RYAN "Ry..." "Hmmm?" "Kanina sa parada nandun sina Moana at Misha." We were inside her room. Magkaharap na nakaupo sa sahig. Pupunta sana kami ng simbahan pero kinaladkad niya ako deritso sa bahay ng makita niya ang natamo kong mga sugat at pasa. Pinagtatanggal niya pa yung peke kong balbas at sinipat buong mukha ko, buong katawan ko saka ginamot. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha habang patuloy siya sa ginagawa. No one ever cared for me this much, just like what she's doing right now. Siya lang ang bukod tanging babaeng nag-alala sa'kin ng todo. She even cried dahil sa subrang pag-aalala at takot. Natunaw naman ang puso ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin ng hindi ako umimik. "Masakit ba?" nag-aalalang tanong niya habang dinadampian ng cotton na may betadine yung sugat ko. Umi

