//Lanie// Isang araw bigla kong tinanong si Renzi. Nagtataka ako sa ikinikilos ni Mark. Sa bawat tingin at ngiti niya kay Renzi, galit 'yong nababasa ko. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Renz, nag-away ba kayo ni Mark?" "Huwag na huwag kang lalapit kay Mark." "Bakit?" "Basta sundin mo lang ang sinabi ko. Don't let him come near you. Don't let him touch you." Nagtataka ako at kinakabahan. Hindi ko rin maiwasang mapaisip. Sa pagitan namin ni Renzi, sino nga ba ang higit na nakakakilala kay Mark? Kaya nga ba talaga akong ipahamak ni Mark? Wala na ba talaga ang dating Mark na kaibigan ko? Naalala ko tuloy ang nangyari noon kay Dim. Binigyan din ni Renzi ng babala ang kaibigan ko tungkol kay Kairo pero matigas ang bungo ni Dim at dahil doon, nabuo ang kambal.

