Chapter 34 Beatriz POV Nakangiti akong naglakad papasok sa company. Pasimple kong nilingon ang likod ko. Like a teenager, were secretly watching her crush. Nasa likod ko siya, nakasakay sa kanyang sasakyang dahan-dahang umuusad para sabayan ako sa paglalakad ko. Kung iisipin ko, anong katangahan ito? Para kaming mga batang pinagbabawalan ng mga magulang namin na bawal ang makipagrelasyon at ito ginagawa namin patago. Sa ngayon nga lang, mga katrabaho namin, hindi sa mga magulang. Kinawayan ako ni Kikay na kakababa lang niya din sa sinakyang taxi. Hinintay niya na ako doon sa harap ng entrance. Hudyat na iyon para lagpasan ako ni Kiel. Napatingin doon si kikay. Kumaway siya nang matapat ang sasakyan nito sa amin. “Yee, excited na ako mamaya!” She squealed looking at the car na papaso

