❝E bakit ba nabasa ang mga libro? Hindi ka sumilong?❞ tanong ni Matell.
Halos masamid ako sa tanong niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi naman ata masamang magsinungaling sa kaibigan 'di ba?
"Hindi eh. Nagmamadali kase ako kaso ang dami ring tao kaya natagalan pa rin. Kaya iyon." Rason ko sabay iwas ng tingin.
I can't look at her eyes. Nagi-guilty ako! Nagdadalawang isip kase akong sabihin lalo na sa nalaman ko sa lalakeng tumulong sa akin.
Sa pagkakatanda ko ay Linus ang pangalan niya. Ang gandang pangalan sa isang krimimal na tulad niya.
Wala na ring naging tanong si Matell tungkol sa pag-uwi ko. Sunod naming pinag-usapan ang magaganap na long test sa Filipino at doon naubos ang oras namin hanggang sa mapagpasyahang umuwi.
Nakauwi ako sa bahay ng bandang ala's sais ay naabutan ko na si Tiyoy na nag-uumagahan.
"Magandang umaga, tiyoy," bati ko sa tiyuhin. Hindi na ako nag-atubiling lumapit dahil basa ang katawan ko kaya ngumiti nalang ako sa kaniya.
"Walang maganda sa umaga kapag ikaw ang bungad, Fliore." Ismid na sagot niya kaya unti-unting nawala ang ngiti ko.
Nagkibit balikat na lang ako. Pamilyar na ito sa akin dahil palagi itong sinasabi sa akin ni Tiyoy. Kaya umalis na lang ako sa kusina at pumasok sa kwarto namin ni Lola.
"La," bati ko sa aking matabang lola na nagtutupi ng banig. She stopped what she's doing and spreaded her whole arms. Ngumuso ako at lumapit sa kaniya. Agad naman niyang kinuha ang tuwalya sa leeg ko at siya na mismo ang nagtuyo ng buhok ko.
"Ang mataba kong apo, ngayo'y malaki na. Ni-hindi ko na maabot ang ulo oh," tuwang aniya at pinagkukurot ang pesnge ko. Naipikit ko ang mata dahil sa higpit ng kurot niya. Lola loves to pinch my cheeks and I'm immune to it.
"Ikaw ba ang nagluto ng umagahan?" nang natigil na siya.
Ayaw mang aminin, tumango pa rin ako. Ang magsinungaling kay Lola ay ang huli kong gagawin. Palagi niya iyong pinapaalala sa akin.
"Naku talaga iyang Tiyay mo talaga. Bakit ikaw ang inaasahan sa mga ganiyang gawain? Inaasa pa sa 'yo na dapat nasa pag-aaral lang ang atensiyon mo." Usal ni Lola na mukhang masama na naman ang templa kay Tiyay Emilia.
"Hayaan mo na, la. Maaga rin naman akong nagising." Pagsisinungaling ko.
Because we both know we have no voice in this house. Kahit pa ina siya ni Tiyo Ebil ay walang parte si Lola sa mga desisyunan sa bahay. Kaya katulad ko ay wala rin siyang magawa at sarilinin din ang sama ng loob.
"Bakit ba kase ganiyan ang Tiyoy mo. Pinalaki ko naman sana siyang matino at may respeto..." sapo ang noong usal ni Lola.
I never said anything and just hugged her. Isinuot ko sa leeg niya ulo ko at doon humalik ng maraming beses para pakalmahin siya.
My whole strength on my arms. Ang taong parating nasa panig ko. Ang parating naniniwala sa akin at kailan ma'y hindi ako pag-iisipan ng masama.
"Mababasa ako, Fliore." Munting reklamo ni Lola kaya napahagalpak ako ng tawa. Isang haik pa sa pesnge niya ang ginawad ko at nagpalit na ng damit.
Isang lumang white t-shirt na pinagtiyaan kong maputiin at ang medyo-basa kong palda. Medyo basa pa siya dahil kagabi lang nilabhan. Pero pipilitin natin, para sa pag-aaral. Para sa future.
Naunang lumabas sa akin si Lola para magdilig ng mga bulaklak niya, na siyang pinagkakaabalahan niya sa araw. 73 na kase siya at wala ng trabahong tumatanggap sa kaniya. Isa pa, hindi ko rin siya gustong magtrabaho. Matanda na si Lola at dapat sa kaniya ay magpahinga na.
Nang lumabas ako ay wala na si Tiyoy kaya gumaan ang pakiramdma ko ng maupo sa pang-apat naming mesa. Sa bahay na ito, kahit isang beses, hindi ko naranasan na makasabay silang kumain. Palagi lang kami ni Lola o ako mag-isa.
Binuksan ko na ang takip ng ulam at bumungad sa akin ang kanin sa plato at kakarampot na naiwang tuyo sa platito. Mukhang inubos ni Tiyoy ang inihaw na tuyo.
Isang buntong hininga ang iginawad ko bago pumikit at tahimik na nanalangin. I prayed for the food on the table. For His provisions and blessing. And I prayed to receive more of His benison.
Nilantakan ko pagkatapos ang kanin at humalik muli sa pesnge ni Lola bago umalis ng bahay.
6:30 na. Tatlumpong minuto na lang at umpisa na ng klase. Nilakad takbo ko ang mahabang daan patungong paaralan. Nakaabot ako eksakto sa pagsarado ng gate kaya patakbo ko ulit tinahak ang papublikong paaralan na pinapasukan.
Saktong pagpasok ko ng clasroom ay ang pagpasok din ni Ma'am Othros na siyang teacher namin sa Filipino.
Dali-dali akong tumabi kay Matell at itinuon sa long test ang buong atensiyon sa buong oras. Nanalangin muna ako bago nagsimulang sagutan ang sagutang papel sa Filipino.
May naalala akong verse, paborito ko iyon.
In all your ways acknowledge Him, and He will make straight your paths.
Hindi nangbibigo ang panginoon. At sa tuwing hihingi ako ng tulong sa kaniya, bukal sa puso niyang binibigay ito.
"Fliore Vitalles, perfect," umugong ang bulungan sa classroom namin matapos tawagin ni Ma'am Othros ang pangalan ko kalakip ng salitang nagsasabing naitama ko lahat ng pagsusulit namin.
"Congrats, friend!" pagak na bati sa akin ni Matell sa tabi ko. Nahihiya akong tumayo at nilapitan si Ma'am sa gitna na nakangiti sa akin.
"Good job. You studied well, Fliore." Malugod na bati niya sa akin kaya parang hinaplos ang puso ko dahil doon.
"Thank you, Ma'am," pasalamat ko bago bumalik sa upuan.
Buong araw sa paaralan maganda ang mood ko. Hanggang sa nagdismiss sa hapon ang klase ay hindi pa rin mawala-wala ang ngiti ko.
"Babye na," muling paalam sa akin ni Matell matapos siyang umangkas sa motor ng Papa niya. Puno ang motor nila dahil sa apat pa na nakababatang kapatid niya.
"Paalam. See you bukas." Ani ko at tuluyan nang pina-andar ng Papa niya ang motor.
"Oo! Kitakits tom!" hagikhik niya.
Kumaway ako hanggang sa tuluyan itong nawala sa paningin ko.
Tinahak ko na ang kabilang daan para sa mas maikling oras ng paglalakad patungong bahay.
Bumati sa akin ang pamilyar na itsura ng lugar. Sa maya-maya pa, tanaw ko na ang 7/11 na punuan na naman. Umaagaw na ang dilim sa papalubog na araw kaya hindi na masyadong malinaw ang paligid.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa madaan muli ako sa iksaktong waiting shed, kaharap ng 7/11. Kagaya kahapon ay mas madilim sa loob nito dahil kinukubli nito ang sino man sa loob sa ilaw ng lampost sa 'di kalayuan.
Wala ang mga tambay kahapon pero may isang nakaupo sa pinakadilim na parte ng waiting shed. Isang lalakeng nakaupo na nakatago sa itim niyang hoddy.
Hahakbang na sana ulit ako para magpatuloy sa paglalakad nang may batong nagmula sa waiting shed ang lumipad malapit sa paa ko.
I stared again on the waiting shed. I survey it wholly and when I found the guy familiar, I immediately walked in.
Si Linus ang lalakeng nakaupo sa madilim. Siya rin ang nagbato ng bato. Pinapalit niya ba ako?
"Nandito ka," usal ko nang makalapit at makasilong sa waiting shed. Hindi gumalaw ang lalake at tiningnan lang ako. Humigpit ang pagkakakapit ko sa strap ng bagpack ko.
"Ikaw 'yung kahapon 'di ba?" tanong ko.
Muli akong humakbang papalapit sa kaniya para magkaroon ng malinaw na tingin pero kagaya ng kahapon, tungki lang ng ilong niya ang naaaninag ko dahil sa posisyon ng ilaw. His face is still mysterious.
"Maupo ka," his cold baritone voice uttered.
Sa ikalawang pagkakataon ay narinig ko ang malalim niyang boses na nagpa-upo sa akin sa upuan ng waiting shed. Sinikop ko ang dalawang kamay at ipinatong sa kandungan ko.
Bakit tila yata kinakabahan ako?
"Na sa 'yo ang wallet ko?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa pagtanong. Mabuti at hindi na siya nagpahirap magpahanap.
Naaninag ko ang pagtango niya.
"Dala mo ba?" muling tanong ko. Hindi siya sumagot kaya tumikhim ako.
"Hindi mo dala?" tanong ko.
Tumango siya kaya muli akong tumikhim. Bakit hindi niya dala? Don't tell me he sold it. Katulad din ba siya ng mga tambay na iyon? Edi sana hindi na siya tumulong. Pareho lang pala sila.
I cleared my throat for the fourth time.
"Bakit hindi mo dala?" marahan kong tanong. Kaming dalawa lang ang makakarinig ng amin usapan at nakakatulong na walang masyadong nadadaanan sa daan.
"I accidentally left it on my place." Sagot niya.
Taman akong tumango. Aksidente lang naman pala. Ibig sabihin, sinadya niya talaga akong makita ngayon para ibalik ang wallet ko pero aksidente niyang naiwan ito.
Katanggap-tanggap naman ang rason niya. Pero anong place? 'Yun ba ang pinagtataguan niya?
"Pero ibabalik mo naman sa akin iyon 'di ba?" paninigurado ko. Mahirap na. Importante sa akin ang wallet na iyon.
Gumalaw siya sa pagkakaupo. "Hindi ako sigurado." Tugon niya.
Otomatikong tumaas ang kilay ko.
"Bakit hindi sigurado? Tinulungan mo pa nga ako para makuha 'yon. At nang nasa iyo na, hindi ka na sigurado? Bakit?" nagtatakang tanong ko.
Bumaling siya sa akin. He chuckled roughly kaya nanindig ang balahibo ko.
He laughed! Bigla akong namula. I slapped myself on my mind for being soft to things. Baka nakakalimutan kong kriminal itong kaharap ko kaya baka anong gawin nito sa akin.
I bit the insides of my cheeks. "Bakit hindi ka sigurado?"
Gumalaw ang ulo niya. Inihilig niya ito sa paraang sumusuri sa mukha ko. Pero hindi ko pa rin maaninag ang mukha niya.
"Aksidente ko kaseng nakita ang laman. Kaya nagbago ang isip ko." Mapanglarong sagot niya sa kabila ng seryosong tinig.
Huh?
"Eh wala naman atang laman ang wallet ko na makakapagpabago ng isip mo." Wika ko.
How did he change his mind? And excuse me, hindi sa kaniya ang litratong iyon.
"Meron." Maikling sagot niya.
"Wala. Pera lang laman nu'n."
"No. There's something in your wallet that caught my attention." Pilit niya.
Tiningnan ba niya ang loob? Naku... hindi pwede!
"Ano 'yun?" kunot noong tanong ko.
"Ang litrato."
Nasamid ako. My treasured picture!
"Wala namang meaning iyon sa iyo eh. Akin iyon. At may sentimental value 'yun sa akin." Rason ko.
"But I like the photo too. I can give your money and wallet again. But I'll have the picture." He uttered.
"No!" mariing tutol ko pero nang masink-in sa akin ang reaksiyon ay umayos ako ng pagkakaupo. I remind myself that the person I'm talking is a criminal. Chased by Police!
"I'm sorry. Pero kaisa-isang litrato ko lang iyon sa mga magulang ko. Matagal ko ng iniingatan iyon." Paliwanang ko.
"Bibigyan kita ng pera. Babayaran ko." Presko niyang saad.
Nalaglag ang panga ko.
"Importante iyon sa akin. Hindi mo pwedeng kunin 'yun, Linus." Paliwanag ko.
Ang gaan ng pangalan niya pati ang kaniyang presensiya. Kabaliktaran sa salang nakaatang sa kaniya. Kung tutuosin ay hindi talaga kapani-kapaniwala. But who am I kidding? Even the kindest person on earth can do a mistake. Even the most honorable person can commit a crime, ika nga ni Ma'am.
Hindi siya sumagot sa akin kaya nag-isip ako ng sagot. Kailangan ko talagang makuha ang wallet at litrato ko.
"Ganito, bakit mo gusto iyong litrato?" tanong ko sa kaniya. Wala naman kaseng espesyal na meaning iyon sa kaniya.
"I like your smile on that picture." He quickly replied.
Peke akong natawa. "Anong pagkakaiba nu'n sa ngiti ko ngayon? Pwede namang kuhanan mo ako ng litrato ngayon at ipadevelop natin. Iyon nalang ang ibibigay ko sa 'yo." Kumbinse ko kahit nagtatakaka.
Why would he like my smile?
"There's a big difference, Fliore."
Nabigla ako sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Bakit niya alam ang pangalan ko? But then I remembered, my name was written on the back of that picture. It was Papa who wrote it 'Mahal kong Fliore.'
Napakamot ako ng batok ko.
"Anong kaibahan?" tanong ko kahit nawe-weirduhan na ako sa kan'ya.
From his seating position, he stand up and towered me together with his hands on both of his jeans' pockets. Tiningala ko siya at unti-unting may kung anong kumislap sa madilim na mukha niya. And I realized it's his eyes.
He has beautiful and tantalizing eyes.
"You're smile, Fliore. You're smile in that picture is way different from how you smile today. An ennocent smile that was murdered by the cruel world."