RYAN POV Nasa pang-apat na bahay na kami ng malingunan ko ang batalyon na grupo ng tauhan ni Amo. Pinaulanan kami ng bala kasabay ng sunod-sunod na pagsabog ng dinaanan namin na bahay. Tumalsik ang mga kasamahan ko sa lakas ng impact. Mabilis naman akong tumakbo sabay talon sa sumunod na bahay at nakipagpalitan ng putok ng baril sa kanila. Ngunit subrang dami nila. Hindi ko sila kayang mag-isa. But I did the best I could to stop them from catching my baby. "Umalis na kayo!" sigaw ko habang nakikipagpambuno sa kalaban. "Ilayo niyo si Aish dito!" Gamit ang kamay nitong may hawak na baril pinaputukan ko ang bombang nakalagay sa gilid ng bahay na kinaroroonan namin sabay takbo. Tumalon ako palabas ng bintana. Gumulong ako pagbagsak ko sa lupa sabay paputok ng baril. Kaagad din akong bumang

