kabanata 5- bawal ka nang magkagusto sa iba

1661 Words
"A-aray! Araaay!" Pingut-pingot ako ni kuya Dan habang papasok kami ng bahay. "Upo!" maawtoridad niyang utos. Para naman akong tutang umupo sa kahoy na sofa ng aming maliit na sala. "Pot4ngina! Ano 'yon, kulot?!" Humarap siya sa akin—with beast mode. Rawrrr! Nginisihan ko siya. "Straight na nga ang buhok ko, kuya! Hindi na ako kulot!" "Anak ka ng pating!" "Anak ho ako ng tao, kuya." "Isa pa! Tatamaan ka na!" Namumula na ang oling dahil sa galit. Mabuti na lang wala nang mga bisita. Tanging 'yong bansot na lang na feeling close sa akin ang naiwan—si Bukaw na ngayon ay iyak nang iyak sa tabi ko. Nagpang-abot na ang luha, sipon at laway nito kaiiyak. "Paasa ka, Lanie! Huhuhu! Ang sakit-sakit!" Drama nito. Sarap kutusan! "Teka, ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ni mama na kagagaling lang ng kusina. "'Yang anak mo, ma! Nakita namin sa kotse ng Rojas na iyon! Nakikipaghalikan doon sa lalaki!" Nanlaki ang mga mata ni mama nang humarap sa akin. "Totoo ba 'yon, Lelanie?!" Lumabi ako at yumuko. "Ang harot, ma! Anak talaga ng pating 'yan! Sabihin mo, ano pa ang ginawa ninyo doon?! Siguro nag-ano rin kayo ni Rojas sa kwarto mo kanina, ano?!" "Hoy!" Namilog ang mga mata kong napatayo. "Walang nangyari sa amin, kuya Dan! Kiss lang 'yon, eh! Wala naman kaming ginawa na mas masahol pa don!" Dinuro niya ako. "Kapag ikaw, nabuntis at hindi pinanagutan niyan, lintik talaga! Sinasabi ko sa iyo, Lanie! Sa bubong ka titira!" "Wala ngang nangyari sa amin!" "Kuya Dan, nandito naman ako. Handa kong panagutan si Lanie sakaling mabuntis siya," naiiyak na sabad ni Bukaw. "Isa ka pa!" Nabuwal ito matapos kong batukan. "Umuwi ka na nga! Sipain kita diyan, eh!" Ginalit niyo 'ko, ahp! Nagkamot si Bukaw na lumabas ng bahay. Sumunod namang tumayo ang isang lalaki na tahimik lang sa sulok. Nanlaki ang mga mata ko. "Ahm, Tita Dehlia, kuya Dan. Kailangan ko na ring umuwi." Tumango si kuya Dan. "Pasensya ka na dito, CE. Pasaway talaga 'tong bunso namin." "Ayos lang," nakangiting tugon nito saka ako kinawayan. Pakiramdam ko ay unti-unti akong ibinabaon sa kinatatayuan ko nang malaman kong nandito pa pala si CE. "Bye, Lanie. Congrats ulit." "Salamat." Kimi akong ngumiti rito. Kung pwede lang ay magpapalit ako bukas ng mukha at sasabihin ko kay CE sa susunod na pagkikita namin na ibang Lanie ito at hindi ang totoong ako. Grr! Nakaka-bombastic sa hiya! Nang makaalis na si CE ay hinarap ulit ako ni kuya Dan. "Bakit ka nakapatong sa tar4ntadong Rojas na 'yon?! Bakit siya nakahubad?!" "Hinampas ko kasi siya ng tsinelas na may dumi ng aso. Eh, dumikit sa damit niya kaya hinubad niya." "Eh, bakit ka nakapatong?" "K-kuwan..." Nagkamot ako ng kilay ko. "Ahh, m-may kuto kasi ang kilay niya, nahawa ko po. Kinuha ko lang. Kita mo naman, ang kapal ng kilay niya, diba?" "At bakit kayo naghalikan?" "Uy, hindi! Hindi, ah!" Todo iling ako. "Ano'ng hindi?! Nakita ko, kulot!" "Straight na sabi, eh!" "Umayos ka!" Binatukan ako ni kuya. "Boyfriend mo ba 'yon?!" Tinuro niya ang labas kung saan kasalukuyang binubugbog si Mark ng tatlo kong kuya. "Hoy, Dan! Ano bang pinaggagawa ng mga kapatid mo? Patigilin mo nga ang mga iyon! Diba, sabi mo, anak ng mayor ng Quezon iyang bisita ni Lanie? Bakit niyo ginaganon?" saway ni mama. Nakahinga naman ako nang maluwag. Buti na lang may kakampi ako rito. "Oy! Tama na nga 'yan! Baka mapatay niyo 'yan wala akong pangpyansa sa inyo! Ipasok niyo 'yan dito!" Hinatak ng mga kuya ko si Mark saka ipinasok sa bahay. "Ito ba ang gusto mo, Lanie? Maraming tattoo? Matino pa ba 'yan?" Tinulak si Mark ni kuya Leo, ang pangalawang kuya ko. "Ang cool kaya," mahinang sambit ko. Umupo sa sofa si Mark. Relax at kalmado na para bang walang nangyari. Kahit pa duguan na ang ilong niya, putok na ang labi at may pasa na siya sa mukha at katawan. Naawa tuloy ako. Ang sakit sa dibdib na makita siya sa ganitong ayos, ano ba 'yan! Salbahe kayo mga kuya ko! Porket nasa teritoryo namin ay ginaganito na nila ang boyfriend ko—etse kaibigan! Kaibigang lalaki. Malungkot akong umupo sa tabi ni Mark habang pinagmamasdan ang mga tinamo niyang pasa. Lalo na sa mapupula niyang mga labi na ngayon ay dinidilaan niya ang dugong lumabas sa sugat doon. Ba't ba ako napapalunok? "Ahm, Mark, ok ka lang?" "Yeah," nakangiti niyang tugon. Tengene 'yan! Nabugbog na't lahat! Nakangiti pa rin! Ang angas at ang gwapo lang! "Hoy! Kayo! Kumuha kayo ng icebag don!" utos ni mama kina kuya Jake. "Kapag may nangyaring masama rito, wala nang mananagot sa ipinagbubuntis ng bunso niyo!" "Ma! Wala ngang nangyari sa amin!" "Pananagutan ko ho siya." KATAHIMIKAN. Hindi nakakibo sina mama at utol dahil sa gulat. Maging ako ay nagulat din sa sinabi nitong kaibigan ko. Literal na nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Mark. Ramdam ko na pati butas ng ilong ko ay nanlaki na rin at halos mahigop ko na ang lahat ng alikabok sa aming bahay. Nababahing tuloy ako. Ayan na nga! "HACHOOO!" Nagtalsikan ang sipon at laway ko sa mukha ni Mark. May boogey-boogey pa ngang dumikit sa pisngi niya na kaagad ko namang pinahid. Eww! Ang lagkit! "Hoy! Ano 'yong sabi mo kanina?" tanong ko. Nginitian niya ako. Nakita ko tuloy ang isa pang boogey-boogey malapit sa labi niya. Tinanggal ko ito bago pa man siya makapagsalita. Baka kasi madilaan niya pa. Kadiri 'yon! Whew! Inikot-ikot ko iyon sa daliri ko saka ko siya tiningnan sa mga mata. "Pananagutan kita. I'm willing to marry you." "Ha?!" Ibinalik ko ang boogey sa labi niya. Tengeneee! Bakit may pa-marry you siyang nalalaman ngayon?! Ano'ng drama ba 'to?! "M-magtagalog ka nga! Baka kasi tinakasan na ako ng eardrum ko." "Pakakasalan kita." Kumabog nang pagkalakas-lakas ang dibdib ko na halos matuklap na ang buong ribs ko. "M-m-masama pala epekto sa iyo ng shitzu. Ahehe." "Shitzu?" "Ahh, 'yong dog meat, M-Mark. May rabis yata. P-pagamot ka na baka na-nahawaan ka..." Grr! Nauutal na ako at pinagpapawisan. Inirapan niya ako bago siya humarap sa mama ko. "Pakakasalan ko ho siya kung papayagan niyo 'ko." "T-tubiiig!" biglang sigaw ko na ikinapikit ng lahat. Natampal tuloy ako ni mama. "Ba't kailangang sumigaw?! Doon! Pumunta ka ro'n sa kusina, babaeng ipinaglihi sa elepante!" "Mama naman, you're so harsh!" Nagtungo ako sa.kusina at nakaubos ng dalawang basong tubig. Summer na summer ngayon sa katawan ko kaya kulang ang isang basong tubig na pandilig sa nanunuyo kong lalamunan. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang malakas at mabilis na kabog ng dibdib ko na lalong nagpatuyot sa lalamunan ko. Bakit niya ba kasi sinabi iyon?? Nabubuang na yata si Mark. Alam naman niyang walang nangyari amin! G4go talaga! Mamaya ka sa akin! Ikinuyom ko ang palad ko sa inis. Pagbalik ko sa sala ay nakita ko si mama na ginagamot ang mga pasa ni Mark pati na ang sugat sa labi niya. May damit na siyang suot na kulay itim. Ang pogi niya lalo kapag nakaitim ng t-shirt. Malamang kay kuya Leo 'yon. Mahilig kasi sa black si kuya Leo. Hmm, Buti naman at naisipan nilang damitan si Mark. Baka magkapulmonya pa 'yan dito. Nakakapagtaka lang at bigla nang huminahon ang mga utol ko. Ano kayang nangyari? Ano kayang napag-usapan nila? "Hoy, Lanie! Samahan mo si Mark doon sa kwarto mo. Pagpahingain mo muna." "Ho?" Namilog ang mga mata kong nagpalipat-lipat ng tingin kina mama at sa mga kuya ko. Tinitingnan ko ang bawat reaksyon sa kanilang mukha. Nawala na 'yong galit. Kalmado na talaga silang lahat pero sina kuya Dan at kuya Jake ay nakakunot pa rin ang noo. Ano ba'ng nangyari? Hinawakan ko si Mark sa braso at kiladkad papasok sa kwarto ko. Tinulak ko siya paupo sa kama pagkatapos ay sinipa ang paa niya. "Aray!" Nakangiwi niyang hinawakan ang kaniyang paa. "Ano'ng sinabi mo kina mama?" Ngumuso siya. "I'm sleepy. Can I sleep here?" "HINDI!" Napapikit siya sa lakas ng aking boses. "Sabihin mo sa akin, ano'ng napag-usapan ninyo roon kanina?" "Nothing." Pinalo ko siya ng unan. "Hey! Mapanakit ka na, Lanie!" "Kapag hindi ka umamin, ipapaubos ko sa iyo ang natirang adobong aso roon sa kaldero!" Napalunok siya. "I just said that we have been friends for a long time kaya normal na sa atin mag-kiss." Saka siya humiga sa kama na akala mo'y pag-aari niya. Sa tangkad niya ay lumampas pa ang paa niya roon. "Hindi ako naniniwala! Magsabi ka ng totoo, Mark kung hindi ay hindi na talaga kita papansinin! Ipapagulpi kita sa mga aso ng kapitbahay namin! Ipakakagat ko ang bay4g mo! T4ngina mo, pinahamak mo na nga ako, napahiya pa ako kay CE!" Salubong ang mga kilay niyang lumingon sa akin. "'Yon talaga ang ipinutok ng butse mo? Na napahiya ka kay CE?" Tumaas na Rina ng boses niya. "Oo!" Dabog siyang bumangon. May dinukot siya sa bulsa ng kaniyang jeans saka niya ito ibinato sa akin. Sapol ako sa noo. Anak ng titing! Sinundan ko ng tingin ang gumugulong na bagay na ibinato niya sa akin. Maliit na box iyon, itim at may ribbon na gold. Dinampot ko iyon saka binuksan. Nawala ang pagkalukot ng mukha ko at napalitan ng pagkagulat nang bumungad sa akin ang makinang na bagay. Isa lang naman iyong white gold diamond ring at isinisigaw nito ang nagniningning na puting bato. "A-ano 'to?" "Ano ba sa tingin mo?" "Sa iyo 'to?" "Para sa iyo 'yan!" Napanganga ako. Tinanggal ko sa box ang singsing saka kinagat ang bato nito. "Tunay 'to?" "Ipatingin mo sa pawnshop." "Bakit mo 'ko binibigyan ng ganito?" "Isuot mo," utos niya na hindi pinansin ang huling tanong ko. "Sigurado ka? Akin na 'to?" Huminga siya ng malalim na tila nauubusan na ng pasensya saka tumayo. Kinuha niya ang singsing mula sa akin at isinuot sa daliri ko. "Simula ngayon, fiancee na kita. Bawal ka nang ligawan ng iba, bawal ka nang magkagusto sa iba."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD