❝Hoy, Fliore! Gising na! Magsasaing ka pa! Gising!❞
Ang maikli kong tulog ay nabulabog na naman ng matingil na boses nang tiyahin ko. Lalo pa at sa tenga ko talaga siya sumisigaw kaya pakiramdam ko, mababasag na ang eardrums ko kapag hindi pa ako bumangon.
"Opo, Tiyay." Paos na sagot ko at inunat ang leeg. Nagkastep-neck pa ata ako sa aking matigas na unan. Sako na binunsalan lang ng mga lumang damit. Tapos tinahian ko ng lumang daster ko.
"Dalian mo na at magsaing na roon! Papasok pa sa trabaho ang Tiyo Ebil mo! Dali!" pinagkukurot ni Tiyay ang braso ko gamit ang kaniyang mahabang kuko kaya napangiwi ako.
Naimulat ko na ang mata at sa halip na tingnan siya, lumipad sa lumang orasan ng sala ang tingin ako.
Alas kuatro la lang ng madaling araw. Bagama't normal na sa akin na gumising ng ganitong oras ay pakiramdam ko, kailangan ko pa ng isang oras para tumulog. Ala una na kase ako natapos kagabi matapos isangal sa apoy ang tatlong librong nabasa sa ulan pati ang iilang kaperasong notebook ko at papel. Nilabhan ko na rin ang palda ko pati iyong palda na nauna kong nilabhan dahil nilipad ng hangin kaya nabasa muli. Hinayaan lang ni Tiyay Emilia ang palda ko sa lupa. Nanguha naman sana siya ng mga saampay bago umulan.
Kinirot ko ang sarili para tuluyan magising. Pumasok na muli si Tiyay sa loob ng kwarto nila. Inunat ko ang dalawa kong balikat at muling inunat ang leeg. Ang sakit ng leeg ko.
Hinihimas ko ang leeg nang pumasok sa kusina at agad kinuha ang kaldero sa kalan para linisin at saingan. Pagkatapos nilinis ang kaldero ay lumuha na ako ng dalawang salmong bigas. Nag-ayos na rin ako ng kahoy at inapoyan.
Nang pwede nang maiwan ang sinaing, bumalik ako sa kwarto namin ni Lola para kunin ang notebook ko sa Filipino. May long test kase kami ngayon kaya naisipan kong magreview habang hinihintay maluto ang sinaing.
Iyon nga ang ginawa ko habang naghihintay kumulo ang sinaing. Madilim pa sa labas kaya hindi pa 'ko makakapag-igib ng tubig sa balon na ilang metro ang layo sa bahay.
"El Filibusterismo... Jose Rizal... Simoun... Basilio... Maria Clara... Padre Sibyla..." hindi na mabilang kung ilang beses ko binaggit ang mga tauhan sa akda ni Rizal habang nakapikit. Sinubusubukan kong i-memorize ang mga tauhan dahil ito ang ni-discuss namin kahapon.
Nasa kalagitnaan na ako ng 4th grading sa grade 10 kaya Isa't-kalahating buwan nalang, aakyat na ako sa senior high. Iyon ay kung may magpapa-aral sa akin. Pero habang wala pang kasiguraduhan, kailangan ko pa ring makapagtapos ng Junior High ng may honor. Iyon na lang ang maisusukli ko kay Lola at Tiyo sa pagpapa-aral sa akin.
Ilang minuto pa, naluto na rin ang kanin kaya nagsiga na ako ng baga para mag-ihaw ng tuyo. Ito na ang nakasanayang umagahan ng pamilya namin. Tuyo o 'di kaya'y kape.
Pagkatapos kong mag-ihaw ay inihanda ko na ang isang container na dadalhin ko sa balon. Nagdala rin ako ng tuwalya at pinalitan ko ang damit sa isang sando at lumang cotton shorts.
Maliligo na ako doon dahil tiyak hindi kakasya sa amin ang dala kong tubig pabalik. Nag-igib din naman si Tiyoy kahapong umaga pero sapat na iyon para sa panghugas ng plato at pangsaing.
Sinigurado kong malinis na ang bahay at nakahanda na ang umagahan bago ako umalis ng bahay. Dumaan ako sa masikip na daanan palabas ng makikitid na kabahayan ng mga kapit bahay namin bago nakarating sa malawak na open space kung saan ang balon ay nasa gitna. Marami nang kumpulan ng mga taong naliligo o umiigib doon.
Malaki ang balon at malalim kaya kahit maraming tao ang gumagamit, hindi nauubusan ng tubig. At isa pa, merong malaking tubo sa ilalim na nagsusupply ng tubig sa mga mayayaman sa lugar namin. Sikretong binutasan iyon ni Mang Ando para makatikim din daw kami ng nawasa at hindi gaanong bumaba ang tubig sa balon. Kaming magkakapitbahay lang ang nakakaalam ng sikretong iyon.
"Fliore! Dito ka!" tawag sa akin ni Matell na basa na. Malapit siya sa b****a ng balon at binigyan niya ako ng espasyo sa tabi para makasingit.
Alas singko palang, pero sobrang dami nang naliligo. Paano pa kaya kong tuluyan nang sumikat ang araw?
"Sige," sagot ko sa kaibigan at nakipagsiksikan para makarating sa kaniya. Agad niyang ibinigay sa akin ang malaking balde para gamiting tabo. Itinabi ko sa sementadong drills and tuwalya at inunang lagyan ng tubig ang container na dala.
Nang mapuno ay iniba ko ito ilang dangkal sa amin para hindi maabot ng bukal. Pagkatapos ay sumabay na ako kay Matell sa pagligo.
"Paano ka naka-uwi kahapon?" tanong niya sa akin habang pa-banlaw na kami.
"Alas siyete na ako nakauwi kahapon dahil sa ulan. Ayon, piningot na naman ni Tiyay ang tagiliran ko." Tapat ko.
Naibaba ko ang tabo at naalala ang nangyari kahapon. I still can't believe that the person who helped me yesterday is a criminal. Base sa narinig ko ay pinatay niya raw ang ama niya.
Hindi ko naisip na siya'y ganoong tao. He even helped me with my wallet and crippled those hangby guys.
Kahit na stiff at malamig ang presensiya niya, hindi mo maiisip na minsan na palang nabalot ng dugo ang kamay niya. At nasa kaniya ang wallet ko. Paano ko siya mahahanap ngayon kung mukhang nagtatago siya sa awtoridad?
"Hoy! Ano na?" napakurap-kurap ako sa pagpitik ni Matell ng balikat ko. Kung saan na kase lumilipad ang utak ko.
"Ha?" tanong ko sa kaniya. I gently stroke my wet hair, cleansing the excess water.
"Sabi ko, paano na ang binigay sa libro sa atin? 'Di ba may multa kapag masira iyon?"
"Nabasa nga pero singangal ko naman na sa apoy. Okay na. Pwede na." Sagot ko. Hinaglit ko na ang tuwalya sa sementadong drills at tinapkan ang sarili. Nagsisimula nang manlamig ang katawan ko sa ihip ng hangin.
"Sigurado ka? Baka mamayad ka kay Ma'am Othros ah. Reyna at Hari pa naman ng pagka buraot iyang Tiya at Tiyuhin mo." Nag-aalalang wika niya.
Totoo. Hindi nga ako mabigyan ni Tiyoy ng baon e. Si Tiyay ay sermon lang ang palaging binibigay sa akin. Si Lola lang ang pa-sekretong bumibigay sa akin ng pera kapag ka binigyan siya ni Tiyoy. Wala naman silang anak pero nuknukan ng tipid ang tiyuhin ko. Hindi na rin ako humihingi dahil tiyak na suntok o sampal lang ang aabutin ko kapag malasing siya.
"Hindi 'yun. Maniwala ka sa akin, multitasking ata to." Kumbinse ko at nahagyang tumawa.