My wife... Iyon ang narinig ko kagabi. Sigurado akong narinig ko talaga 'yon. Pero sino? Sino ang lalaking iyon sa panaginip ko? Bakit pamilyar ang bango niya? Teka, panaginip nga ba iyon? Nagising na naman ako na nasa isang silid nang hindi ko namalayan! Walang-hiyang foreigner! Malamang may nilagay siya sa inumin ko kaya ako nagkaganoon kagabi! Nag-shower ako para magising nang tuluyan. Pinuntahan ko si Suze at naki-chika kung ano'ng nangyari sa kanila kagabi ni Hiro. Ang bruhita naman ay kunwari pang galit. Pero masisilip naman sa mga labi niya ang ngiti. "Naku, nagtusukan 'yan sila for sure!" ani Lettie na nagpagusot sa mukha ni Suze. "Manahimik nga kayo! Ang tsismosa ninyo!" "Sanaol natusukan!" Tawanan kami ni Lettie. Sabay-sabay kami sa cottage na magkakaibigan para manangh

