Chapter 6

3461 Words
Chapter 6 Beatriz POV Tumayo na ako’t nag-inat-inat, sabay hikab. Hay! Na tapos ko din sa wakas! Umungol ako’t pumikit sa labis na ginhawang naramdaman sa likod ko at mga balikat. Tinignan ko ang oras sa ibabang bahagi ng laptop ko. Alas-dos na pala ng hapon! Busy pa ang lahat ng mga katrabaho ko sa kani-kanilang mga ginagawa. Sa sobrang busy nila, hindi nila ako pinansin sa malakas at ekseperada kong paghihikab at pag-iinat. Napahawak ako sa tiyan ko nang makaramdam ng gutom. Napatikhim ang bibig ko nang mariin. Hindi pa ako nanananghalian at ito— nagmumura na nga ang tiyan ko sa gutom. “Psst!” paswit ko sa kanila. Mula sa pagitan namin ng cubicle ko, pumangalumbaba ako sa amba nito. Nilibot ng paningin ko ang iba pa. Ngayon, nakasulyap na ang iba sa akin at nakanguso. “Oh? Tapos ka na?” tanong sa akin ni Patricia nang ‘di ako nililingon. Patuloy lang siya sa pagta-type nang ‘di tinitignan ang keyboard niya. Madrama akong tumango-tango. Napanguso naman siya. Pabagsak siyang sumandal sa kanyang office chair at inikot ito paharap sa akin. “Hay! Mabuti ka pa. Papansin kasi mga ka-team ko this past few days. Ang daming absent. Mga pasaway pa at bagsak sa ATT.” reklamo niya. “Okay lang ‘yan. Bawi na lang next week.” anas ko. Inabot ang tumbler ko sa ibaba ng lamesa. “Punta lang muna ako sa pantry, ah? Nagugutom na talaga ako.” Inabot ko ang wallet sa bag ko. “Sira ka talaga! Hindi ka pa rin kumakain?” “Tinapos ko muna para maaga ako makauwi mamaya.” Balak ko kasing magbawi ng tulog. Ilang araw na din akong puyat dahil sa report na tinatapos ko. And today— I’m free! “Masyado mo naman yata inaabuso ang body mo niyan, besh! Sa makalawa pa naman deadline ng report mo, ah? Tinapos mo na agad.” Inirapan niya ako. Bumalik siya sa dating pwesto at muling nag-type doon. “Para makarami. Meron pa akong proposal na gagawin, ‘di ba? Kailangan ko na simulan ang research d’on tomorrow.” “O, siya. Kumain ka na. Naririnig ko na kasi iyang tiyan mo.” “Okay! Tara na rin kaya baka pwede na mag-break.” Napangisi ako sa tinuran ko. Sinusubukan kong demonyuhin ang utak ng kaibigan ko. “Hmm, may isang oras pa, eh. Mauna ka na muna.” “All right!” napanguso ako. Hindi tagumpay. Nag-okay sign ako sa kanya at nagtungo na sa daang papuntang canteen. Titingin muna ako ng sandwich ko doon at pasimple kong dadalhin sa pantry. “Hello! Isa nga po sa chicken sandwich. Add mo na rin ng isa pang cloud-nine. Salamat!” Pagkakuha ko sa order ko, nagtungo ako sa pantry. Ayaw ko sa canteen dahil agaw pansin doon kung kakain ako ng wala sa oras. Buti pa sa pantry, walang tao madalas at tahimik. Wala naman kasing gaanong gumagamit nito. Unlike sa canteen lahat ng empleyado pwedeng tumambay doon. For exclusive employee lang kasi talaga ito, Pero wala naman makakaalam kung walang makakakita sa akin. Isa pa, alas-dos pa lang. Three pm pa ang coffee break at sa ganoong oras tapos na rin ako dito. I-on ko ang kettle para magpainit ng tubig. Tempting akong gamitin ang coffee maker nila dito. Mahahalata na kasi nila kung gagamitin ko ito. Ibinuhos ko ang dalawang sacket ng 3-in-1 na kape sa tumbler ko. Naghu-hummed ako habang hinihintay na kumulo ang tubig. Nilingon ko ang buong pantry, malinis dito at mabango. As usual walang tao. Pero may mga stock ang ref at mga cabinet dito. Dito kasi sila kumukuha ng mga pagkain ng bosses namin. Kung may meeting man, dito sila kumukuha ng kape at ilang goods. Mas malapit ito sa mga offices ng mga boss sa floor na ito. “Hmm,” hummed ko at sumabay sa kantang nagpi-play sa Spotify. Ninanamnam ko ang bawat kagat sa sandwich ko with my favorite song, Ironic. MYMP version. I sip on my fresh stir coffee. Napapikit ako. Ang sarap ng humagod na init nito sa lalamunan. Nagdidiwang ang tiyan ko. “And who would've thought? It figures.” sabay ko sa kanya. Ngumuya sa huling kagat ng sandwich ko. Hindi ko pa man nalulunok ito ng sumimsim muli ako sa kape ko. Sasabay pa sana ako sa kanta nang. . . Mabuti na lang at nalunok ko na ang kape kung hindi magkakalat pa ako sa dito. Worse, sa harap pa ng boss ko. “S-sir, ma’am,” nauutal na tawag ko sa kanila. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig ko. Hoping this piece of paper could rescue me in too much embarrassment. Mabilis akong tumayo, hindi alam kung anong gagawin. Para akong nahuli na may ninanakaw sa isang boy’s store. s**t! “What are you doing here, Ms. Salvador?” Patay! Tumikhim ako. “Ma’am, apologize for intruding the space. Hindi na po mauulit.” Yumuko ako para itago ang kahihiyaan ko. Si Ma’am Karina iyon, ang nag-iisang masungit at terror dito sa company. Pinakakinatatakutan siya dahil sa ngiti niya at boses na malumanay. Iyong tipong, hindi ka mangingilabot dahil tatakasan ka ng mga buhok mo sa katawan sa sobrang laki ng mata niyang nakatingin sa iyo. “Ms. Salvador, had you forgotten that this pantry is for. . .” “Let Ms. Salvador use the pantry whenever she wants.” Nalipat ang tingin ko kay Sir Gwapo, ay este . . . hot. Tsk! All in one. Ano ba ‘yan? “B-but sir . . .” Napatigil si Ma’am Karina sa kanyang sasabihin na pinutol ng boss namin. Wala na lang siyang ginawa kung hindi ngitian ako. Pakitang tao. Yumuko ako ngunit ‘di nakaligtas ang sa akin ang pag-irap niyang iginawad sa akin. Pag si Sir pa naman ang nagsalita, walang sino man ang puputol, kikibo o babaling dito kung ayaw mong mapatapon ka sa labas ng kumpanya. . . without any words. Ganyan siya. Bihira magsalita kaya dapat attentive ka bawat letrang lalabas sa kanyang bibig. As his usual, masungit at suplado itong poging boss namin. Never itong bumati sa mga bumabati sa kanya. Which is weird na hinahayaan niya ako dito. Aloof siya at laging busy. Diamond yata ang bayad bawat minuto nito, e. Walang sinasayang na oras at panahon. Maagang papasok, uuwi na rin ng madaling araw. ‘Yan ang sabi ni Manong guard. Sobrang addict nito sa papel at laptop niya na lagi niyang kaharap. Sabagay, sa sobrang yaman ba naman nila at daming negosyo hindi na maikakaila iyon. Pareho silang nakatayo sa may amba ng pintuan. Hindi ko sila napansin dahil bukod sa page-enjoy ko sa kinakain ko, binabasa ko din ang lyric sa Spotify ko kaya, s**t! Nahuli nila ako. Naka-white polo shirt si Sir at itim na slack. Hapit na hapit ang kanyang leegs sa suot nito. Wala siyang necktie na sa tingin ko ay mas nagbigay pa sa kanya ng mas nakakalaglag na panty-galawan. Muli akong napatikhim sa naiisip ko. Pag-angat ko ng tingin, nasa akin pa rin ang mga tingin niya. Muli akong napatikhim na ikinamura ko sa sarili ko. . . inubo ako. Nasamid sa sarili kong laway. Kakalaway sa boss ko. Ano ba ‘to? Nakakahiya. Dinaig ko pa ang isang nagdadalagang nakita ang crush niya. “Are you okay?” Inabot niya sa akin ang tumbler ko. Ngunit bago ko pa man ‘to makuha sa kanyang kamay, muli niya itong hinila sa kanya. Tinignan niya ang laman nito sa loob. Kumunot ang noo niya. Magpapaliwanag na sana ako na hindi ko kinuha ang kape-ng iyon dito nang naglakad siya sa may fridge at may kinuha itong bottled water doon. “Hindi pwede ang kape, lalong mangangati ang lalamunan mo. Here. Drink this instead.” Inabot niya sa akin ang mamasa-masang botelya. Agad ko naman itong kinuha. Nauutal na nagpasalamat sa pagitan ng pag-ubo ko. “S-salamat po, sir.” “Inumin mo na,” napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Hindi! Sa tono niya. Hindi ko maipaliwanag pero, hindi ito nakakatakot. Nakakaba lang, siguro. Lakas kasi ng kabog ng puso ko. Nasobrahan na yata ako sa kape. Ilang inches lang ang layo niya sa akin. Naaamoy ko ang kanyang pabango. Na simula noong naamoy ko after ng party, hindi na ito nawala sa isip ko. Gusto ko ulit maamoy ito nang malapitan. “Karina,” biglang tawag ni Sir. “Yes, sir!” mabilis na tumayo ng tuwid si Madam sa harapan ni Sir. “May gagawin ka pa ba?” pinagpalit-palitan ko ang tingin sa kanilang dalawa. “Po?” “I said, ano pang ginagawa mo dito?” saad niya na parang naiinip na ito na naiinis. Maging ako kinabahan sa biglaang pagpapalit ng tono niya. “Ah, ‘di ba sir, pupunta tayo sa financial management to give them a visit?” “Yes. You may go now.” “Pe-pe. . . okay, Sir.” Walang nagawa si Ma’am Karina at umalis na lang ito. Pinagpapalitan ko sila ng tingin hanggang sa mawala ang babaeng boss ko. Maging ako hindi ko naintindihan ang gustong ipahiwatig ni sir. Tumikhim ako at kinabahan nang mapagkami na lang dalawa. Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Inubos ko na lang sa isang lagukan ang kape ko para makaalis na dito. Hindi ko kasi nagugustuhan na kasama ko siya sa isang maliit na apat ng sulok ng kwartong ito. Nakakailang at nakakakaba. “S-sir, I’ll head now. S-sorry again for intruding on the pantry.” Mabilis akong tumayo, kinuha ko lahat ng kalat ko. Hindi ako makatingin sa kanya. “Stay. I already called a pizza and any minute it’s here. So. . . sit again.” “B-but sir,” Tama ba ang naririnig ko? “A-ayos na po ako. Bu-busog na po ako and may kailangan pa po akong gawin.” paliwanag ko. “Ms. Salvador,” O, ito na! s**t! Ayaw ko mawalan ng trabaho. No, please. . . “I’ll like to have a few words with you. You are one of my great employees so, why don’t we spend a meryenda together?” Napalunok ako sa kanyang sinabi. Okay! At least hindi ako sisante. “Okay po.” Magalang kong saad. Muling na upo, bahagya kong iniusog palayo sa kanya ang upuan ko. Kahit na magkatapat kami, hindi pa rin ako lumapit sa lamesa, the usual sit. Ganoon pa rin kasi ang nararamdaman ko. “Congratulations sir on the success of your new hotel.” Panimula ko sa amin dalawa. Nilaro ko sa aking kamay ang hawak kong isang bar ng cloud-nine. Medyo malambot na ito. Pinisil-pisil ko ito hanggang sa mag-flatten. “Thank you,” ngumiti siya, sumandal. Ngumiti siya!? “Hindi ka pa kumakain?” “A-ahm, late lunch po. Busog pa kasi ako kanina.” Pagpapalusot ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. “I see. But don’t skip your meal next time, okay?” Mabilis akong tumango-tango. Hindi nga nagtagal, dumating ang dalawang nakaunipormadong lalaking may dalang isang box ng pizza, dalawang frappe and a fried chicken base sa amoy nito. “Excuse me, sir. The investors are here and waiting in the conference room.” Anunsiyo ng kanyang sekretarya. Napapikit si sir at napailing. “Okay,” nilingon niya ang kanyang sekretarya. Matapos sabihin nito ang ilang instruction ay ako naman ang nilingon niya. Nagulat ako doon dahil bumalik ang nakakatakot niyang ekspresyon na ilang sandali lang nawala. I think. “Enjoy your food, Ms. Salvador. If you want to share it with your co-workers. I must have gone.” “Thank you again, S-sir.” Muntikan ko na makalimutan sabihin ang sir sa dulo. Isang tango lang ang nasagot niya sa akin bago tumayo. Inayos niya ang kanyang suot. Pagkaalis niya doon, nakahinga ako ng maluwag. Napaupo muli. Tinitigan ang mga pagkain sa lamesa. Anong gagawin ko sa mga ito? At tama ba ang nangyari? Inalok niya ako ng foods at hindi pinagalitan kasi ginamit ko ang pantry ng kumpanya? Ang weird, ah? Napanguso ako. Sa huli, kinaya ko naman kuhanin lahat ng pagkain at dinala ito sa working space namin. I’m gonna share this with my co-workers as our boss said. Madami naman ito. “Wow! Naglibre si kaibigan.” Buyo ni Kikay. Agad lumapit sa amin. “Anong meron?” lumapit naman si Patricia. Dala ang kanyang kamay ang isang folder. “W-wala naman. Galing ito kay Sir, nakita niya ako kanina sa hallway tapos ito, binigay niya. Sobra daw sa meeting. So, sino ako para tanggihan, ‘di ba?” pagdadahilan ko. Sana tangkilikin nila. Na sa tingin ko naman, wala silang pakialam dahil nagkanya-kanya na sila ng kuha at alok sa mga katrabaho pa namin. Teka, kailan niya kaya ito na-order? Before ako makita? Para ba sa kanila ito ni Ma’am Karina? Aww, sorry madam! Wait, anong meron sa kanila? “Tama ka ng disisyon, kaibigan.” Umirap ako sa sinabi ni Kikay. Kagat-kagat niya ang isang fried chicken. “Gosh, I need rice!” sigaw pa nito. “Nasa tama kang daan papunta dito, kapatid.” Si Patricia naman iyon. Itinaas ang dalawang magkapatong na Pizza. Napanguso ako, sumipsip sa frappe na dala ko. Tinitignan ang papaubos nang pizza. Agad ko nang dinampot ang natitirang isang kwadradong pizza at isang manok nang akmang kukunin pa ito ni Kikay. Sugapa, amp! “Yeee! Excited na ako sa blind date na ‘tin this weekend. Luh, ano kayang susuotin ko?” nagpapanic na sigaw ni Kikay sa gilid ko. Hindi ko siya pinansin. Tinitingnan ko ang calendar ko. Bigla ako nakaramdam ng lungkot. “Ako, pass muna. Meron ako, e.” “Ano naman ngayon kuneksyon ng period mo sa date na ‘tin?” Itinago ko ang cellphone ko. Kinalimutan ang sakit na nadarama at lungkot. Ibinigay ko ang buong atensyon ko sa dalawang kaibigan ko. “E, paano kung mag-aya siya after ng date?” “Hala!” irap ni Kikay. Napatampal ito sa kanyang noo. “Oo nga, ano!?” Ako naman ang napairap sa kanila. Luminga-linga ako sa paligid. Naglalabasan na ang mga empleyado ng kumpanya. Ang iba ay naninigarilyo dito sa labas. “Go ka ba, Bet?” Napakislot ako nang sundutin ni Kikay ang tagiliran ko. “Kamusta pala last time? Nag-aya ba ulit?” “Oo. Ayaw ko. Masyadong into politics. Buong date iyon na lang usapan namin. Muntikan pa kami mag-away kasi magkaiba kami ng Presidenteng iboboto.” Nagtawanan silang dalawa. Sa aming tatlo, ako ang malas sa blind dates. Dahil wala nang susunod pa doon. Wala nang second date na tinatawag. Unlike nila, umirap ako sa kawalan. Sila ang nagse-set ng blind dates ko. Simula nang lumipat ako dito sa Pilipinas, wala pa akong nakakarelasyon. Kaya naman sila na ang gumawa ng paraan para ‘di naman daw ako, ‘tuyo’t at sad,’ minsan talaga sarap sapakin ng dalawang ito, e. Nakailang fubu, bf’s, at ex’es na sila pero ako, wala pa rin. Hindi sa bitter ako sa past ko, wala akong time sa mga ganyan. Pinagbibigyan ko lang ang dalawang ito, dahil hindi nila ako tinitigilan hanggang ‘di ako naisasama. Kulang na lang buhatin nila ako para mapapunta sa sinet nilang date. Ang iba ayos naman, ang iba . . . o, don’t even mention it. Meron naman akong sa tingin ko ay pwede kaso, wala e. . . after the date, text and call, bigla na lang ako manlalamig at mawawalan ng ganang mag-reply. Kahit aya sila nang ayang mag-date kami muli, mas gugustuhin ko nang lunurin ang oras at panahon ko sa work. At least dito may pakinabang, hindi gaya nila na una pa lang alam ko na ang motibo. Sa wala, e! Wala akong makitang ako na ang unang magti-text at mag-aaya. Iyong tipong sinasabi nila na, excited ako sa susunod na pagkikita. ‘Yong may iku-kwento akong maganda sa mga lalaking iyon sa kanila. Pero wala. Sumpa yata ito? “Tatanda na yatang dalaga ang kaibigan na ‘tin, ses!” madramang anas ni Kikay. Kunwari na iiyak pa ito. “No. Please! Pangarap ko iyong kahit kasal na tayong tatlo tapos nagkukukwentuhan tayo ng mga kalaswaan tungkol sa mga asawa na ‘tin tapos magshe-share tayo ng mga . . .” “Asawa?” biglang sabad ni Kikay sa sinasabi ni Patricia. “Gagi! Position, moves, ganern? Asawa ka d’yan! Baboy ka ba?” Umiwas ako sa kanila, nakakahiya! Pinagtitinginan kami. Nandito lang naman kami sa labas ng kumpaya. Sa baba. Sa pintuan. Gosh! Paano ko naging mga kaibigan ang dalawang ito? At for fate’s sake, mga boss kami! Team Managers sila. Ako naman Operation Manager. Paano na lang kung ‘di na rin kami respituhin ng mga katrabaho namin kasi . . . ang mga kaibigan ko, manyakis? Tumatawa silang tumakbo sa direksyon ko. Kumapit pa sa magkabilang braso ko. “Don’t worry, ma-friend. Kami ang bahala sa ‘yo. Tiwala lang sa panty mo.” Muli silang malakas na nagtawanan. Iniba ko ang usapan para naman hindi puro kamanyakan ang pinaguusapan namin. Inaya ko sila kumain sa isang Korean restaurant sa ‘di kalayuan dito. May mga sumama din sa aming ibang mga katrabaho. Mas masaya nga naman kung madami kami. Isa pa, mura naman ito. Busog pa dahil unli sa lahat. Pag-uwi sa condo ko, agad kong inilapat ang likod ko sa malambot kong kama. Ang sarap talaga sa pakiramdam sa tuwing ginagawa ko ito. Parang kahoy akong nagpatihiga sa kama ko kaya lumundo ito at umalon-alon ako. Napapikit ako, nakadipa ang mga kamay. What an end of a day? Gabi na nang makauwi kami. Napasarap sa usapan at kainan. Sabay pa ang kaunting inuman. Tamad na akong magbihis, ayaw ko nang tumayo. Hinayaan ko na lang ang sariling itulog ang . . . ang a-raw na- ito. Maaga pa rin akong gumising nang umagang iyon para pumasok. Today is Friday, and my mom’s birthday. I hope she’s over flowingly happy today, tomorrow, and forever. Naglalakad na ako patungo sa opisina, ganito ang ginagawa ko sa araw-araw. Masaya maglakad sa umaga dahil malapit lang ito sa bahay ko. Hindi pa naman katirikan ng araw, hindi rin nakakakot maglakad dahil malayo ang kumpanya sa mismong kalsada. Maaliwalas at mapuno ang kinatitirikan ng kumpanya namin kaya na rin ang saya pumasok sa araw-araw. Hindi mo mapi-feel ang stress ng trabaho kung ganito naman ang bubungad sa iyo sa tuwing papasok at uuwi ka. Sa kabilang side pa ang parking, kaya dito puro lakad lang. Binabati ko ang mga nakakasalubong kong mga katrabaho, konti pa lang sila dahil maaga pa. Seven pa lang at alas-otso ang working time namin. Habang naglalakad, iniisip ko na ang mga pwede kong gawin sa proporsal ko. Sisimulan ko ito ngayong araw para agad matapos. “O, basta. Don’t be late. Kita na lang tayong lahat sa hotel.” Nagmamadaling iniwan kami ni Patricia at sumakay sa kotse ng kanyang ka-date. Sinabi nila sa akin kanina na may date nga daw ako ngayong gabi sa isang restaurant. Sila ang nag-set. At wala na akong gagawin kung hindi pumunta na lang. Hinabol ko siya ng tawag dahil may itatanong pa ako pero agad na silang sumibat. . . Nagmamadali. Tsk! Nilingon ko sa likod ko si Kikay na may katawagan sa kanyang telepono, sa itsura pa lang nito alam ko na, may date din ito. Huminga ako nang malalim. Another date again. Hindi na ako nag-abala pang umuwi para magpalit. Dumiretso na ako sa hotel-Restau na sinabi nila sa akin. Naka-office attire pa ako at wala akong pakialam. Hindi rin naman magtatagal ang date na ito gaya ng mga nauna. Alis na alis na nga ako dahil thirty minutes na akong naghihintay. Well, twenty minutes talaga, maaga lang akong dumating sa usapan. Nakapangalumbaba ako sa lamesa, kaharap ang wine ko. Inikot-ikot ko sa kamay ko ang kapirasong papel na hawak. “Cardo Manlisay. Engineer. Single. 27. Grab mo na, sis!” – with a smile imoji. Grab mo, ass mo! Tsk! Ang bantot ng pangalan. Tinaptap ko ang daliri ko sa lamesa. Nag-uumpisa nang mainip. Nilingon ko ang ibang table, may mga kumakain na at nagku-kwentuhan. Mostly, nagda-date. Couple, maybe? Legally or not. Nakanguso akong naghanap sa ka-date ko. Siguro ang itsura nito ay malaki ang tiyan, badoy manamit at may katabaan. Bagay sa name niya. Napangiti ako nang maramdamang may tao sa gilid ko. Medyo na liliman ako ng liwanag sa pagtayo niya sa gilid ko. Sa wakas! Hiyaw nang utak ko. Tatapusin ko na agad ang date na ito para makasunod ako sa kanila sa bar. Inihanda ko ang matamis kong ngiti. . . Na unti-unting nawala. Napalitan ito ng gulat at pagtataka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD