"Simula ngayon, fiancee na kita. Bawal ka nang ligawan ng iba, bawal ka nang magkagusto sa iba."
Bagsak ang panga ko.
"Fiancee?! Diba, kapag fiancee mo na ang isang tao ay magiging asawa mo na ito? Ibig sabihin, kasal na ang kasunod nito?"
"Yes."
Tapos, maghahoneymoon kami? Gabi-gabi nang may tutuhog sa akin?! WAAAAH! So ano, pepe ko? Handa ka na ba?
Nahigit ko ang hininga nang bigla niyang hawakan ang kamay ko saka dinala sa kaniyang bibig.
Nakagat ko pa ang ibabang labi ko nang maramdaman ang pagdampi ng kaniyang mainit na hininga at malambot na labi sa likod ng aking palad. Para na naman akong nakukuryente!
Ano ba'ng nakain ng g4gong 'to?! Adobong aso!
"I confessed to your family earlier about my feelings, Lanie... Sinabi ko na matagal na akong may gusto sa iyo. And that I promised myself that after you graduate, I will marry you. I will protect you forever, Lanie. I will take care of you at hinding-hindi kita sasaktan. That's a promise."
"M-Mark!"
"Humingi na ako ng permiso sa kanila kanina na magpo-propose ako sa iyo ngayon at pinayagan ako ng mama mo."
Naubo ako.
Propose na pala ito? Ampanget mag-propose nitong mukhang pusa ang mata! Walang karoma-romantic! Binigyan pa ako ng bukol sa noo! Grr!
Bahagya akong napaigtad nang hawakan niya ang baba ko at itinangala sa kaniya.
"I like you, Lanie. Matagal na."
"Ni hindi mo nga ako niligawan. Fiancee na agad? Ni walang tayo!"
"Matagal na kitang nililigawan. Hay! Ang manhid mo talaga!" Nasapo niya pa ang kaniyang noo na tila ba nangungunsume.
Kailan 'yon?
"Ako ba ang manhid o ikaw lang ang hindi marunong manligaw? Kasi wala akong matandaan na nililigawan mo 'ko!"
"'Yong... 'yong hatid-sundo kita sa school at apartment na tinutuluyan ninyo ni Lettie. 'Yong niyayaya kita lagi na kumain sa labas nang tayong dalawa lang. 'Yong binibigyan kita ng flowers lagi. 'Yong lagi kitang pinupuri na ang ganda mo, I like your smell, your hair... 'Yon na 'yon, Lanie!"
Wala kasi akong matandaan na nagpapaalam siyang liligawan niya ako. Tsaka, hindi naman iyon ang tamang panliligaw, diba? Hayy, hindi nga yata marunong manligaw 'to.
"'Yon na ba 'yon?! Hindi mo naman sinabi!"
"Jesus! Lanie!"
Naupo siya sa kama na para bang pasan na niya ngayon ang buong mundo.
Seryoso ba talaga siya rito? Nakakawindang naman 'to!
"Mark... M-may girlfriend ka, diba?"
Tumayo siya at napapalunok na humarap sa akin.
"I broke up with her. Hindi ko naman sinasadya, eh. I just fell in love with you... Hindi ko nga matandaan kung kailan 'to nagsimula. Akala ko, dahil pa rin ito sa naaaliw ako kapag kasama ka. Akala ko, dahil lagi mo akong napapatawa kaya hinahanap-hanap kita... 'Yon pala, gusto na—"
BLAAG!
Sinuntok ko na.
Ang g4go, eh!
Hindi ko matanggap! Dati pa sinabi ko na sa sariling hinding-hindi ako magiging dahilan ng hiwalayan ng isang relasyon!
"Hiniwalayan mo si Shantal dahil sa akin?!"
Nakayuko siyang tumango habang sapo ang kaniyang panga.
"Buang ka pala, eh! Bakit mo 'yon ginawa? Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman niya?! Itinapon mo ang limang taon ninyong relasyon para lang sa akin?! Nag-iisip ka ba?!"
"M-mahal kita, Lan."
Sandali akong natigilan at ilang beses na napakurap. Mahal...
Mahal niya ako? Hindi niya ako gusto dahil mahal niya ako? Eh, si Shantal? Ano'ng nararamdaman niya kay Shantal?
Nang mahimasmasan ay sinuntok ko siya ulit pero sa pagkakataong ito ay sa dibdib na siya tinamaan.
Kayang-kaya naman niyang iwasan o pigilan iyon pero hindi niya ginawa.
"G4go! Balikan mo si Shantal! G4go ka! Ayokong maging third party! Ayokong maging sanhi ng hiwalayan ng dalawang taong nagmamahalan! Alam mo ba ang tingin sa akin ng mga tao kapag nalaman nila ito? Kontrabida! Mang-aagaw! Manhid! Nursing...narisis... nearest... nest... naresist... narcissist! 'Yon! Narcissist! Ayoko ng gano'n, Mark!"
"No, you're not like that, Lanie. You're not a narcissist." Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko. "Oo, kasalanan ko pero wala akong nakikitang pagkakamali rito, Lanie. Hindi ko lang talaga sinadyang magkagusto sa 'yo. I've fallen for you."
Napalunok ako sabay iwas sa mga mata niyang nagsusumamo.
"I don't love Shantal, Lanie. We...just understand each other pero magkaiba ang hanap namin. And you... Ikaw ang mahal ko."
"G4go ka nga!" Hinablot ko ang kamay ko mula sa kaniya. "Bakit mo niligawan kung hindi mo naman pala mahal?!"
Hindi s'ya nakasagot.
"Aiyst!" Gigil akong napasabunot sa buhok ko. Ang laking problima nito!
Tumalikod ako sa kaniya habang pilit na pinapakalma ang sariling puso. Pakiramdam ko kasi, anumang oras ay aatakihin na ako. Baka mamaya ay bumulagta na lang ako rito bigla.
"Graduation celebration daw pero pinapainit ninyo ang ulo ko! Bad trip!"
Sinubukan kong tanggalin ang singsing pero hindi ako nagtagumpay. Maluwang naman ito kanina nang isuot niya sa akin pero bakit ngayon parang ang sikip na? Sa bawat pagtatangka ko na hugutin ito ay para naman itong may sariling kamay na kumakapit sa balat ko.
"Lotion! Tama, lotion ang makakapagpatanggal nito!"
Mabilis niya akong hinarang. Inis akong napatingala sa kaniya. Sumalubong naman sa akin ang seryoso niyang mukha.
"Kapag tinanggal mo 'yan, ibig sabihin, tapos na ang pagkakaibigan natin."
Kinunutan ko siya ng noo.
"Ang selfish mo! Sarili mo lang ang iniisip mo alam mo ba 'yon? Ni hindi mo man lang isinaalang-alang ang mararamdaman ng iba dahil sa desisyon mo!"
Mapait siyang tumango.
"Sige. Hindi kita pipilitin. J-just keep the ring, please."
Tila sinundot ang puso ko nang makita ang pait sa malalamlam niyang mga mata.
"Keep the ring and I promise, I won't bother you anymore."
Teka, bakit ang sakit na marinig? Ibig sabihin ba no'n, hindi na niya ako papansinin? Hindi na kami friends? Friendship over na ba kami?
Lumabi siya bago pilit na ngumiti sa akin.
"Good night, Lan," halos pumiyok pa siya sa dulo.
"I have to go."
Hinubad niya ang damit ni kuya saka siya lumabas ng silid.
Natigagal ako at hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan ko. Iniisip ko ang mga sinabi niya kanina.
Seryoso ba talaga siya rito?! Hiniwalayan niya talaga si Shantal para sa akin? Para sa akin?!
Imposible, eh! Ang pangit ko! Bakit niya ako magugustuhan? Ang ganda ng mga babae sa DRIS! Ang ganda ni Shantal! Ang dami niyang nakakasalamuha na ka-level niya! Mayayaman, magaganda, sosyal pero bakit ako?
Pinagtitripan lang yata ako ng g4gong 'yon!
Pero paano na ang pagkakaibigan namin? Ibig sabihin ba ng sinabi niya kanina ay hindi na niya ako papansinin? Hindi na kami friends?
Nang gabing iyon ay hindi ako pinatulog ng guilt ko. Naawa ako sa kaniya. Pero may girlfriend siyang iniwan dahil sa akin! Ungas siya!
Isa pa, hindi pa ako handang ikasal. Ayoko pa! Gusto ko pang tulungan si mama. Tsaka, usapan naming magkakapatid, kapag nakahanap na ako ng trabaho, ako ang magpapagawa ng bahay namin.
Nakatoka sa dalawang kuya ko ang pagpapaaral kay kuya Dan sa ALS hanggang sa mag-college ito. Kay kuya Bon-bon naman ang mga gastusin namin sa pang-araw-araw.
Ngayong nakapagtapos na kaming lahat, si kuya Dan at si mama naman ang susuportahan namin.
Aiyst! Basta! Kung talagang mahal mo ako, Mark makakapaghintay ka.
Tumagilid ako ng higa saka tinitigan ang singsing sa daliri ko. Ang ganda at mukhang mamahalin. Magkano kaya ito?