AISHLEEN "Doc kumusta ho ang lagay ng anak ko?" boses ni Mom. "Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising?" I'm lying in a very soft bed. In my own room. Nagkukunwaring tulog. Ayoko ng imulat muli ang aking mga mata. Ayokong gumising at makita sila. Panaginip lang ang lahat. Binabangungot lang ako. It's been a month since that incident happened. Isang buwan na rin akong pinapatay sa pagkawala ni Ryan. Ayokong tanggapin. Ayokong maniwala sa nakita ko. I didn't see him burning together with that house anyway. Narinig ko siya. Narinig ko yung boses niya. Buhay pa siya! Ngunit yung kwento ni Kuya kay Mom ang nagpapahina sa akin. Ang unti-unting pumapatay sa akin. Nakita nitong sumabog ang bahay kasama si Ryan na nakikipagpambuno sa kalaban. Sumisigaw na umalis na kami. Alisin na ak

