kabanata 9- you don't love me

889 Words

"Ma'am, hindi pa ba tayo aalis? Tatlong oras na tayo rito." "Isang oras pa ho, manong. May inaabangan kasi ako. Huwag ho kayong mag-alala, babayaran ko naman bawat patak ng metro nitong taxi ninyo." Tumango na lamang ang matandang driver na sa tantiya ko ay malapit nang mag-senior citizen. Inabala nito ang sarili sa pagsungkit ng kayamanan nitong nakakulong sa ilalim ng ilong. Buti pa si manong. Mukhang walang inaalalang problima. Chill-chill lang. Bumuntong-hininga akong napatanaw sa labas ng bintana. Alam kong nariyan pa rin sa courthouse nitong Cavite si Mark. Nakikita ko ang BMW niyang nakaparada sa parking space ng gusali. Tatlong oras na akong late, hindi pa rin siya umuwi? Alam naman siguro niyang hindi na ako darating. Matalino siya kaya dapat alam niya na hindi ko na siya s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD