Chapter 33 Beatriz POV Nanggigil akong naglakad patungo sa opisina. Madiin kong hinawakan ang suot kong coat sa katawan. Pigil ang sarili na hindi siya balikan doon at sipain. “He wants me back? Huh!” I murmured. Sinipa ko ang nadaanang bato. Sarap niyang sipain sa pagmumuka. Anong silbi ng pagbubuntis niya sa ate ko? Bakit niya ginawa iyon kung ako naman pala ang mahal niya? Ngayon, guguluhin niya ako? Tsk! Bumalik na lang siya sa hell na pinanggalingan niya. Huminto ako sa entrance ng company. Maraming napapalingon sa akin. Late ba naman ako ng dalawang oras! Umupo ako sandali sa may bench na naroroon. Pinapakalma ang sarili para pag-akyat ko doon, nasa work mode na ang utak ko at hindi iyong ngayon na papatay ako ng tao. Nang ex to be exact. Pinilit ko nginitian ang utility na

