"Mark!"
Nagmadali akong sumunod sa kaniya sa labas ng bahay. Nagtataka naman sa amin sina mama at ang mga kuya ko.
Buti na lang kunti na lang ang mga bisitang nandoon dahil nagsipag-uwi na 'yong iba. Walang gaanong nakasaksi sa mala-love quarrel namin ng kaibigan kong ito!
"Hoy!" Kinalabit ko siya nang maabutan.
Hindi niya tinuloy ang pagbukas ng pinto ng drivers seat ng kaniyang puting BMW at tamad siyang humarap sa akin.
"What?" nayayamot niyang tanong.
"Hala siya! Ano'ng problima mo? May pula ka ba?"
Lalong nagusot ang mukha niya.
"What's pula?"
"Regla. Sumpungin ka ngayon, eh!"
"Pft! Because you lied to me! Sabi mo iki-kiss mo ako! Tsk! Pinakain mo pa ako ng aso na may galis!"
"Hoy! Walang galis ang aso! Makinis 'yon!"
"'Yon ang sabi mo kanina! Aso ng may-ari na may galis!
"'Yong may-ari ang may galis!"
Gigil siyang napahilamos sa kaniyang mukha saka bumuga ng hangin. Para bang gusto na niyang manakal pero nagpipigil lang.
"I have to go."
Sumakay na siya sa sasakyan niya pero hindi niya naman pinaandar. Binuksan lang niya ang bintana at salubong ang mga kilay na nakatingin sa unahan, na para bang may hinihintay.
Lalo palang gumagwapo ang tar4ntadong 'to kapag galit.
"Hoy! Serry na. Ito naman para 'yon lang, eh!"
Hindi siya kumikibo. Nakaka-bother naman ang isang 'to! Hindi ako sanay na nagkakaganito siya. First time to, eh! First time na galit siya sa akin.
"Aiyst!" Dabog akong umikot sa kabilang pinto ng kotse at sumakay sa passenger's seat. "Mark. Usap tayo. Ano problima mo?"
Hindi niya ako pinansin. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa sandalan saka pumikit.
Tinitigan ko lang siya. Nakita ko pa ang pag-alon ng Adam's apple niya. Napalunok din tuloy ako.
Okay. Gusto niya siguro ng katahimikan. Tatahimik na lang din muna ako.
1, 2, 3...
Ang boring!
"WAAAAAA!"
Napalundag siya sa gulat.
"What the h3ll! Ba't bigla kang sumigaw?!"
"Ang tahimik, eh!"
Marahas siyang bumuntong-hininga. Tumingin siya sa labas ng bintana at tinanaw ang bahay namin.
"Hindi pa ba uuwi si CE?" mayamaya'y tanong niya.
"Mag-iinuman pa 'yan sila ng mga kuya ko. Bakit? Gusto mo siyang isabay?"
"The h3ck!"
O! Galit na naman! Ba't ba ang init ng ulo niya ngayon? Sarap buhusan ng yelo!
"Hindi ka pa ba uuwi?"
"Pinapauwi mo na ako?"
"O, eh, sabi mo aalis ka na." Gulo niyang kausap! Ngayon lang 'to! Naninibago ako, ah!
Natahimik ako nang mapansin ang mariin na pagtitig niya sa akin. Hindi siya naka-contact lens ngayon kaya ang luntian niyang mga mata ay parang sa jaguar na nakatutok sa akin.
Para tuloy akong itinulos sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw. Tanging eyeballs ko lang ang gumagalaw na pasulyap-sulyap sa kaniya.
"Lanie."
"Yes?"
Humarap ako sa kaniya at nagulat nang bigla na lamang dumikit sa mga labi ko ang maninipis at malalambot niyang mga labi.
Oh, lord! Ano ba ang nagawa ko sa araw na ito at ako'y pinagpala Ninyo?
Kani-kanina lang, hinalikan ako ni CE sa pisngi. Ngayon naman ay hinalikan ako ni Mark sa mga labi! Anak ng tokwa!
Nanigas ang katawan ko sa gulat except sa mga tuhod kong nanlambot. Bakit niya ako hinalikan? Crush niya ako? O trip? May girlfriend siya pero nanghahalik siya ng ibang babae!
Sasapakin ko na ba 'to? Huwag muna ang sarap, eh.
Umangat ang kamay niya at sinapo ang mukha ko. Lalo niyang idiniin ang kaniyang mga labi sa akin. Pinipilit niyang ipasok ang kaniyang basang dila sa bibig ko pero nanatili itong nakasara kaya hindi siya nagtagumpay. Dinilaan na lamang niya ang mga labi ko na parang dumidila lang ng ice cream.
Anak ka ng spirit of the gas, Mark! Nanghihina ako sa pinaggagawa mo!
Muli niyang dinampian ng halik ang mga labi ko at pinanginig ang kalamnan ko sa kaniyang ibinulong,
"My Lanie..."
Huh? Tinawag niya akong my Lanie? MY LANIE?!
Kumabog dibdib ko don, ah!
Idinikit niya ang kaniyang noo sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko. Nagpapalitan na ang mga hininga namin dahil sa sobrang lapit.
"Open your mouth please," namamaos ang boses na usal niya. Ang bango ng hininga ng g4go!
"Open your mouth."
"H-ha?"
Bakit kaya?
"Lanie, I want to french kiss, please let me in."
"Okay. AAAA!"
Bigla siyang lumayo na para bang nahintakutan.
"D4mn it! Hindi ganiyan!"
"Ano ba dapat? Sabi mo open your mouth. O heto na! AAAA!"
"Ang laki ng bunganga mo, Lanie! Balak mo bang lamunin ang buong mukha ko? Gusto ko lang namang makipag-french kiss sa 'yo!"
Ba't parang bad trip siya? Open your mouth daw! Heto na nga, diba? Gulo niya! Ano ba kasi 'yong french kiss? Tulad din ba 'yon ng french fries? Hindi ko alam 'yon, eh! Ngayon ko lang narinig.
Hindi na siya lumapit pa sa akin. Natakot yata sa itsura ko kanina.
Kinalabit ko siya.
"Hoy! Ba't mo nga pala ako hinalikan? Gusto mo isumbong kita sa syota mo? Pagtatakasil na 'yong ginawa mo, ah!"
Natigilan siyang napatitig sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"O? Natauhan ka?"
Lumunok siya sabay iwas ng tingin. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa manibela.
"Siningil lang kita sa utang mo."
"Utang?"
"Yeah. The kiss."
"Anak ng!" Nagkamot ako. Nangati bigla ang ulo ko sa gigil, eh! Naku! Kung hindi ko lang 'to kaibigan baka na-uppercut ko na 'to!
"Lan, I want more.
Tengeneee! Abusado 'to ah!
Hinubad ko ang tsinelas ko at pinagpapalo siya nito.
"Hey! Stop!"
Iniharang niya ang kaniyang braso.
"Teka , anong amoy 'yon?"
"What's that smell?"
G4go in-english niya lang ang tanong ko!
"Ang baho!" sambit niya.
Napatingin ako sa talampakan ng tsinelas ko.
"Ay! Nakatapak pala ako ng dumi ng aso. Ito 'yon 'yong naaamoy mo, o!" Inilapit ko sa ilong niya ang tsinelas.
Panay mura siya habang umaatras at sumisiksik sa pinto ng sasakyan.
"Fvck you, Lanie! Get that thing away from me!"
"Arte nito! Tsee! T4e lang naman 'to, ah! Swerte kaya 'to!"
"I don't fvcking care kung swerte 'yan sa 'yo! Bumaba ka na nga!"
Tinawanan ko siya.
"Uy, ayan sa polo mo, o. Dumikit. Haha!"
Nandidiri niyang hinubad ang damit niya.
Natigil ang pagtawa ko at natulala sa kaniya nang lumantad ang kayamanang matagal niyang itinago sa akin. Ang kaniyang abs! Nangningning ito sa paningin ko.
Pakyu picachoo! Ang ganda ng katawan ng bruho!
Mabilis na naglakbay ang paningin ko sa malapad at mukhang matigas niyang dibdib, pababa sa nakahilerang mga pandesal niya sa tiyan.
Ang kinis ng balat ng g4go! Ang puti! Mga ganito talaga tipo ko, eh! Sayang lang dahil taken na!
May tattoo siyang manhood—ay mali! Monkshood pala. Maliliit na bulaklak iyon na asul ang kulay. Paakyat ang dulo nito sa kaniyang balikat at leeg samantalang ang ugat nito ay nakatusok sa gitna ng itim na puso sa gilid ng kaniyang dibdib. Ang ganda tingnan! Pwede mahawakan? Ehem.
Marami rin siyang tattoo sa likod pero hindi ko alam kung gaano kakapal. Bahagya kasing nakasandal ang likod niya kaya hindi ko makita nang buo. Bakit ang dami niyang tattoo? Ex-convict ba siya?
Pagkatapos niyang hubarin ang kaniyang polo ay itinapon niya kaagad ito sa labas ng bintana. Parang nagtapon lang ng basahan, ah! Mukha pa namang mamahalin 'yon!
"I need to go. But before that, you have to kiss me first. Ayokong umuwi na may galit sa iyo."
Bagsak ang panga ko sa kakapalan ng kaniyang mukha. Akala ko ako na ang may pinakamakapal na mukha. May hihigit pa pala! Heto at katabi ko ngayon, nakahubad at ang gwapo!
"Hoy! Ba't naman kita hahalikan? Ano ba label natin?"
Hindi siya nakaimik. Mayamaya'y nagsalita siya nang nakakunot ang noo. "Sinabi mo kanina na hahalikan mo ako. Tuparin mo!"
"Hinalikan mo na ako, ah!"
"Magkaiba 'yon! Hindi ka naman tumugon. Sige na! Pinakain mo ako ng aso kaya bumawi ka! Alam mo bang first time ko 'yon? I don't eat thit cho!"
"Ano'ng sityu?"
"That's dog meat, Lanie."
"Ohhh..."
"Sige na! True friends don't break their promises."
Wow. May gano'n pang nalalaman!
"Sige na nga! Pero walang malisya 'to, ha? Sinasabi ko sa iyo, Mark, walang malisya 'to!"
Ngumisi siya bigla.
"Wala nga."
Tuwang-tuwa ang g4go!
"'Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. Wala lang ang kiss na 'to, ok?! Walang malisya 'to anak ka ng ina mo! May girlfriend ka, Mark!"
"Just do it!"
Dahan-dahan kong inilapit ang katawan sa kaniya para abutin ang mga labi niya nang bigla na lamang niya akong hapitin. Bumagsak tuloy ako sa kandungan niya at instant lapat ang mga labi namin sa isa't isa.
Bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko! Nagtatambol.
Grr! Awatin natin!
Akma akong aalis sa ibabaw niya pero niyakap niya nang mahigpit ang beywang ko.
"Kiss me again," bulong niya.
Napalunok ako at ang mga balahibo ko sa katawan ay nagtayuan na. Ang sexy naman kasi ng boses! Na para bang kuryenteng nanuot sa p********e ko.
"Kiss me again, my Lanie..." paos niyang ulit.
Napatitig muna ako sa mga mata niyang tila nang-aakit, saka ko ibinaba ang tingin sa nakaawang niyang mga labing nakakatukso ang kulay.
Napalunok ako. Ang kalamnan ko ay nanginginig. Sumisigaw sa hiya ang utak ko pero nagwawala naman sa kilig ang puso ko.
Hindi ko na alam ang nangyari dahil nawala na ako sa huwisyo na para bang nahipnotismo. Pumikit ako at buong diin na hinalikan ang mga labi ni Mark. Ang sarap sa pakiramdam. Ang lambot ng mga labi niya at ang bango ng hininga.
Bumuka ang mga labi niya at nagsimulang gumalaw. Pati ang kaniyang dila ay tila sumasayaw na rin at pilit na pumapasok sa bibig ko.
Napahaplos ako sa makinis niyang pisngi habang dinadama ang kaniyang halik, paakyat ang haplos ko sa makapal niyang buhok. Naramdaman ko naman ang kamay niyang yumayapos sa likod ko pababa sa mga hita ko.
"Lanie!"
Napaigtad kami sa biglang pagkalampag ni kuya Dan sa pinto ng kotse.
Bukas nga pala ang bintana!
P4tay ka, Lanie! Nakita ni kuya ang ginawa ninyo ni Mark! Sugod mga kapatid!
"Tar4ntado ka, Rojas! Panagutan mo 'yang bunso namin!"
Lagot!