"Nasaan ako?" Bakit ako nakahubad? At bakit masakit ang pempem ko!? Sa pagkakaalala ko ay mag-isa akong nagtungo sa bar kagabi at nagliwaliw. Ilang araw na kasing nawawala sina Elijah at Renzi. Nagtanan ang dalawa. May mga bago naman akong nakilalang bisita. Sila 'yong nakainuman ko kagabi pero saglit lang din dahil nagkasundo ang mga ito na mag-night swimming. Eh, wala naman akong ganang maligo kaya hindi na ako sumama. Light beer lang ang ininom ko kaya sigurado akong hindi ako lasing. Hanggang sa lumapit si Hiro. Hayop lang! Matapos niya akong painumin ng Champaign ay bigla na lang akong nahilo at nawalan ng ulirat. May nilagay siyang demonyo sa inumin, sigurado ako! At ito ang kauna-unahang beses na ginawa niya iyon sa akin! Si Mark! Malakas ang kutob kong kagagawan niya ito!

