AISHLEEN Nanlaki ang aking mga mata ng malingunan ko si Bryce na nakatutok ang baril sa gawi namin ni Ayan. Literal sa akin. "Nooooooooo!" sigaw ni Misha na humalo sa putok ng baril. Mabilis itong tumakbo na tila ba nakipagkarera sa bala. Hinarang ang sarili 'wag lang akong tamaan niyon. Bumagsak ito sa semento. Kasabay ni Bryce na may tama ng bala sa ulo. "Misha!" "Aishleen!" Sigaw ko kasunod ng malakas na boses ni Ryan na tinawag ang pangalan ko. Humahangos niya akong nilapitan pero si Misha na bumagsak sa semento ang tinakbo ko. "Misha!" Inalalayan ko itong makabangon. Ipinatong ang ulo sa ibabaw ng hita ko. Sunod-sunod pumatak ang luha ko ng mahawakan ko ang likod nito. Pagtingin ko sa kamay ko puno iyon ng dugo. "Misha..." hindi ko napigilan ang sariling mapahikbi. Mahigpit

