RYAN Malayo pa lang tanaw ko na ang mga tauhan ni Amo. Dinig ko na ang nangangalaiting boses nito. Galit na galit kay Mayor. Mabibilang ko lang din sa kamay ang kasama nitong tauhan. Nakatalikod sila sa gawi ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Maraming taong nanonood. Lahat din ng grupo namin nasa tamang pwesto. Malalaking hakbang kong tinungo ang likod ng peryahan. Umikot ako, tinahak ang daan lampas sa kinaroroonan ni Mayor. Humalo ako sa mga taong nanonood sa kalsada. "Bakit ngayon ka lang?!" pabulong na angil sa'kin ni Otoy sabay abot ng baril. "It's part of the plan, no worry." aniko saka sinuksok ang baril sa likod ko. "Alam mo ang consequences ng ginawa mong 'to Mayor Deogracias!" boses ni Amo. "Hindi lang ang sarili mo ang inihain mo sa galit ni Red Dragon kundi buong nasasa

