Kabanata 5

1905 Words
❝Goodmorning, La,❞ Maaga ulit akong nagising. Nang lumabas ako ay bahagya pa akong nagulat dahil nangangape na rin si Lola. Tinulungan niya 'ko sa gawaing bahay hanggang sa mabilis akong nakaligo kasama ulit si Matell at nagtungong paaralan. Discussion lang ang nangyari sa buong araw maliban sa surprise quiz namin sa Science. Sa mabuting palad ay naipasa ko naman at siyang pinakataas sa buong klase. Nang hapon, nagkaroon ng SSG program kaya alas singko na kami na-dismiss sa gym. Kinailangan pa naming mag-cleaners kaya tuluyan lang akong nakalabas nang bandang 5:25 na. Nang lumabas ako ng gate ay madilim na ang paligid. Kakababa lang ng araw at tuluyang luminaw ang buwan sa kalangitan. Hindi katulad ng mga nakaraang araw ay wala nang senyales ng pag-ulan. Tuluyan na atang nakalampas ang bagyo na dumaan sa bansa. "Paalam, friend!" "Paalam! H'wag mong kalimutan ang assignments natin ah!" "Oo! Ba-bye!" Nagkahiwalay ulit kami ni Matell nang sunduin siya ng Papa niya kaya mag-isa ulit akong naglakad sa kalyeng palaging dinadaanan. Matagal kase kapag sa isang daan ako dumaan na dinadaanan ng mga motor kagaya nina Matell. Mabuti sila may sasakyan, ako wala. Isang liko pa ang ginawa ko, tuluyan ko nang natanaw ang waiting shed sa 'di kalayuan. Walang mga tambay muli kaya gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam ngunit nae-excite akong makita siya muli sa kabila ng kaba. Siguro dahil maaring dala na niya ang wallet at litrato ko. Nang matapat sa waiting shed, hindi nga ako nagkamali dahil sa pinakamadilim na parte ulit ng waiting shed ay naroon si Linus, nakaupo at nakasuot na naman ng hoddie jacket pero ang pinagkaiba ay ito'y kulay abo na. Pagak akong naglakad sa loob at ngumiti. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. "Magandang gabi," bati ko at lumapit sa kinauupuan niya. I seated two meters away from him. Kagaya nang palagi kong napapansin, nakatago na naman sa hoddie ng jacket niya ang mukha at tanging tungki ng mataas niyang ilong ang nakikita. Ang kaibahan lang, ngayo'y nanatiling kumikislap ang mata niya sa dilim. Muli akong na-amaze sa mata niya. Ang ganda talaga tingnan. Ang mga mata niya'y parang ilaw sa gitna ng kadiliman. Parang may galaxy sa loob nu'n. Bumaba ang tingin ko sa pwesto niya. His legs were spread wide apart. Doon nakapatong ang siko niya habang bahagyang nakahilig paunahan ang katawan. Ibang faded jeans ang suot niya ngayon. "Kanina ka pa?" tanong ko. Sinikop ko ang mga binti, nilagay sa kandungan ang dalawang kamay habang kaharap siya. Sa pwesto ko ay naiilawan ng lampost pero sa kaniya ay wala dahil nasa secluded part talaga ng shed. "Not really," tamad na sagot niya. "Ganu'n ba? Ah..." tanging nai-usal ko at tumango. Inilibot ko ang paningin sa paligid para maghanap ng maitatanong. Ang mini-mart sa harapan namin ay wala masyadong tao ngayon. I wonder how he can stroll around here if he's being chased by the police? Sa pagkakaalam ko ay wanted siya kaya dapat maging cautious siya sa paligid. Pero siya'y mukhang walang pake bukod sa gabi lang siya nagpapakita. Napansin ko. Isumbong ko kaya siya? Natawa ako sa aking naisip. "Hmnn... anong sasabihin ko? Topic. Topic." Mahinang bulong ko sa sarili. "I got your wallet now." Napalingon ako sa sinabi niya. Agad niyakap nang mataman na ngiti ang labi ko. "Talaga?" pagak kong tanong. Gumalaw siya ng bahagya at may kinuha sa bulsa ng pantalon. Naaninag ko ang malaki niyang kamay at mahahaba niyang daliri. Tila makapangyarihan iyon. "Yes," maikli niyang sagot at inilahad sa akin ang hello kitty wallet ko. Napuno ng kasiyahan ang mata ko at agad na tinanggap ang wallet. "Hala! Thank you!" masayang usal ko at hinimas-himas ang wallet na nawala sa akin ng dalawang araw. Hinalikan ko pa ito ng ilang beses na tila sabik na sabik. "You seem to love your wallet too much." Komento niya. Tumango ako. "Oo. Binigay kase sa akin 'to ni Lola. Regalo. Matagal na." Sagot ko. He stretched his head. "I see..." aniya. Yumuko ako at tiningnan ang wallet. Ganu'n pa rin, cut pa rin tingnan. Binuksan ko ito at sinilip ang laman. Napanguso ako nang makitang nandoon pa rin ang dalawang daan na allowance ko. Hindi nagalaw. Ninanap ko pa ang isang bagay na inaasahang makita pero humaba ang nguso ko ng makitang wala ang litrato. Umangat ang tingin ko sa kaniya. "Bakit wala ang litrato?" Umiwas siya ng tingin. Nilaro ng kamay niya ang kandungan. "I accidentally left it again. I'm sorry." Mas lalo akong ngumuso. "Sinungaling," usal ko. "It's true. Nakalimutan ko talaga. Ibabalik ko nalang bukas." Rason niya. Ang nguso ko ay unti-unting nauwi sa pag-ngisi. "Sus, scam ka! Baka bukas sabihin mong nakalimutan mo ulit!" asar ko. I lifted my hands on my thighs and crossed it on my chest. Napabaling siya sa akin. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya. "You're actually right. Iniisip ko rin 'yun." Sagot niya. Tuluyan akong natawa. Sa kabila nang mabigat niyang presensiya, sa hindi mawaring dahilan ay nakakaramdam ako ng kaluwagan sa kaniya. "Kita mo. Sinungaling ka talaga, Linus." Natatawang sabi ko. Gumalaw siya sa pagkakaupo. "How did you know my name?" biglaang tanong niya kaya nasamid ako. Napawi ang aking halakhak at ibinaba ang kamay sa dibdib. "Ahm... narinig ko lang. Sa mga tambay ng araw na 'yun..." mahinang sagot ko. Hindi siya gumalaw pero marahang tumango ang ulo niya. "So you already knew I'm a criminal?" muli niya akong ginulat sa tanong. The space between us became awkward. Paano ko sasagutin na oo pero hindi ako natatakot? Awkward naman kase ng topic niya! Ni-hindi siya nag-alangan! "May pera ako rito! Gusto kong kumain ng ice cream. Bibili muna ako ah, gusto mo rin ba?" pang-iiba ko ng usapan. Tumayo ako at pinagpag ang puwetan. Siya naman ay tiningala ako. Wala pa rin kong naaninag sa mukha niya kun'di kadiliman. Tiningala niya lang ako pero hindi siya sumagot kaya tinanggap ko na iyon bilang sagot niya. Tumalikod ako at tumawid para makarating sa mini-mart. Nang madapo sa freezer ang tingin ko ay napakagat agad ako ng labi. Wala naman sana akong planong gumasto lalo na't may paparating kaming project pero anong sasabihin ko kay Linus? Sinabi kong kakain ako ng ice cream! Aasa 'yong tao! Kaya mabigat man sa bulsa, bumili ako ng dalawang pang-individual container ng icecream sa halagang 50. Naka gastos pa ako ng 100 dahil sa litseng rason ko. Dala ang plastic na laman ang icecream ay bumalik ako sa waiting shed kung saan si Linus nakaupo at nasa direksiyon ko ang tingin base sa kislap ng mga mata niya. "Here," inabot ko sa kaniya ang vanella flavor habang iniwan ko para sa akin ang chocolate. Ilang segundo bago pa niya ito tanggapin at nang magtama ang malaki niyang kamay sa kamay ko ay nang-init agad ako. I immediately withdraw my hands on the icecream at pasimpleng ipinahid sa palda bago hinawakan ang icecream ko. I opened mine but when I looked on his, he just put it beside him. Sinikop niya ang dalawang kamay sa inilagay sa harapan niya na parang triangle. "Hindi ka kakain?" tanong ko. "I'm not yet hungry. Mamaya na lang." Sagot niya. Tumango ako at nilantakan ang icecream hanggang sa maubos ko. Ang sa kaniya'y hindi pa rin niya nagagalaw. Tumahimik ulit ang pagitan namin kaya nag-isip ako ng itatanong. Unang pumasok sa isip ko ang pagiging wanted niya pero agad ko ring in-erase sa isip ang tanong. Sa halip ay ibang tanong nalang ang tinanong ko. "Pansin kong hindi na tumatambay rito 'yong mga tambay." Naisaboses ko. Sinuri ko siya ng tingin. "Tinakot mo sila 'no?" "I don't scare dogs." He lazily uttered. Nanlaki ang mga mata ko. Nasapo ko ron ang noo ko sa sagot niya. "Grabe ka!" "But they look like stray aspins." Mapanglarong saad niya. Napahagikhik ako sa turan niya. "Oo. At ikaw naman ang leader nila!" asar ko. Madilim man, naramdaman ko ang panliliit ng mata niya sa akin. "You sure of that?" he asked, slightly offended. "Oo. Mukha ka rin sigurong aso kase tinatago mo ang mukha mo." Nakangisi kong sagot. Paminsan-minsan kong nililingon ang mga dumadaang sasakyan. "Oh yeah, I'm their king." He roughly chuckled. I laughed. May dumaang mabilis na van kaya nahanginan ang buhok ko. Sinikop ko ito at binalingan ang daan kasabay nang pagdaan ng isa pang malaking truck na may malaking side lights kaya nasilaw ako. Para hindi masilawan ay umiwas ako ng tingin at natama kay Linus ang tingin. Sobra na lamang ang pagkagulat at pagkamangha ko nang sa hindi inaasahang pagkakataon, biglaang nailawan ang madilim na parte ng waiting shed kaya nailawan din ang mukha ni Linus. Hindi nga ako nagkakamali. He's face is very distinct! Hindi ako nagkamali sa mga mata niyang kumikislap sa kulay nitong abo. Sa matangos niyang ilong at makapal na kilay. Ang mapula niyang labi. Sa magandang pagkakaukit niyang panga at ang pagiging normal ng kutis niya. Sa mabilis na pangyayari, nailarawan ko ang mukha niya pero may humagip sa tingin ko. He has a cut on the lower portion of his right eye. Halata ang isang dangkal na haba nito pero hindi manlang nagpabawas ng kagwapuhan niya. Sa halip ay nagmukha niyang malakas at hindi maasi-asing lalake dahil dito. "An alpha with a scratch." Dugtong niya. "You saw me now?" mapaklang usal niya. Tumikhim ako. "Hindi naman nakakabawas ng pagkakalalake ang isang sugat sa mukha." Ani ko. "Physical appearance always have the impression but kind attitude and good characteristic will always prevail." Dugtong ko pa. Gusto kong iparating sa kaniya na hindi basehan ang gasgas sa mukha para mawalan ng confident sa sarili. Kahit ganito ako, may tiwala ako sa sarili. He shifted on his position and straightened his body. Bumalik na ulit sa dilim ang pwesto niya kaya hindi ko na naman ulit siya nakikita ng malinaw. "But my attitude and characteristics says it also. I'm a criminal, Fliore, just to inform you. I'm a bad person." Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Hindi ko na alam ang isasagot ko at nagpaubaya nalang sa lalabas sa labi ko. "Even the baddest person on earth feed his dogs, Linus. That's also goodness. In every darkness, there's light. In every person, there's always good or bad. It's still our choice of what to chose." Usal ko. Linus chuckled roughly in my front. "A'right, Ma'am Vitalles. You won the case. And please, just call me Finn. Linus is so old ." He playfully said. Marahan pa siyang pumalakpak kaya napanguso ako. At least nailabas ko ang opinyon ko sa bagay na iyon. Many people tend to judge a person as for what they see or mistakes that person do. They never tried to seek the goodness on it. Naglipas pa ang ilang minuto at napansin kong mas dumidilim na ang gabi kaya napagpasyahan ko ng umuwi. Linus shook his head at sumabay na ring tumayo para umalis katulad ko. "Paalam, Finn," paalam ko. "Paalam," tumango siya bago kami nagkalihis ng daan. We separated ways to different directions. Taking different paths. Suot-suot ko ang ngiti sa labi. At nang makarating ako sa bahay, isang eksena ang bumungad sa akin. Si Lola ay sapo ang noo habang nakaupo sa gitna nang mga basag na bagay sa sala. "A-anong nangyari, la?" nag-aalalang tanong ko at mabilis siyang nilapitan. Parang piniga ang puso ko ng makitang may luha sa mga mata niya. "Ang tiyoy mo, Fliore..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD