Chapter 7
Beatriz POV
Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. O, tama ba ang nakikita ko?
“S-sir?” napatayo ako agad para batiin ang aking boss. Nagpalinga-linga pa ako sa aming paligid baka kasama niya ang ibang mga bosse’s.
“Hello, Ms. Salvador. We meet again.” Inihumang niya ang kanyang kamay sa akin. Napatitig ako doon sandali bago napagtanto ang dapat kong gawin.
“Ah, opo! May meeting po kayo, d-dito?” nauutal na saad ko. Tinanggap ang kamay niya.
Ang lapad at ang lambot ng kanyang kamay. Parang one-fourth lang ang laki ng kamay ko sa kanyang mainit na kamay.
“Ahm, I’m actually here for a. . . date.”
“Talaga po!? Ako din kasi. . . kaso, parang wala na yata ang ka-date ko. Super late na siya. What an unmanly?” Irap ko sa kawalan. Naiinis na ngayon naisip ko ang lalaking supposedly ka-date ko nga.
First date namin at ito . . . Gosh! I’m planning to ditch and leave him. Bahala siya! Dapat yata nag-order ako ng marami tapos iiwan ko sa kanya ang bill.
Nabalik ang tingin ko sa kanya nang maramdamang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Kumunot ang noo ko doon at tangkang hahatakin na ang kamay kong kumportable sa kamay niya.
“I’m sorry. I had a meeting and needed it to be done.”
“Oh!” Ikinumpay ko ang kamay ko. “Sir, Siguro naman naiintindihan ng ka-date niyo iyon. Ako kasi, kanina pa dito at wala na yatang balak dumating pa siya. So. . . I need to go, sir. Have a nice date.”
Sana all.
Umatras ako para kunin ang bag ko na nasa upuan. Iinom na lang ako sa bar. Mabuti pa nga! Masasapok ko talaga sila Patricia at Kikay sa pagbibigay ng walang kwentang ka-date ko.
“No. I- it’s my bad. I’m sorry.”
“No. Sir . . .”
Wait?
Pinanliitan ko siya ng mga mata. Iniyuko ko ang maliit na papel sa lamesa. Binasa ko ang papel at muling binalik sa lalaking kaharap ko ngayon. Dalawang beses ko iyon ginawa bago ko. . .
“Yeah.” aniya. Itinaas niya ang kanyang kamay para ituro ang lamesa.
“W-wait. Paano? Teka— No. No. Gutom lang ako. Mauna na po ako, sir.” Mabilis akong umiling-iling. Niyuko ang bag ko at akmang aalis na nang hagipin niya ang braso ko.
“Pwede na ‘tin ituloy. . .”
“Sir, mali po yata kayo ng table.” Itinaas ko ang papel sa level ng mukha niya. Nag-uumpisa na akong mainis.
How dare Kikay put me in this situation!? Nakakahiya! At si Sir pa talaga ang pina-prank nila nang ganito. Sa dami ng tao. Siya pa!
“I’m sorry, Sir for what my idiot friends did. I-I promise I didn’t know. I had no idea about this prank.” Ramdam kong sinisilaban ang buong pagkatao ko sa ginawa nila. Anong mukhang ihaharap ko sa boss ko ngayon?
Baka this time, makasakit na ako ng tao. Hindi ako fan ng anumang mga prank. Noon pa lang I find it katangahan. Sinong matinong taong gagawa noon para lang . . . ano? For entertainment? For view purposes?
Are we even in a show?
“No. I like this. I mean, why don’t we have a pleasant dinner? Sa tingin ko naman masarap dito and you need to calm down too.” Umikot siya sa gilid ko para iudyok ang upuan ko kanina. Huminga ako nang malalim. Sobrang lalim. Pinakalma ang sarili ko.
Isang sulyap ang ibinigay ko sa kanya bago umupo. Nakatayo siya sa likod ng upuan, hawak ang sandalan nito, inaalalayan ang pag-upo ko. Inayos ko ang pagkakaupo nang maglakad siya sa harapan ko. Inayos ang suot niyang amerikana bago itinaas ang kanyang isang kamay. Gumuhit ang liwanag ng kanyang mamahaling relos nang mataan ito ng ilaw mula sa mga naglalakihang chandelier. Maya-maya’y may lumapit sa aming isang naka-unipormadong waiter at may dalang dalawang menu-ng inabot sa aming dalawa.
Hindi ako makapag-focus sa mga pagkain. Dumadaan lang sa mga mata ko ang bawat larawan at letrang nakainprinta dito.
“What’s your order?” rinig kong tanong ng boss ko.
Tumikhim ako, hindi siya tinignan. Muling nag-focus sa mga nakalarawan.
“Do you want me to order for us? If you don’t mind?”
“Okay.” Agad kong sinara ang Table d’Hote at ibinaba ito sa lamesa. Hindi ko siya tinitignan. Wala akong lakas nang loob. Nahihiya pa rin ako. Pumikit ako at hinilot ang sintido ko. Pagdilat ko, pasimple ko siyang sinilip sa ilalim ng mga lashes ko. Nakataas ang isang kamay niya. Sinundan ko ito. Mula dulo hanggang sa kanyang mga—mata. Na nakahinang sa akin!?
Nakaramdam ako ng pagkailang at ewan . . . nagulantang ako. s**t!
Tumikhim ako. Isang beses tumango. Pinanatiling mataas ang noo. “Whatever you will have that’s fine with me.”
Sinabi niya sa waiter ang order naming dalawa. Pinapakinggan ko lang ang bawat bigkas niya sa mga pagkain. Wow! Hindi man lang nauutal sa pagbibigkas ng mga nakakabulol na tawag nila dito. He even suggested a few dishes na sa tingin ko ay wala sa menu nila. Pwede kaya iyon? Sa tingin ko naman, oo. Dahil umoo lang ang waiter at attentive na pinapakinggan ang mga sinasabi niya.
Hanggang sa makaalis ang waiter hindi ko nilubayan ang kapirasong papel na hawak ko. Unti-unti ko itong pinupunit. Mine-murder sa aking isip.
“How was your day, Ms. Salvador?” nagtaas ako ng tingin sa kanya. Sumisimsim siya sa kanyang wine.
Napanguso ako. “Great! Maayos naman ang reports ko. Hindi gahol sa oras and everything was fine.” But not until now.
Pinilit ko maging masaya ang tinig. Nagmukha nga yatang sarkastiko iyon. Ayaw ko magmukhang napilitan lang pakiharapan lang siya.
“I see.” Tinitigan ko siya. Naghintay nang idudugtong niya sa kanyang sinabi.
Ano sasabihin ko sa kanya ngayon na hindi naman awkward para sa amin dalawa?
“Sino po talaga ang ka-date niyo ngayon?”
There. I’m curious.
“Ikaw.” Napanganga ako sa sinabi niyang parang obvious naman sa sagot ng tanong ko. Tumikhim ako. “Look, hindi ko sinasadya na inisin ka o galitin ka dahil sa hindi ako ang ka-date mo. But can’t we just pass it on and have a dinner?” saad niyang may pagkairita na rin.
Hindi rin nagtagal, isa-isa nilang sinerved ang aming pagkain sa hapag. Nakakahalina ang mga amoy ng mga ito. Natatakam ako sa steak na hinain nila with mashed potato at asparagus sa tabi nito. May veges salad din at chicken salad.
“Ilan taon po kayo bago niyo nahawakan ang family business niyo?” out of the blue, tanong ko. Para may mapagusapan na related pa rin sa work. At hindi magmukhang date ito dahil . . . I don’t like that idea.
Sa history ng kumpanya at slight na pakilala sa kanya, ang sabi nila ay bata pa lang siya nag-start na itong magtayo ng sarili niyang business pero how age?
“14. From small investment.” Saad niya. Inihinto ang paghiwa sa kanyang steak.
“Wow!” napanganga ako. Nabitin sa ere ang tinidor ko. “That age?” hindi makapaniwalang saad ko.
“Yes. My grandmother thought us how to spend wise and invest smarter. Doon natuto ako, hanggang sa ngayon. Kaya hindi ako naniniwala na walang taong aasenso. Lumaking mahirap, mamamatay ng mahirap? Nasa kanila lang yan.”
“Madaling sabihin pero mahirap gawin. Marami na akong nakikilalang mga tao na pinipilit nila magtayo ng business pero ang ending, ‘di rin kaya umangat o sa bandang huli hindi na mabenta.”
“It’s because they choose to be. If you’re going to start a small business, hindi ka mapapanatag na ganoon lang hanggang sa huli. You need to level up.” Itinagilid niya ng bahagya ang ulo. Sinisipat ang mukha ko.
“Sabagay. Ano ba example ng magandang business na pwedeng i-start ng isang maliit na mamamayan?” paghahamon ko.
Sige nga! Level up pa, ah?
“Food. Everyday needs.”
“Bakit ang mga barbecues and fish balls sa mga kanto sa una mabili then hindi magtatagal magsasara na din?”
“What is kanto?” nagtataka niyang tanong.
“Ahm, street foods.”
“Those kinds of foods are seasonal. Nakakasawa sa araw-araw. Ikaw ba kakain ka everyday ng ganoon sa loob ng isang taon?” And again.
“Not so. Hindi ako mahilig. Ayos na sa akin, maybe once or twice a week.”
“That’s the answer to your question, Ms. Salvador.”
Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi niya. Oo nga, ano? Sa halo-halo ganoon din. Sa mga kakanin at iba pang mga street foods. Madami ka nga costumer kung nasa isang matao kang lugar at papalit-palit ng mga tao. But kung sa labas ka lang ng bahay at baranggay . . . oo nga, ‘no?
“E, ano po sa tingin niyo ang maganda at tamang e-invest?”
“Basic needs.”
“Food nga po, ‘di ba?”
“I mean, water. Hygiene. Something useful for everyday use and needs. Iyong madalas ginagamit. Iyong masasabi mong needs not wants.”
“Sa tubig, okay. Hygiene? Like sabon and shampoo?”
“Yes, Miss. Salvador. Sinong tao ang hindi naliligo? Sinong ang hindi nagsisipilyo?”
And again, for a million tango, oo nga, ano?
Parang ang mga nauuso ngayong beauty products. Sila ang malalaki ang kita at in demands ngayon. Ang iba ay CEO na ng sarili nilang produkto.
“Wala naman age limit ang pagnenegosyo. Sabi ko nga invest wisely. Doon sa pang matagalan. And start early.”
“Naku-curious ako, ano ba unang investment mo sa edad na 14?”
Buong attention ko nasa kanya na. Curious and deadly curious. Ano ang kayang gawin ng batang boss ko.
“Paper.”
“Paper!?” kumunot ang noo ko. “A-and how much capital did you spend. . . on paper?”
“A hundred dollars.” Proud niyang saad. He should be. Sa edad na fourteen at may isang daan dolyar.
“Pa-explain, please?” Tuluyan ko nang binaba ang kutsara at tinidor ko sa plato ko. Pumangalumbaba. Hinanap ang katotohanan sa mga mata niya.
“I’m in my 7th grade at that time. Theirs is a school activity in our school at kailangan ng mga advertisement, pamphlet, and hands out. My computer and a printer naman kami sa bahay. All I needed to do is design, type, and print.”
“So, seasonal pa rin. Hindi naman laging may ganoon sa school, ‘di ba? Dito sa Philipines, mas madaming hands out unlike sa ibang bansa.”
“Yeah. Iyon ang tanong mo, first investment. Before ako makilala.”
“You mean, ginawa mo na iyon sa buong school year?”
“Hmm. At hanggang ngayon. My printing house ako abroad.”
“Wow! Just Wow.”
“Aside from being wise, you need to have skills or at least knowledge before you start the business you’re going to. Hindi pwede, iniisip mo sa ngayon lang, makaraos lang. Think for the better. Kung naumpisahan mo na at nakilala ka na, thats you’re stepping to move forward and upgrade your business.” Makatotohanan at makabuluhang aniya.
“Hindi na ako magtataka na isa ka sa mga kilalang businessman.” bulalas ko.
Simula nang makilala ko siya bilang boss ko, mas marami akong narinig tungkol sa kanya. At ito, bago ito, new sa pandinig ko. Maybe, ako pa lang ang nakakaalam kaya wala pang na-tsismis patungkol dito.
“Baka mukhang pera lang ako?” pagbibiro niya.
“Ah-ah. . . Ako din. Pero, I’m not into business. I’m more on critical and analytical thinking.”
“That you are. Those proposals you submitted are impressive. Malaki ang naitutulong mo as an Operational Manager.”
“So, bagay sa akin ang trabaho ko?” pinaningkitan ko siya. Baka naman may bonus pa ako niyan or best of the best, ma-promote ako ulit!
“Actually, ako naman ang may proposal sa ‘yo?” Inayos niya ang upo niya at ini-squared ang kanyang malalapad na balikat. Katibayan na business ang pag-uusapan namin. His proposal.
“Ano iyon?” Nag-ready na ako. Ito ang mukhang pera. Ready sa kahit na anong trabahong ibigay sa akin.
“Be my wife.”
Napakurap-kurap ako sa proposal niya.
“Wife? Your wife?” pag-uulit ko.
Pinatotohanan niya ang tanong ko sa kanyang pagtango.
“B-bakit?” umayos ako ng upo. “Is this a prank too? Kasi sir, magagalit talaga ako.”
“No. I want you to be my wife.”
“Pe-pero, a-ako?” Tinuro ko ang sarili ko. Ang mukha ko. “Teka nga! Nagmumukha na akong tanga dito kakatanong. Please, elaborate, sir. Kasi sa pagkakataon ngayon, nag-iba na yata ang meaning ng word na, ‘wife,’ sa akin.”
“I don’t do courtship. I don’t do girlfriends and love.”
Tumawa ako. Walang meaning ang salitang ‘wife’ kung wala ang huling sinabi niya, at before man magkaroon ng wife dapat dumaan siya sa dalawang unang salitang sinabi niya.
“Sir, ang pagiging wife ay hindi mo parang isang business lang. An investment. It’s forever.”
Bullshit na forever! Really!?
Hindi siya nagsalita sa mga sinabi ko.
Tumawa akong muli. Sumandal sa upuan ko. Dama kong pinagpapawisan ang kili-kili ko.
“Sir, I don’t believe in forever. Walang ganoon. Pero, sige I accept your offer.”
“Tatanggapin mo? Walang question?” kumunot ang noo niya.
Kumunot din ang noo ko. “Sir, madami na akong natanong.” Umiiling na saad ko.
“Bakit ayaw mo ba, sir?” Sinadya kong tagalan at i-empasize ang huling salita.
“Very well said, Ms. Salvador.” Inabot niya ang kanyang wine glass at sumimsim dito.
Ngumiti ako sa kanya. Inabot din ang baso ko. Itinaas ko ito sa kanya bago ininom ng straight.
Wife. His Wife.
Pag-uulit ko sa isip ko.