kabanata 7- pakasal na tayo

1560 Words
Nakayukyok ang ulo ko ngayon sa counter ng bar area habang inikut-ikot ng daliri ko ang singsing na bigay sa akin noon ni Mark. It's been days, weeks, months... No! A year! Naks! Medyo Englishera na talaga ako ngayon dahil sa trabaho ko. Natanggap na kasi akong receptionist sa in-apply-an kong hotel at required talaga sa amin ang gumamit ng English dialect lalo na sa mga power rangers naming clients. Foreigners 'yon, okay? Whew! Sosyal na talaga si girl. Rumaraket na rin ako ngayon sa pagmo-modelo. Ewan kung ano'ng nakita nila sa akin bakit nila ako madalas kunin. Maganda raw kasi ako at sexy. Pang-cover magazine daw katawan ko. Tengeneee! Pero ayos lang. At least may dagdag kita ako. Mayroon akong malaking problema ngayon, kaya naman nandito ako sa club bar at naglalasing. First time kong uminom. Kasama ko si Suze na kararating lang galing Germany. Naospital kasi ang mama ko. May sakit sa kidney. Matagal na pala at itinatago lang sa amin dahil ayaw niya kaming pag-alalahanin na mga anak niya. Lumala tuloy ang sakit niya! Kailangan niyang maoperahan at hindi namin alam kung saan kukuha ng mahigit two hundred thousand petot! Kahit pagsamahin ang sahod naming apat na magkakapatid ay kulang pa rin. Andiyan pa si kuya Dan na pinag-aral namin ngayon. "Sanla ko na kaya itong singsing? Malaking halaga rin 'to. Instant millionaire ako dito!" Pina-appraise ko ito noon. 1.5 carat daw ang bato na nagkakahalaga ng mahigit nineteen thousand dollars! Isang milyong peso iyon! Hindi pa kasali 'yong katawan niyan! Nakakalula ang halaga nito. Hindi ako makapaniwala na binigyan ako ni Mark nang ganito kamahal na singsing! Simula noong mahubad ko 'to sa daliri ko ay hindi ko na talaga isinuot pa ulit sa takot na baka hindi ko na naman matanggal. Ipinalit ko na lang ito sa pendant ng kwentas kong silver. Minsan kapag tinupak ako ay hindi ko maiwasang pag-isipan ito nang masama at ibenta. Napaayos ako ng upo sa high chair nang may biglang dumikit na mainit na katawan sa likod ko. Hindi ko ito nilingon sa pag-aakalang si Suze at sa halip ay kinuha ko ang baso kong wala nang laman saka itinaas. "Order mo pa ako ulit, Suze! Langhiyang buhay kasi! Ang ilap ng swerte! Sa bagay, may swerte na nga rati, diba? Pero itinaboy ko pa!" Sinabi ni Suze kanina na libre niya ako ng drinks kaya bahala na raw ako maglasing. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong maglasing ay dahil masikip ang dibdib ko. Nalaman ko kasing matagal na rin palang nagkabalikan sina Mark at Shantal. Nitong huli ko lang narinig. Nang malaman ko 'yon, halos hindi na ako makahinga. Oy hindi ako nagseselos! T4e! Sumisikip lang siguro ang pakiramdam ko dahil sa lumalaki kong dibdib. Mukhang kailangan ko nang magpalit ng size ng bra. Lumulubo, eh! Napatingin ako sa beywang ko nang maramdaman ang isang mainit na palad na humawak doon. Malapad ang kamay nito, makinis at mahahaba ang mga daliri. Kamay ng lalaking mukhang maarte! Aba't pinisil pa talaga ang beywang ko! Ang manyak! Kaagad ko itong nilingon at nakahanda nang suntukin ang mukha nito pero mabilis din nitong napigilan ang kamay ko. "A-ano—" naiwang bukas ang bibig ko at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaking hindi ko inaasahan. Yumuko siya sa akin para ilapit ang mukha sa mukha ko. Naramdaman ko na ang dulo ng ilong niya na tumatama sa dulo ng ilong ko at ang mabango niyang hininga na parang hinihigop ang hangin ko. "Did I hear it right? Isasanla mo ang singsing?" Pakiramdam ko ay tinakasan ng kulay ang aking buong mukha. Ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso at ang pag-uga ng dibdib ko. Halos pumutok na nga ang hook ng bra ko dahil lalo itong sumisikip ngayon. "M-M-Mark!" Napaigtad ako nang humigpit ang hawak niya sa beywang ko. "Don't you ever think about it, Lanie. Kapag ginawa mo 'yon, buhay mo ang magiging kapalit," mariin niyang bulong sa aking tainga na nagpatindig ng mga balahibo ko. Sinundan ko siya ng tingin na bumabalik na ngayon sa table nila ng kaniyang mga kaibigan. Hindi ko akalaing nandito pala sila ng mga ka-grupo niya. Ano naman ang ginagawa nila rito sa Cavite? Dumating si Suze at kaagad ko siyang kinompronta. "Ahh, kaibigan daw nila ang may-ari nitong bagong bar," sagot niya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Kaya ba niyaya mo 'ko rito dahil alam mong nandito sina Hiro?" "Luh siya! Hindi, ah! Malay ko bang aabot sila hanggang dito?" Pinalo niya ako sa braso. "Lasing ka na!" "Ikaw rin naman, ah!" Ngumisi siya at sinabayan ng paggiling ang masarap na tugtog. "Tara! Sayaw tayo! Gusto kong magwala, Lanie! Akala ko kasi ok na kami ni mommy. Bokt3r lang pala! Litseng buhay!" Pareho lang kaming problimado ngayon at may hinanakit sa mundo kaya nagkasundo kaming magliwaliw. Nag-order siya ng another two glasses ng margarita at saka iyon nilagok nang sunud-sunod. Ininom ko rin ang akin. Mayamaya pa'y hatak-hatak na niya ako. Pagtayo ko ay biglang umikot ang paligid ko. First time ko nga kasi uminom at naparami pa! Natalisod tuloy ako! "Aray ko! Litseng takong na 'to! "My ghad, Lanie! Weak ka na ba ngayon? Simpleng hila lang, eh natalisod ka na!" "T4ngina mow!" Binawi ko ang kamay ko kay Suze. Umayos kaagad ako ng tayo dahil pakiramdam ko ay may nakatitig sa akin mula sa kung saan. Luminga ako at natuon ang paningin sa pwesto nina Mark. Hindi nga ako nagkamali, lahat sila sa table nila ay sa amin ni Suze nakatingin. Tinulak ko si Suze. "Sumayaw ka na nga ro'n! Cr lang ako." "Bilisan mo ha!" Nagpageywang-geywang akong nagtungo sa restroom ng mga babae. Mabilisan akong umihi pagkatapos ay naghugas ako ng kamay sa lababo. Pagbukas ko ng pinto ng palikuran ay sumalubong kaagad sa akin ang mamahaling pabango ng lalaki. Nag-angat ako ng tingin at unang bumungad sa nanlalabo kong paningin ang malapad nitong dibdib na inilantad ng bukas na botones ng suot nitong cream polo shirt. Tumingala ako at kumurap-kurap sa harap ng gwapo nitong mukha. Kung kanina ay nerbyos ang nararamdaman ko nang makita siya, ngayon naman ay parang kinikiliti ako. Marahil ay dahil sa alak kaya kakaiba ang init na nararamdaman ko ngayon. Kumapal din ang mukha ko—ahh, makapal na pala ito since birth. Hindi ko magawang alisin ang paningin sa makinis na mukha ni Mark na mas kita ko nang malinaw ngayon dahil sa liwanag na nagmula sa loob ng Cr. Ngumisi ako habang namumungay ang mga mata ko sa kalasingan. "Hindi ko alam na sa lady's room ka na rin nagbabanyo." Sumimangot siya. "You're drunk." "Tssk. Eh ano ngayon?" Hinawi ko ang kamay niyang iniharang niya sa pinto pero ako pa ang bumalya sa pader dahil sa pagkakahilo. "Hoy! Huwag mo 'kong tulaaak!" "I didn't do anything." "Shinungaling 'to! Tinul-ak mo 'kow eh!" Langhiya nagsimula nang bumigat ang dila ko. Umayos ka, Lanie! Hindi ka lasing! Tumikhim ako saka dinuro si Mark. "Sinungaling ka, eh! Sabi mo noon, di mo mahal si Shantal pero binalikan mo!" "Are you jealous?" Kumurap ako. "Uy! Haha! Patawaaa!" Ume-echoe na pati sa hallway ang boses ko. Hindi ko na kontrolado. Sa bagay, kahit hindi ako lasing hindi ko na talaga kontrolado ang boses ko. Tinulak ko siya ulit. "Paraanin mo 'ko!" Sa halip na tumabi ay bigla siyang yumukod. Napatili ako nang walang paalam niya akong binuhat. "Sandali! Ibaba mo 'kow!" "Shut up!" "Tar4ntado!" Binatukan ko siya. "Sh1t! Isa pa, Lanie! Malilintikan ka na sa akin!" Pero hindi ako nasindak. Binatukan ko ulit siya. Tumunog pa talaga ang pagkakatama ng knuckle bone ko sa kaniyang ulo. PLOK! "Fvck!" Gigil niya akong ibinaba pagkatapos ay idiniin sa dingding ng hallway. "Gusto mo talaga ng sakitan? Huh?" humahangos niyang sambit. Hindi ako nakaimik. Nalalanghap ko kasi ang mabangong hininga niya na humahalo sa amoy alak kong hininga. Bumaba ang tingin ko sa mapupula't maninipis niyang mga labi. Sa ibabaw ng kaniyang upper lip ay nagsimula nang mamuo ang kaunting pawis dahil siguro sa init ng kaniyang ulo. "Mark..." mahina kong usal habang nakatitig pa rin sa mga labi niya. Para akong na-hypnotize at kusang lumapit doon. Namalayan ko na lamang, naglagak na pala ang mga labi namin. Nanigas siya sa gulat noong una pero hindi nagtagal ay nagsimula na rin siyang gumalaw. Umangat ang kamay niya sa likod ko habang ang isa ay nakahawak na sa mukha ko. Ang kaniyang malalambot na mga labi ay nagsimula na ring gumalaw at pilit na namang ipinapasok ang kaniyang dila sa akin. Ang halay talaga nitong humalik! Pero as usual, nakasara pa rin ang bibig ko kaya hindi niya magawa ang gusto niya. Mayamaya ay umurong siya sabay mura. "Bakit ba ayaw bumukas ng bibig mo sa tuwing hinahalikan kita?" "Ayoko. Baka hindi mo makontrol sarili mo at maikama mo 'ko." "Pft! Hindi mangyayari iyon..." Para akong nasaktan doon, ah! Pero kaagad ding napawi nang dugtungan niya ang sinabi niya. "Dahil pakakasalan muna kita bago ko gawin sa iyo 'yon." Hinalikan niya ulit ako pero sa pagkakataong ito ay nakuntento na lamang siya sa padampi-dampi. "I miss you so much!" Niyakap niya ako. Bigla tuloy akong naantok nang maramdaman ko ang init ng kaniyang katawan. Pumikit ako at niyakap din siya. Mark, pautang naman... Pero iba ang lumabas sa bibig ko! "Mark, pakasal na tayo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD