Kabanata 6

1921 Words
❝Ang tiyoy mo, Fliore...❞ Naguguluhan kong inalo si Lola. "Anong nangyari, la? Bakit magulo ang bahay? Anong nangyari kay Tiyoy?" aligagang tanong ko. Inalalayan ko siyang makaupo at dinala sa kawayang upuan. Puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Taas-baba rin ang balikat at hinahabol ang hininga. "Ang Tiyoy Ebil mo... naabutan si Emilia kila Abner... nag-away ulit sila, pinaghahagis ng Tiyoy mo ang mga gamit..." hindi siya makasalita ng diretso kaya tumayo ako. "Kalma muna, la. Kukuha lang ako ng tubig." Saad ko at iniwan siya para tumungo sa kusina. Bumungad sa akin ang makalat sa kusina pero bago pa mag-problema kung paano iyon aayusing muli, kumuha na ako ng tubig sa water jug at bumalik kay Lola. Dala ang isang basong puno ng tubig ay lumapit ako kay Lola. "Inumin mo muna, la." I gave her the glass of water. Tinanggap niya ito at agad ininom. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa maubos ang laman. Ang noo at leeg niya ay pinagpapawisan na. Ano na namang ginawa nina Tiyoy at Tiyay? Hindi manlang ba nila inisip na may matandang sobrang nag-aalala sa nangyayari? "Fliore..." nagsimulang mag-kwento si Lola. "Ang Tiyoy mo... muntikan nang mapatay si Emilia..." Agad akong napasinghap sa narinig. Lumalala na si Tiyoy. Kung dati'y hanggang masasakit na salita lamang, ngayon ay halos baliin na niya si Tiyay sa tuwing magagalit. Anong nangyayari sa kaniya? "Bakit? Anong nangyari, la?" tanong ko. Yumuko si Lola at nagpatuloy sa pag-kwento. "Nakumperma ng tiyoy mo na kabit ni Abner ang Tiyay mo. Kaya sa sobrang galit niya, muntikan na niyang mabaril. Mabuti at nakatakbo si Emilia at hindi naabutan ng Tiyoy mo kaya nagwala sa galit." Akala ko may mas ikakasinghap pa ako pero natulala na lang ako sa narinig. Sa rebelasyong nakakabingi. So all this time, Tiyoy Ebil is right on all his accusations? Akala ko ay parte lang iyon ng away nila sa tuwing magagalit siya. Hindi ko inakalang totoo pala. Kaya pala araw-araw naroon si Tiyay. Akala ko para magsugal lang. Iba na pala ang pakay niya. At si Tiyoy, sukdulan na ang pagwawala niya. Ang mga bagay ay napagtagpi-tagpi ko. Nakakapanghina. Kahit hindi man nila ako anak, nakakaramdam ako ng kalungkutan para sa pagitan nilang dalawa. Bakit nagkalamat ang pagsasama nilang dalawa? Dahil ba hindi maka-anak si Tiyoy? "Nasaan na si Tiyoy, la?" iginala ko ang paningin sa kabuuan ng bahay pero wala akong nakitang presensiya ni Tiyoy. Siya lamang ang nag-iisang kapatid ni Papa. "Nasa Baranggay hall, doon muna siya pinatulog ni Kapitan para mawala ang galit. Alam mo namang baril agad ang hahawakan nu'n kapag galit." Ani Lola. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasapo ko nalang ang noo at umupo sa tabi ni Lola, nasa harapan ang paningin. Basag lahat ng gamit sa sala. Ang kakaunting frames at vases. Ang cabinet ay natumba pati ang kawayang lamesa. Ang Tv ay nasa sahig na rin, hindi malaman kong gumagana pa ba o basag din. May piraso rin akong nakita ng beer at isang bote ng inumin. Sa kusina kanina'y halos ubos din ang pinggan sa sahig. Ang mga baso at pati ang kaldero. Muli akong nagbuntong hininga bago tumayo. Tiyak ilang oras na paglilinis ang aabutin para lang maibalik sa dating linis ang bahay. Ibinaba ko lang ang bag at kahit hindi pa nakakapagpalit ng damit, sinimulan ko ng damputin ang mga magagamit pa. Inisa-isa ko ang mga basag at hindi. Dumampot din ako ng walis at dustpan para sa basag na bote ng beer. Tumayo rin si lola at tinulungan ako sa pagpatayo ng cabinet na natumba pati ang iba pa. Hindi pa nakakalahati ang lilinisin ay basa na ang leeg ko sa pawis. Hindi rin matigil ang pagpahid ko ng noo at napansin iyon ni Lola. "Magpalit kana muna ng damit. Ako na muna rito." Aniya. Umiling ako. "Tapusin na muna natin lahat, la, bago ako magbihis para isang bihis lang." Ani ko at nagpatuloy sa paglilinis. Sumang-ayon din si Lola kalaunan. Ilang oras ang iginugol namin sa pag-aayos ng bahay. Ang kusina at pati ang kwarto nila Tiyoy. Inabot kami ng Alas-dose bago matapos ang lahat at naibalik sa dati ang ayos ng bahay. Pero hindi maikakailang naging kaunti ang mga gamit dahil ang iba'y nabasag at hindi na mapakinabangan pa. Tumigil lang kami ni Lola para kumain ng hapunan at balik linis ulit. "Tulog na tayo, apo." Aya ni Lola matapos ang ilang segundo naming pananahimik sa sala. Tumango ako sa kaniya. "Mauna ka na la, papalit pa ako ng damit ko." Ani ko. Tumayo si Lola at ipinahayag na mauna na siya. Nang makapasok siya ay doon lang ako malalim na napabuntong hininga. Sobrang pagod ko sa ilang oras na paglilinis. Isinandal ko muna ang likuran sa sandalan ng upuan bago nagpasyang maglinis ng pawis at magpalit ng damit. Pagkahiga ko sa kama ay agad akong nilamon ng antok. Kinaumagahan ay mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Mabuti na lang at sabado kaya wala kaming pasok. Naalala ko, wala palang pasok pero sabi ni Linus ay magkita kami ngayon. Naisahan niya ako roon ah? Nang lumabas ako ng kwarto ay dumapo agad sa orasan ang tingin ko. Alas-diyes na. Naabutan ko si Lola sa sala na nanonood ng TV. Nang mahagip niya ako ng tingin ay tinanguan niya ako. "Nasa lamesa lang ang pagkain mo. Huwag kang magpapalipas ng gutom." Aniya. I nodded and proceeded to the kitchen. Doon ko naabutan si Tiyoy na nakaupo sa lamesa at abala sa pagkain. Tumikhim ako. Binalingan niya ako ng tingin sabay taas ng kilay niya. "Mabuti at gising na ang mahal na prinsesa." Sarkastikong usal niya at sumubo ulit ng kanin. I shoved my head. Dumiretso ako sa lamesa at maingat na binuksan ang takip ng kanin. Nasa isang plato na ang kanin at ulam para sa akin. Siguro'y iniba ni Lola ang akin dahil alam niyang kung hindi ay kakainin ni Tiyoy. Maingat kong kinuha ang pinggan at tumalikod na para roon sa sala kumain. Pero nang makatapak ako ng pintuan, tinawag ako ni Tiyoy. "Fliore," tawag niya. Natigil ako at nilingon siya. "Po?" "Naglinis ba kayo kagabi?" tanong nito. I cleared my throat. "Opo," "Nakita mo ba ang bote ng tanduay ko?" Nagdalawang isip ako sa pagsagot. Palagi nalang siyang lasing. Nakakasama sa kalusugan ang pag-inom ng hindi normal kaya siya ngangayayat. Ngayong may araw pa, iinom ulit siya? "Bakit natigilan ka? Huwag mong sabihin pati alak ko tinapon mo?" Agad akong umiling. "Hindi po, Tiyoy. Nasa gilid ko po ng platera nilagay." Mabuti na lang at naisipan kong baka hanapin niya kaya nilagay ko sa platera. Hindi ba niya nakita kanina? "Ganu'n ba? Sige," aniya kaya tumalikod na muli ako para magpatuloy sa paglalakad pero muli niya akong tinawag kaya mariin akong napapikit. "Fliore," "Ano po 'yun?" "Tinapon mo rin ba ang mga gamit ni Emilia?" tanong niya. Nakagat ko ang dila ko. "Hindi po." Mahina kong sagot. Nilingon niya ako at tinaasan muli ng kilay. "Pagkatapos mong kumain, itapon mo lahat. Dapat wala akong makita, kun'di lagot ka sa akin." Aniya. Mapakla akong tumango at naglakad na ng mabilis para makarating kay Lola. Ganoon nga ang ginawa ko. Pagkatapos kong mag-umagahan ay sinikop ko lahat ng mga damit ni Tiyay Emilia sa kwarto nila at isinilid sa sako. Sinabi ko kay Lola ang utos ni Tiyoy at sabi niya isilid ko lang daw sa sako at itago sa likuran ng bahay namin dahil sayang daw. Baka sakaling bumalik si Tiyay at kunin ang mga gamit niya. Nakakapanibago dahil walang nagbubunganga sa bahay. Nasanay na kase akong palaging naiirita si Tiyay at sinisigawan ako. Parang lumungkot ang bahay dahil walang malakas na boses na bumubulabog sa amin. Si Tiyoy ay inukupa ang kusina at doon nanatili para uminom. Ang dami na naman niyang tanduay at beer sa lamesa na para bang magmu-mukbang siya ng alak. Minumura rin niya si Tiyay Emilia nang makailang ulit. Sa alak niya nilalabas ang galit at sama ng loob. Nang nagsasako ako ng gamit ni Tiyay, nahagip ng tingin ko ang ilang litrato ng kasal nila. Meron ding mga panahong hindi pa sila kasal. At may nag-iisang bukod tangi na litrato namin ni Lola ng pitong taong gulang ako. Hawak ako ni Lola sa harapan ng isang fastfood chain habang nakakapit naman ang isa ko pang kamay sa binti niya. Napangiti ako. Sobra ko pala talagang maka-lola noon pa. Magkapares din ang damit namin na checkered na black and white. Natapos ang gawain ko sa pagliligpit at initago ko ang litrato namin ni Lola. Nilagay ko sa bulsa ng shorts ko. Mukhang dalawang litrato na ang magiging laman ng wallet ko. Matapos sa itaas ay bumaba na ako habang si Lola ang nagvolunteer na magsaing. Hilig din kase ni lola ang pagluluto at masarap siya sa gawaing iyon. Pumasok muna ako sa kwarto para magreview ng iilang notes para maging handa kung sakaling may surprise quiz sa lunes. Palagi kaseng nagsu-surprise quiz ang teacher namin sa science. Inabot ako ng isang oras sa pagrereview hanggang sa tawagin ako ni Tiyoy na mukhang galit na naman. Naibaba ko ang notebook at tinubuan na naman ako ng nerbyos sa paraan ng pagtawag niya sa akin. "Fliore!" sigaw niya mula sa kusina. "Po?" dali-daling sagot ko at tumungong kusina. Andoon si Tiyoy na pinapakalma ni lola. Mas lalo akong kinabahan. "Anong sabi ko sa 'yong bata ka? 'Di ba sabi ko itapon mo ang mga gamit ni Emilia?!" nangangalaiti niyang sigaw. Napapikit ako sa tindi ng galit niya. "Bakit nasa likuran ng bahay ang mga sako? Putangina mo, nakikinig ka ba sa utos ko?!" "Ebil! Huminahon ka muna! Huwag mong sigawan ang bata. Wala siyang kasalanan. Ako ang nag-utos sa kaniya na sa likuran ilagay ang mga gamit ni Emilia." Pagpapakalma sa kaniya ni Lola. Hindi ko pa rin naimumulat ang mata dahil takot ako sa tingin ni Tiyoy. Galit na naman siya. Sa akin. "E bakit naman 'nay? Bakit n'yo ba sinabihan ang tangang iyan na sa likuran lang ilagay? Wala kayong pake roon! Putangina!" sigaw niya at labis ang galit. Napakapit ako sa laylayan ng damit ko. Sobra-sobrang magalit si Tiyoy. Nakakatakot. "At ikaw namang tanga ka! Sinong nag-utos sa 'yo ha? Hindi ba ako? Sinong nagpapalamon sa 'yo ha? Ako! Bakit iba ang sinunod mo? Mukhang gusto mo ata ng leksiyon ah?!" "Ebil!" doon na ako nagmulat ng sumigaw si Lola. Naabutan ko si Tiyoy na nakatalikod sa harapan ng pintuan ng kusina at nang humarap siya, agarang umatras ang mga paa ko. Kadena. May hawak siyang kadena na lock ng pintuan. "Tiyoy..." takot kong usal. Nanginig ang boses ko. "Hali ka rito!" galit na sigaw ni Tiyoy at mariing hinawakan ang kadena. Ihahampas niya sa akin ang hawak niya. "Ebil, ano ka ba! Ibalik mo na 'yang kadena! Ano ba!" awat ni Lola sa kaniya at sinubukan siyang awatin pero nanlilisik na binalingan siya ni Tiyoy ng tingin. "Huwag kang makealam, nay! Hayaan mo akong turuan ng leksiyon ang batang 'to!" bulyaw ni Tiyoy. "Wala ngang kasalanan ang bata! Ako ang nag-utos sa kaniya! Ebil!" "Kung hindi ba naman siya bobo, bakit siya susunod sa 'yo kung sinabi ko na dapat wala akong makita? Halika rito! Nangangalam na ang kamay ko sa 'yong bata ka!" pagwawala ni Tiyoy. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sa sobrang takot. Tumatalbog-talbog na ang dibdib ko sa kaba habang nanatili sa hawak niya ang tingin ko. Wala akong maramdaman sa sobrang kaba. "Takbo na, Fliore!" sigaw sa akin ni Lola.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD