Ilang taon na ba ang nakalipas? Isa... Dalawa... Tatlo? Matagal-tagal na rin pala. Siguro naman ngayon ay nakakapag move on na siya. Dahil ako, sa paglipas ng panahon, napagtanto ko kung gaano pala ako katanga para bitiwan siya. "Mabuhay ang bagong kasal!!!" "Yoohooo!" Ikalawang kasal ngayon nina Kairo at Dimples na ginanap sa isang resort sa batangas. Sana all talaga pinakasalan nang dalawang beses. Kompleto ang lahat ng pamilya, malalapit na kamag-anak nila, kaibigan at syempre, ang TABS na ka-grupo ni Kairo. Present silang lima kasama na ang lalaking matagal ko nang gustong suyuin pero hindi ko magawa. Paano ko naman magagawa kung lagi ako nitong iniiwasan. "I love you, mahal." "I love you more, Mrs. Adriana Dimples Cordova Zaragoza Nagamori." Uhh! Ang sweet parang asukal sa iba

