Ang Panganib

1013 Words

Dalawang araw ang nakalipas, hindi natiis nina Erielle at Aquarius na hindi magkita. Sabik na sabik ang dalawa sa isa't isa. Pakiramdam ng mga ito ay matagal na panahon silang nawalay sa isa't isa. Kaya naman, nagpasiya ang bawat isang pumaroon sa malaking batong lagi nilang tinatambayan at tagpuan upang maibsan ang lungkot na nadarama ng kanilang mga puso. "Hindi naman siguro masama kung bisitahin ko si Aquarius. Baka, naghihintay rin iyon sa akin sa may dati naming tagpuan," bulong ng isipan ni Erielle. "Kailangan kong makitang muli si Erielle. Nasasabik akong masilayan siya roon sa aming tagpuan. Kaya gagawin ko ang paraan upang ako ay payagan," ganoon rin ang nararamdaman ni Aquarius. Gusto niya ring muling masilayan ang dalagang nagpapatibok sa kaniyang puso. Ang hindi nila alam ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD