"Mark, pakasal na tayo..." Huli na nang mapagtanto ko ang aking sinabi. Babawiin ko pa sana kaso tuluyan na akong nahilo at dinaig ng alak sa katawan ko. Suka ako nang suka hanggang sa nanghina ako at nawalan ng lakas. Naramdaman ko na lang na nakakulong na pala ako sa mga braso ni Mark habang pangko niya ako. May ulirat pa ako nang isakay niya ako sa sasakyan pero matapos niya akong halikan sa noo, tuluyan na akong nakatulog. "Mmm..." Nagising ako na nasa loob na ng magarang silid. Kaninong kwarto ba 'to? Bumangon ako pero napahiga ulit nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko. Para itong mabibiyak! Oo nga pala! Naglasing ako kagabi! Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Mula roon ay pumasok ang gwapo at matangkad na lalaking suot ang matamis na ngiti. Nakasuot siya

