Criminals are not
the baddest person on earth.
You never know,
they're the kindest.
❝Rain, stop for a bit.. please...❞
I uttered while looking up at the rainy dark sky. Bumubuhos mula rito ang ulan na naging dahilan para matigil ang mga tao sa paglalakad at sumilong sa pwedeng pagsilungang establisyemento.
Ang madilim na daan sa harapan ay iilaw lang kung may dadaang kidlat o sa tuwing may dadaang sasakyan na mukhang nagmamadali dahil baka maabutan ng baha.
Pero sa tingin ko'y maya-maya pa ay titigil na rin ang ulan. Hindi na kase malakas ang pagsak nito.
Tiningnan ko kung nasaan ako. I am under a waiting shed in front of a crowded mini-mart store. Sa likuran ko ay ganoon din pero ang kaibahan ay halos tambay lang ang tao. Kung may babae man, 'yun ay kanilang kasamahan din. Ngunit tomboy rin.
Wala na kase akong panahon kanina na humanap ng ibang masisilungan dahil bumagsak na ang ulan. At isa pa ay maggagabi na, hindi na malinaw sa akin kung saan ako sumilong.
Maya-maya pa, tama ako dahil unti-unting tumiha ang ulan pero hindi pa rin ako makapaglakad dahil wala akong dalang payong. Dala ko ang librong binigay sa amin ng adviser kaya bawal akong mabasa. May multa kapag mabasa ang libro 'no kaya hindi pwede.
Nagsimulang maglakad ang tao sa harapang establisyemento. Yumuko ako para tingnan ang medyo basa kong sapatos. Natamsikan din ang abot tuhod na palda ko dahil sa pagtakbo ko kanina.
Kung minamalas ka nga naman. Dalawa na nga lang ang palda ko, nabasa pa itong suot ko ngayon. Kakalaba ko lang ng isa kaya hindi pa iyon tuyo. Anong susuotin ko bukas? Hindi pa namin freeday bukas eh.
Habang naroon sa paa ang tingin ko, may tumabi na kung sinong may hawak na payong sa tabi ko. Ang malaki nitong sapatos ang tumabi sa basang sapatos ko. Lalake.
Sinara nito ang payong na dala at itinabi sa gilid. I lifted my eyes to the man but his face is hidden by his hoddie. Ang tungki ng mataas na ilong lamang niya ang nakikita kaya malabong makita ko ng malinaw ang mukha niya.
Iniwas ko nalang ang tingin at itinuon sa harapan. Marami-rami nang naglalakad pero may iba pa ring hinihintay na tuluyang tumigil ang ulan.
Ilang minuto pa ang hinintay ko kasama ang ibang nasa waiting shed. Ang ibang may dalang jacket ay nagpasya nang umalis pero sa mga tulad ko na wala talagang dalang proteksiyon ay mas piniling maghintay.
Ilang minuto muli ang lumipas. Nangangayayat na ang paa ko sa paghintay tumigil ang ulan pero hindi pa rin ito natigil.
Ilang sandali pa, ang lalakeng katabi ko ay muling ibinukas ang payong niya at akmang maglalakad na nang masulyapan niya ang mga naiwang tambay sa likuran namin. I saw his movements but his whole face isn't shown because of the darkness that the rainy night gives.
He stopped and instead, he walked to where the guys seating. Sinunod ko siya ng tingin. May hinarap siyang isa sa mga tambay na nakatayo malapit sa likuran ko. May hawak pa itong sigarilyo sa kanang kamay.
"Pasmado ata ang kamay mo." The mysterious guy uttered coldly. Palihim lang akong naki-usisa.
Dahil malapit sa lampost ang pwesto ng mga tambay ay naging malinaw ang mukha nila. Gumuhit ang kaba sa kanilang mga mukha kabilang na ang tambay na nilapitan ng lalake. Their height compare to the guy is very different.
"Anong pinagsasabi mo..." sagot ng tambay.
Tinaasan niya ng kilay ang lalake. Ang ibang tambay ay tumayo na rin kaya lumiit ang espasyo sa loob ng waiting shed. Umatras ako para makalayo sa kanila.
Mukhang may mangyayaring masama e...
"Alam mo na ang ibig kong sabihin," ani ng lalake at humakbang muli palapit sa mumoy na tambay.
"Hindi ko alam, brad. Pasensiya na," ani ng tambay at akmang lalagpasan ang lalake pero agad niya itong hinaglit sa balikat kaya nabalik sa pwesto niya ang tambay. Ngumiwi ang mukha niya sa lakas ng pagkakahila sa kaniya.
"Give her wallet back." The guy said.
Doon ko lang na prosesa ang pinag-uusapan nila. Wala sa oras kong kinapkap ang bulsa ng palda at doon ko nakumperma na nawawala ang wallet ko!
My hello kitty wallet with my 200 allowance and a complete picture of my family! Agad akong na-alarma at humakbang muli papasok sa waiting shed.
"Ang wallet ko..." usal ko sa tambay. I want to curse him.
Paano niya nagawang nakawin ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko?
"Ano bang pinagsasabi mo? Wala sa akin." Tanggi ng lalake kaya sumama ang tingin ko sa kaniya.
The hangby guy whined when the mysterious guy held his shoulder tighter. Ang mga kasamahan ng tambay at na-alarma na kaya hinigit nila ang kasama.
"Ano ba brad? Pinagbibintangan mo bang magnanakaw itong si Boyet?" angas na tanong ng kasama nilang mataba pero pandak.
"Iba ang pinagbibintangan sa nahuli sa akto." Malamig na sagot ng lalake.
Sumabay sa lamig ang malamig niyang boses na kahit hindi makita ang mukha nito, malalaman mong seryoso siya at walang guhit ng ibang reaksiyon ang mukha.
"E ano namang pake mo? Umalis ka na lang! Pakeilamero!" the fat guy shouted at him. Then he fisted his both hands. Doon na ako na-alarma kaya napalingon ako sa paligid.
"Teka! Kilala kita ah!" turo ng isa pang tambay sa lalake.
We need help! Kailangan kong mabawi ang wallet ko. Ang perang iyon ay pambayad ko pa ng project namin. Saan ako kukuha kong mawala 'yun? At ang nag-iisang litrato ni Mama at Papa. Bawal mawala 'yon...
"Just gave her wallet back. Wala na ba kayong ibang manakawan at isang estudyante ang napili ninyong pagdiskastahan ngayon?"
"Aba putangina nito! Nang-iinsulto ka ba?" sabat ng isa pang tambay na tumatago sa kasama nilang nagnakaw ng wallet ko.
Ang kaba'y tumubo sa dibdib ko. Mukhang hindi sila uurong sa away. Kailangan namin ng police o tanod.
Kailangan ko ng tulong...
"Natamaan ka ba?" sarkastikong ani ng lalake kaya hindi na naawat ng mataba ang sarili at binagsakan siya ng suntok pero agad naka-iwas ang lalakeng matangkad na tumutulong sa akin.
Natigagal ako ng sabay-sabay siyang pagtulungan ng mga tambay. Abot-abot kaba ko lalo na't ngumisi ang isang tambay sa akin.
"M-maiwan muna kita! ...hahanap ako ng tulong!" tigagal kong sigaw sa lalake na patuloy sa pag-iwas at pagsuntok sa mga tambay.
"Babalik ako! Maghahanap ako ng pulis!"
Hindi ko na alintana ang hawak na libro na nababasa ng ulan para lang makahanap ng tulong. Ang palda ko ay tuluyan nang nabasa sa ulan pati ang buo kong katawan.
"Tulong!" sigaw ko sa gitna ng daan.
"Tulong! 'Yung wallet ko ninakaw!" muli kong sigaw. Lumapit ako sa mga taong nakasilong sa ibang establisyemento at humingi ng tulong pero hindi sila nag-atubiling lumingon sa akin.
Pero hindi ako nawalan ng pag-asa.
"Tulong! Tulong po!" halos maputol ang litid ko sa leeg dahil sa pagsigaw.
Yakap ko pa rin ang tatlong libro. Ang basa kong buhok ay tuluyan nang niyakap ang mukha dahilan para matabunan ng kaunti ang paningin ko. Hindi ko magawang masawi dahil hawak ko ang libro.
"Sinong nangangailangan ng tulong?" unti-unting lumapit sa akin ang hinihingal na dalawang tanod na may hawak na payong.
Thank God! Mariin akong pumikit at nakagat ang labi.
"N-ninakaw po ang wallet ko. May-may tumulong sa akin pero pinagtutulungan nila. Doon... doon sa waiting shed po!" sigaw ko para marinig nila. Naapektuhan na ang boses ko nang lamig.
"Sige!" agad na sagot ng dalawang tanod at naunang tumakbo sa pinagmulan ko.
I felt drained. Napagod ako sa pagtakbo sa paghanap ng tulong.
Wala mang nagtangkang tumulong sa mga nilapitan ko, mayroon pa rin namang mga mabubuting loob na kusang lalapit sa 'yo.
Nabunutan ako ng timik sa dibdib. May tulong na. May tutulong na sa lalake.
I swallowed hard and breathe deeply. I calmed myself and when I felt that I can run again, I ran.
Hindi ko na alintana ang nangyayari, kahit pagtinginan ako ng mga taong nakasilong ay walang tigil akong tumakbo sa waiting shed.
Sa dami ng mga tambay ay mukhang hindi kakayanin ng lalake ang mga iyon kahit pa mas malakas at matangkad siya sa kanila. Pero sana, makuha niya ang wallet ko.
Lumiko ako ng street kung saan ang waiting shed at parang tuluyang binunot ang pakong nakapako sa dibdib ko. Wala na ang kaba ko maliban sa kabog ng dibdib dahil sa pagtakbo ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa waiting shed at agad hinanap ng mata ko ang lalakeng tumulong sa akin. Sobrang laking tulong ang ginawa niya sa akin.
Pero hindi ko siya nahanap. Ang naabutan ko lang ay ang mga nakahigang tambay habang dumadaing at ang dalawang tanod na sapo ang noo.
"Sino ba ang gumawa sa in'yo niyan?" takang tanong ng tanod.
Lumapit ako sa loob at halos sapuhin ko rin ang labi ko ng makitang halos lahat sila ay baldadong nakahiga sa sahig habang sapo ang dibdib o ulo. Mayroon pang dumudugo ang ilong at noo.
Anong nangyari?
Nasaan na 'yung lalake?
Lumingon sa akin ang tanod. "Ito ba ang mga narereklamo mo, miss?" tanong ng tanod.
Tumango ako.
"E nasaan na 'yung sinasabi mong pinagtutulungan ng mga 'to? Mukhang sila ata ang pinagtulungan ng sinasabi mong lalake." Natatawang usal ng tanod at muling sinuri ang mga baldadong tambay.
I bit my lower lip. Nasaan na ang lalakeng iyon?
"Nasaan na ang wallet ng estudyante?" usisa ng tanod sa isa sa kanila. Agad siyang umiling at hirap na nagsalita.
"Wala na sa amin, sir. Nakuha na ng lalake. Aray..." hirap na sagot niya. Umiwas ako ng tingin. May mga bali ata ang mga ito.
Nasaan na ang lalakeng yun? Kung nasa kaniya na ang wallet ko bakit hindi niya 'ko hinintay?
I wandered my eyes. Where are you now? Huwag mong sabihing hahanapin pa kita? Siguradong hinahanap na ako ni Tiyay sa mga oras na 'to...
"O ano? Nakaw pa, nahanap n'yo tuloy katapat n'yo. Sino ba ang gumawa sa in'yo nito?" nagtatakang tanong ng isa sa mga tanod.
Yumuko siya para alalayanan at posasan ang tambay. Dumaing pa ito at umiling-iling para 'wag lang posasan.
"Naku, Onyo, ilang beses na nareport ang grupo nin'yo na nagnanakaw. Hindi manlang kayo magbago, ang tatanda n'yo na. O, nakilala n'yo ba gumawa nito sa in'yo?"
Umiling-iling iyong Onyo pero nagtaas ng kamay iyong mataba na ngayo'y may blackeye na.
Kahit nakakatawa ang mukha niya ay hindi ko magawang tumawa. Where are you mysterious guy?
Ang wallet ko...
"Nang una, himdi ko siya nakilala, sir. Pero nang mailawan, nakita ko ang mukha!"
"Sino?"
Buntong hininga ako. Mukhang wala na rin akong makukuha kapag manatili pa ako rito. Bumalik lang ang bigat ng pakeramdam ko at gusto ko ng maiyak sa frustration. Sa lamig, sa inis at sa pagkabasa ko at ang libro ko.
Pero ang namumuong luha sa mata ay natigil nang marinig ko ang sagot ng isa sa mga tambay tungkol sa lalakeng tumulong sa akin.
"Si Linus Ezquivel, sir. Iyong wanted na pumatay ng sarili niyang ama. Siya ang gumawa nito sa amin."