacket.
"Follow me," he ordered kaya sumunod naman ang paa ko. Humigpit ang yakap ko sa jacket sa katawan ko ng madaanan namin ang dalawang pulis.
Ang isa sa Pulis ay bigla nalang lumingon sa amin kaya pakiramdam ko, tumigil sa pagtibok ng puso. Akala ko nakilala niya si Linus pero nasa police mobile pala nila sa labas ang direksiyon ng tingin niya.
"Kalma." Kaswal na usal ni Linus sa unahan habang patuloy sa paglalakad.
I'm so amazed! How can he still be so attractive and gracefull even if he's in hurry? Hindi mo talaga aakalaing tinutugis siya ng batas.
Ma-sumplong nga ito. Siyempre joke lang!
Doon lang naging normal ang hangin nang makalayo kami sa shop. Dinala ako ni Linus sa madilim na bahagi ng daan. Walang masyadong nagagawing tao sa lugar kaya doon lang ako nakaginhawa. Akala ko talaga huhulihin na siya.
"Akala ko nakita ka nila." Hinihingal kong usal. Nakakita ako ng pwedeng maupuan kaya roon ako naupo. Umupo rin si Linus 'di kalayuan sa akin.
"I thought too." Namamaos niyang usal. Nilingon ko siya.
"We? Ba't hindi halata? Ang kalmado mo nga eh," asar ko.
Natawa siya. Binaba niya ang hoddie at kinuha ang ballcap niya kaya sa unang pagkakataon, nakita ko ang maitim niyang buhok. Ginulo niya ito.
Napatingala ako sa kalangitan.
"Pansin ko lang, palaging nagkakatagpo ang landas natin. Pero wala tayong matinong usapan like pagpapakilala sa isa't-isa." Biglaan kong nai-usal habang nasa taas ang tingin.
Ginaya niya rin ang posisyon ko.
"Why need of it? We're not close." He said anticly.
"Ay? Required bang close muna bago magpakilala? Edi dapat close muna tayo bago mo kunin 'yong litrato ko." Sakay ko. Mahina siyang humalakhak sa saad ko.
"Silly," he said chuckling.
"Silly ka rin naman," nakanguso kong usal. "Silly, maanghang. Hot." Bulong ko pa ngunit sinigurado kong hindi niya maririnig.
"A'right," pagsuko niya.
Inunat ko ang balikat pero agad akong napangiwi ng kumurot ang braso ko. I concealed my reaction at itinago sa jacket ang balikat ko. Mawawala rin siguro ito.
"So ano full name mo?" I opened the light conversation. Iyong usapan tungkol sa sarili. Ganu'n.
"Linus Griffin Esquivel," mabilis na sagot niya. Napatango ako. Hindi pa rin nawawala sa langit ang tingin naming dalawa. Ang madilim na kalangita'y binurdahan ng nagkikislapang bituin. At ang kanilang hari ay ang buwan.
"Kaya pala Finn. Ilang taon kana?" muling tanong ko.
"This isn't fair. You might use this to deceive me. Baka-isumbong mo 'ko sa pulis."
"Naku! Hindi! Gusto lang kitang makilala pa!" tanggi ko.
"Really?"
"Oo!"
"Tell me your whole name too. This should be fair," aniya.
Umayos ako ng upo. Dumungaw ako nang kaunti para isandal ang siko sa tuhod ko. Madilim na ang gabi pero heto kami at nagpapakilala sa isa't-isa sa madilim na eskenita. Baka akalain ng iba may iba kaming ginagawa rito.
"I'm Fliore Maxxin Vitalles," pagak kong usal.
Hinarap ko siya at inilahad ang kamay para sa isang handshake. Ibinaba niya rin ang tingin at hinarap ako. Walang pag-aalinlangang tinanggap niya ang kamay ko.
Napangiwi ako nang magtama ang kamay namin. Ang liit ng kamay ko kumpara sa kamay niya!
"Ilang taon kana, Finn?" tanong kong muli.
"22,"
Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, gurang kana pala!" asar ko kasama sa gulat.
Kumunot ang noo niya sa akin. Ang kumikislap niyang mata ay direktang nakatingin sa akin.
"How old are you?" siya naman ang nagtanong.
I stood my head high. "I'm 17. Five years younger than you, kuya," nakangisi kong usal.
Umirap siya. "Tss. That's not really far so don't call me Kuya." Supladong aniya. Kahit sa madilim ay nai-imagine ko ang pagdikit ng kilay niya.
"A'right," gaya ko ng palagi niyang sinasabi. Lihim akong humigikhik.
"So what's your height, finn?" gusto ko sanang 'kuya' kaya lang baka iwan niya ako dito kaya huwag na.
"6'2. And you're 4'11," agad na husga niya kaya imbes na mamangha, lumubo ang pesnge ko.
Umiling-iling ako para mag-disagree.
"5'6 ako! Grabe ka, kuya!" sumimangot ako kahot madilim. Ewan ko nalang pero hindi naman namin masyadong naaninag ang isa't-isa.
Sa batch namin, I'm considered as the tallest together with my four other tall classmates. May iba pa nga akong classmate na hanggang balikat ko lang. Sila ang mga totoong 4'11, hindi ako no.
Sumimangot siya at mabilis na pinitik ang noo ko kaya nasira ang ekpresyon ko.
"Aray!"
"Huwag nga sabing kuya. Pitikin ulit kita." Banta niya.
"E anong mali sa kuya? Tanda nga ng respeto 'yun!"
"Huwag nga sabi. Pitik ulit, gusto mo?"
Ngumuso ako at dahan-dahang umiling.
"Good," aniya.
"Pero matangkad kaya ako!" pilit ko.
Masyado atang judgemental ang lalakeng ito sa height. Porke't naka 6'2 lang siya. 17 palang din naman ako. May itatangkad pang isang taon 'no.
"A'right,"
"A'right," gaya ko sa eksaheradang tinig.
Umihip muli ang malamig na hangin kaya niyakap ko ang sarili. At sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na naman ulit kumirot ang balikat ko. Pasalamat sa kadiliman at nagagawa kong itago ang pagngiwi ng mukha sa sakit. Napuruhan ata ako ng isang hampas na 'iyon.
Linus cleared his throat.
"Now it's my turn to ask." Aniya.
Siya naman na ngayon ang holder ng laro. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kaniya.
"Sige," wika ko.
Mas niyakap ko ang sarili para painitin ang lamig sa katawan pero hindi ko inaasahang pati mukha ko iinit sa tanong niya.
"Is there a chance that you'd fall for a criminal like me, Fliore?"