Kabanata 4

1684 Words
❝You're smile, Fliore. You're smile in that picture is way different from how you smile today. An ennocent smile that was murdered by the cruel world.❞ Natigilan ako sa sinabi niya. Rumiin ang pagkakahawak ko sa batok ko bago umiwas nang tingin. He's eyes. It's not only beautiful, it also sees emotions. And he saw mine. Bago tuluyang lamunin ng katahimikan, peke akong tumawa. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," natatawa kong usal at tumayo na rin. "Sige, dadaan nalang ulit ako rito bukas. Siguraduhin mong dala mo na ah," ani ko at tinalikuran siya na nakatayo pa rin sa pwesto niya. Tuluyan na akong nilayo ng paa ko sa kaniya pero wala manlang siyang sagot. Umaasa ako na pagbalik ko bukas dito, dala na niya. Sana... "Nandito na 'ko, la!" masigla kong bati sa walang taong sala pagkapasok ko. Inilibot ko ang paningin habang kinukuha ang school shoes sa paa. Nasaan kaya si Lola? "La?" muli kong tawag sa kaniya at pumasok na. Nilinga ko ang ulo sa kusina pero walang tao. Ganu'n din sa labas. "Lola?" I called her again but I was only embraced by the silence of the empty house. Tumungo ako ng kwarto namin pero wala rin si Lola kaya unti-unting tumubo ang kaba sa dibdib ko. "Nasaan ka, la?" sigaw ko muli sakaling marinig niya pero wala pa ring sagot kaya dali-dali kong nilagay sa kama ang bag ko bago tumakbo palabas ng kwarto. Ngunit ang plano kong pagtakbo ay natigil nang sumalubong sa akin si Lola sa pintuan dala ang isang cake sa dalawang kamay. Suot niya ang pinakamatamis na ngiti habang ang mata'y sumingkit na nagpakita ng kulubot sa gilid ng kaniyang mga mata. Bumaba ang tingin ko sa cake at nakita ang dalawang kandila na may numerong 1 at 7. 'Happy 17th birthday, apo", ang nakalagay sa cake. Parang hinaplos ang puso ko. Nang-init ang katawan ko at umakyat sa sulok ng aking mga mata. Sa may namumuong luha sa mata, umangat muli ang tingin ko kay Lola. "Happy birthday, apo ko," marahan niyang usal kasabay ng paglapit niya sa akin. Tuluyan nang tumulo ang luha ko kaya sinapo ko ito gamit ang kanang likuran ng kamay ko at ang libreng kamay ay iniyakap ko sa kaniya. "Salamat... la... naalala mo..." namamaos kong usal. Isinandal ko sa balikat niya ang ulo at doon umiyak. Sa pagitan namin ang mumunting cake na naalala kong minsang masabi na gusto kong kainin. "Makakalimutan ko naman ba ang kaarawan ng pinakamamahal kong Fliore? Hindi maari 'yun," Umiling-iling ako sa balikat niya. Ni-hindi ko naalala na kaarawan ko pala ngayong araw. No one reminded me. No one greeted me. Kahit si Matell. "Happy birthday, friend!" ang pag-iisip ko sa hindi pagbati sa akin ng kaibigan kanina sa paaralan ay naglaho nang sumulpot siya sa gilid namin ni Lola hawak ang transparent container na may lamang spaghetti. May namuo ulit na luha sa mga mata ko. Nakagat ko ang ibabang labi. Naalala niya... "Thank you..." usal ko sa kaibigan. Humigikhik siya at sumali sa yakapan namin ni Lola. "Akala mo makakalimutan ko ano?" mapanglarong usal niya at kinurot ang balikat ko. Hindi ko magawang maka-aray dahil sa nag-uumapaw na saya. Ang saya ko. Sobrang saya. This surprise is too much. Hindi ko naman inasahan na magsisikap silang bilhan ako ng cake at lutuan ng spaghetti. This is beyond my expectation. Okay na sa akin ang bati, masaya na ako roon pero ito ang dumating. Sobrang saya ko. Thank you, Lord. "Salamat. Maraming salamat sa in'yo," humigpit ang pagyakap ko sa kanilang dalawa. Si Lola ay marahang natawa at naunang kumalas sa yakap. "Oh siya, hipan mo na ang kandila mo. Mag-wish ka." Ani Lola. "Mag-wish ka dali!" Excited na rin si Matell at kinuha ang mumurahin niyang cellphone para kuhanan ako ng litrato. "Nahihiya ako," nahihiyang usal ko sa kaniya. Kukunan niya ako ng litrato e ang pangit ko sa mga iyon. Doon lang ata maayos ang mukha ko sa litrato kasama sila Mama. Ang litrato... naalala ko na naman. Napabuntong hininga si Matell. "Huwag ka nang mahiya! Photogenic ka naman sa litrato dali! Tsaka ipo-post ko 'to sa f*******:. Greetings ko sa 'yo!" masiglang usal niya at itinapat muli ang camera ang cellphone niya sa akin. Ngumiwi ako. Medyo labag man sa loob ay yumuko ako at ipinikit ang mata. 'Sana humaba pa ang buhay ni Lola para makasama ko pa siya nang matagal. Si Matell din.' Inihip ko sa hangin ang wish ko kasabay sa pag-ihip ng kandila. Matunog na pumalakpak si Matell habang nakangiti pa rin si Lola. "Kainan na!" masiglang wika ni Matell at inilapag sa kawayang lamesa sa sala ang hawak na container. Ganoon din ang hawak ni Lola na cake. "Si Tiyay po, la?" tanong ko kay Lola. Nahagip ko agad ang pag-ismid ni Matell sa gilid. "Kila Abner, nagbabaraha na naman." Kaswal na sagot ni Lola at siyang naghiwa ng cake para lagyan ang platito namin ni Matell. Nasa pasugalan na naman si Tiyay. Tiyak mag-aaway na naman sila mamaya pag-uwi ni Tiyoy Ebil dahil sa paggasta niya ng pera. At kapag mangyari, ako na naman ang pagbubuntungan ni Tiyoy ng galit. "Damihan n'yo ang kain. Tayo lang aan ang kakain nito." Ani Lola. "Salamat, la." "Salamat, la. Mukhang masarap itong chocolate cake na ito." Si Matell na lumiliwanag pa ang mga mata habang nakatingin sa cake. "Oo naman. Sinigurado kong masarap ito kase para kay Fliore. Dapat matikman niya ang pinakamasarap na cake sa kaniyang kaarawan." Nakangiting ani Lola. Hinaplos muli ang puso ko sa narinig. Ito ang inaasam-asam ko. Simpleng celebrasyon lang, walang masyadong handa pero masaya at hindi malilimutan. Naunang sumubo si Matell ng pagkain dahil tahimik muli akong nanalangin para magpasalamat sa biyayang Kaniyang binigay. "Masarap nga!" Matell giggled and tapped my shoulder. "Masarap!" she repeated and winked at me. Si Lola ay nakangiti lang na naka upo sa harap habang nasa amin ang paningin. "Kumain ka na rin, la." Yaya ko sa kaniya. Binigyan ko siya ng plato at ako na mismo ang nagsalin ng spaghetti sa plato niya. "Ito pa," nakangiting ani ko at dinagdagan ng cake. Tututol pa sana siya kaso muli akong ngumiti kaya natunaw ang kaniyang plano. Naging puno nang tawanan at magaang usapan ang bahay sa pagitan naming tatlo. Tuluyang nawala ang mabigat na mga iniisip ko dahil sa saya. Sana ganito na lang palagi. Sana palagi na lang masaya. Wala na akong ibang mahihiling pa. This is the comfort I won't hesitate to embrace. This is my peace. Naging mabuti pa ang sumunod na minuto hanggang sa sumapit ang alas-siyete at nagpaalam na si Matell para umuwi. Pinasundo na kase ito sa nakababatang kapatid niya. "Kita nalang tayo bukas. Goodnight!" kumaway siya sa akin bago tuluyang nawala sa madilim na kalye. Bumalik na ako sa loob ng bahay at naabutan si Lola na nagliligpit kaya nilapitan ko siya at tinulungan. Sabay naming niligpit ang lamesa at nilagay sa kusina ang lahat ng nakainang plato. Pinilit ko rin siyang ako na ang maghuhugas para makapagpahinga na siya. Ngunit ilang minuto lang nang maka-alis siya, biglaan nalang may kung anong malakas na tunog na bumalabog sa sala. Patakbo kong iniwan ang ginagawa para tingnan kung anong nangyari at bumungad sa akin si Tiyoy na hawak-hawak si Tiya at padarang na binagsak sa kawayang upuan. Pati si Lola na nasa kwarto ay lumabas din sa bulabog na nangyari. "Putangina! Ilang beses na kitang pagsabihan na huwag mong gastusin sa sugal ang pera ko, Emilia!" malakas na sigaw ni Tiyoy sa asawa. Sa galaw niya ay nagsasabing siya'y lasing. Si Tiyay naman ay masakit na tingin ang ipinukol sa kaniya. "Para ano? Igastos mo sa pambababae mo?!" sigaw rin niya pabalik. Natigilan ako. Si Lola ay nasapo ang noo at naglakad para pumagitna sa kanila. "Ano ba, gabi na. Itigil n'yo na 'yang away n'yo at pag-usapan sa mahinahong paraan." Saway ni Lola pero hindi siya pinansin ng dalawa. Halos itulak pa siya ni Tiyo. "Hindi ako nangangabit, litse ka! Binabalik mo pa sa akin ang kasalanan mo!" nangangalaiting sigaw ni Tiyoy. "Ano ba kayong dalawa?!" galit na sigaw ni Lola. Mariin akong pumikit. Tama nga ang sinabi ko. Ayan na naman sila. Ito parati ang topiko nila kapag nag-aaway sa tuwing maabutan ni Tiyoy si Tiyay kila Mang Abner na sumusugal. "Litse ka rin! Wala kang silbi!" sabat ni Tiyay. Halos manlisik na ang mga mata niya. Iminulat ko ang mata at masama na ang tingin sa kanila. Para silang mga bata. Papagitnaan pa ng matanda. "Salot ka sa buhay ko, Ebil!" "Mas salot ka!" "Ano ba, tumigil na kayo at bukas na kayo mag-usap nang mahinahon!" saway ni Lola ngunit tila hangin lang ito sa kanila. Akma na sana akong sasali pero sinenyasan ako ni Lola na huwag na at pumasok nalang sa kwarto namin. Umiling ako ngunit pinilit niya ako. Labag man sa loob, sinunod ko siya. Nakailang sigawan pa sila sa labas bago natigil hanggang sa malakas na sinara ni Tiyay ang pintuan ng kwarto nila. Si Tiyoy ay nanatili sa sala habang kung ano-ano na namang salita ang lumalabas sa labi. Si Lola ay nasa labas pa rin at mukhang pinapakalma si Tiyoy. Nanatili akong gising para hintayin si Lola kaya hindi nakaligtas sa tenga ko ang pagsimula ni Tiyoy sa pagsalita ng hindi maganda sa mga magulang ko. Sa unang dinig, masakit, pero nasanay na lang ako sa palagi niyang sinasabi kila Mama sa tuwing siya ay lasing. "Ang bwesit na Flore, kung hindi lang sana nagkacancer at namatay ay hindi rin magpapakamatay ang tanga kong kapatid. Kaya anong nangyayi? Naiwan sa akin ang litseng anak. Sarili lang nila ang inaalala, hindi na naisip ng mga hayop ang maiiwang palamunin sa akin. Mga tanga.." rinig kong usal niya. "Mga hayop!" Marami pa siyang binanggit na hindi kaaya-aya kaya imbes na makinig pa, pinilit ko nalang ang sarili kong makatulog kahit gusto kong hintayin si Lola. Nakatulog ako ng may luha sa mga mata. Ngayong araw ang pala kaarawan ko. Nakalimutan ko. Ngayong araw rin ang death anniversary ni Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD